"Hoy! Sandali!" tawag niya sa akin kasabay ng marahas niyang paghawak sa aking balikat. Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Alam kong mapapalaban na naman ako. Bago ako lumingon sa kaniya ay mabilis kong binunot ang revolver sa aking baywang at itinutok ko kaagad iyon sa ulo niya. Mabuti nakaliko na ako at nasa tagong bahagi na kami. Hindi na kami mapapansin pa ng kanyang mga kasamahan. Hindi ko silang kaya lahat na labanan dahil di ko napaghandaan ang dami nila. Limitado lang ang dala kong armas at bala. "Bitiwan mo ang hawak mong baril at itaas mo ang kamay mo kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo!" banta ko sa kaniya. Hindi iyon pananakot. Gagawin ko iyon kung subukan niyang lumaban. Nangatal siya. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Nanginig ang kaniyang mga kamay. Binitiwan niya ang b

