Pag-uwi ko sa bahay, literal drained ang katawan ko. Hindi ko na kayang mag-isip, lahat ng nangyari sa set parang sumiksik sa ulo ko... yung lights, yung paulit ulit na take, yung fake dandruff, at syempre... si Leonard. Yung ngiti niya, yung pang-aasar niya, yung feeling na gusto niyang pasingitin ang sarili niya sa pagitan namin ni Nicholas. Nakakapagod. Nakakainit ulo. Nakakaumay. Pero pagpasok ko sa unit namin, tahimik. Malinis, malamig ang aircon, amoy vanilla candle na paborito ko. I remembered Nicholas told me he had late meetings, kaya hindi ko inexpect na nandito siya. Pero the space felt empty without him, kahit ang ganda ng bahay, ang lawak, ang cozy. Walang halaga pag siya wala. I dropped my bag sa sofa, hindi ko na inayos. Tinanggal ko heels ko, toes aching, like they were b

