SIMULA
SIMULA
If I had one peso for every time my name appeared in a headline, I'd be richer than my husband. Well, secret husband.
Nicholas Greyford.
Yes! The Nicholas Greyford. Billionaire. CEO. Walking iceberg na may sungay na tatlo! Nasaan ang isa? Sa pwet niya, nagkakape! That man who probably thinks emotions are a disease. Akala niya siguro wala akong pakiramdam!
Too bad, because I have all of them. Plus attitude!
"BREAKING NEWS: Leona Alcazar caught wearing FAKE designer bag at red carpet!"
"Sources say starlet uses charm to land roles. Real talent? Missing."
"Leona's fake designer exposed by stylist! Still no talent, but all scandal."
I stared at the TV screen inside my cramped dressing room, my expression blank. Same headlines, different day. The studio lights outside were buzzing, makeup artists whispering, and assistants knocking at the door every five minutes—but all she could hear was the sound of her reputation being shredded... again.
Sanay naman na, hindi naman ito bago sa akin.
I leaned back, kicked off my heels, and muttered, "They only see what they want to see, huh? Sino ba ang pasimuno n'yan? Stylist? Wala nga ako no'n!"
Every day may pasabog ang media. Pero ang tunay na pasabog? Hindi nila alam na ako ang misis ng lalaking tinatakutan ng buong corporate world.
Pero kalma lang. Breathe in, drama. Breathe out.
I looked at my reflection in the mirror of this overpriced dressing room. Long black hair. Fierce eyeliner. Smile na parang hindi ako galit sa mundo? Working on it.
Tiningnan ko 'yung kwintas ko—may maliit na singsing na nakasabit. Wedding ring. Pero hindi sa daliri suot. Kasi 'di ko naman pwede isuot 'to.
"Miss Leona, five minutes to shoot!" sigaw ng P. A sa labas.
"Copy!" I yelled back, habang nagsusuot ng heels. You know what's funny? People think I'm desperate to be in the spotlight. Na willing akong harutin lahat ng producer para lang sa lead role. Pero kung alam lang nila, I once signed the biggest role of my life—as Mrs. Greyford and the script didn't even have a happy ending!
"Showtime, Leona," I whispered to myself.
Chin up. Smirk on and pray no one finds out I'm married.
First day na ng shoot para sa sinalihan kong reality show na Starlet: Breaking Leona.
Yes, ako 'yon. The Leona. The drama. The walking scandal in heels. And today the episode is: "Behind the Fame."
As if ready sila sa totoong ako.
Naglagay na sila ng lapel mic sa damit ko nang makalabas ako.
"Just be yourself, Leona. Pakita mo kung sino ka talaga,” ani ni Direk Miny.
Nagsimula na mag-roll ang camera. I took a deep breath, smiled a little, then flipped my hair. Naglakad ako sa hallway ng bahay. Bahay namin ito ni Nicholas, pero dahil hindi naman siya nauwi rito kaya masasabi ko na bahay ko lang ito. Malaki siya. Perks of being a Mrs. Greyfold.
"Most people think I sleep in designer pajamas while crying over bad reviews," sabi ko habang papunta sa balcony. "But the truth is, I sleep like a baby. 'Cause I'm used to people talking behind my back."
Cut to me walking like it's a fashion show kahit naka-simpleng white dress lang ako.
After a few shots sa living room, sinabi ng producer, "Leona, can we show something personal?"
Personal? Hindi ko alam ano ba ang ipapakita ko. Napaisip ako at sandali lamang nang makaisip ng paraan. Dinala ko sila sa likod ng mansion. Slowly, I opened the glass doors and led them to my favorite spot.
It was a wide garden—sobrang luwag. May mga white benches, flowers, tapos may malaking fountain sa gitna, parang sa mga fairy tale.
I turned to the camera with a proud smirk.
"Madalas akong tumambay rito para lang magpahangin," pagmamayabang ko habang naglalakad papunta sa fountain. "Para lang maalala ko na kahit gaano kagulo ang mundo sa labas... dito, tahimik. So, I’ll be here."
"Okay, viewers, kung tapos na kayo ma-amaze sa garden ko na parang pang-Disney Princess... ready na ba kayo for the real tour?"
With matching hair flip, nilingon ko ang camera crew habang nakasunod sila sa akin pabalik sa loob ng mansion. Excited silang lahat—syempre, sino ba naman ang ayaw pumasok sa kwarto ng pinaka-controversial na starlet sa buong bansa?
"This way," sabi ko, habang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Pagbukas pa lang ay bumungad na ang lavender walls, fluffy white carpet, silk sheets, at lighting na pang-selfie goals.
"Wow, ang laki!" bulong ng isa sa crew.
"Hindi naman," sabi ko, "'Maliit pa ito, compare sa kwarto ko talaga sa bahay ng Mommy at Daddy."
"Dito ako natutulog. Solo bed, solo life, pero hindi naman ako lonely. Okay lang naman.” I walked toward my bed at parang nag-bounce ng upo roon. Ipinakita lang sa camera kung gaano kalambot.
Saka naman ako tumayo at itinuro ang isang maliit na side table.
"Dito ko nilalagay 'yung mga script na mga babasahin ko. Binabasa ko siya mula sa puso," natatawa kong bigkas.
At dahil hindi pa tapos ang pasabog...
"Samahan niyo ako rito," sabi ko habang lumalakad papunta sa pader. "Ladies and marites... let me show you the vault of dreams."
Binuksan ko ang secret door papunta sa walk-in closet.
Literal na para kang pumasok sa mini-mall. May spotlight pa 'yung mga sapatos ko. Designer heels, bags in all sizes, tapos 'yung damit ko naka-color coordinated.
"Welcome to my emotional support system," I said, arms open wide. "Kung may problema ako, rito lang ako pumupunta. Kasi kahit iniwan ka ng lalaki, hindi ka iiwan ng Louboutin."
Tumingin ako sa camera, seryoso ang mukha. Ako lang ata natawa! Baka iniisip nila fake ito tulad nang nakakalat ngayon sa media.
"Well, I usually shops talga. Kapag nasa HK or Taiwan, since mas cheap compare rito at sa US." Naglakad ako sa gitna ng mga shelves, parang runway.
"Just to clear lang naman. Not to brag, pero hindi ito fakes. And I don’t have a stylisy by the way. I style myself every projects that Im in to."
Nakatayo ako sa gitna ng closet ko, surrounded by luxury and self-respect.
Kinuha ko ang isang bag mula sa top shelf —isang classic na designer bag, black and gold, with that satisfying click ng clasp. Pinagpag ko ng konti, parang may alikabok kahit wala naman talaga, then I held it up like I was presenting a holy relic.
"Ito ‘yung regalo sa akin ng Mommy ko noong thirteen years old ako," sabi ko, habang inaabot ito sa camera na parang slow-mo. "Maaga ata akong namulat sa ganda."
Tumingin ako sa producer. "Malaki na value nito ngayon. Since vintage na siya. Parang ako… mas tumatagal, mas nagmahal."
Pinakita ko pa 'yung ibang collection: isang luxury bag na never pa nagamit.
"Each bag, may kwento. May memory." dagdag ko, sabay tawa.
Tapos ay lumapit ako sa perfume shelf ko. Girl, kung may heaven ang mga mabango, ito 'yon—lahat naka-line up parang beauty pageant contestants.
Tiningnan ko 'yung mga crew na nanonood sa lahat, halos labas na 'yung mata sa gulat. "You guys can try it on."
Pumili ako ng ilang mamahaling pabango, yung mga mini bottles na rare—imported, limited edition, may label pa na parang kay Queen Elizabeth.
"Kuya," sabi ko sa cameraman na laging tahimik. "For you, hindi ‘yan try. Para sa ‘yo na ‘yan."
Isa-isa ko silang binigyan—soundman, makeup artist, even 'yung ilaw guy.
"Don't say I gave you anything, ha? Can you guys cut it?" Tanong ko.
“Miss Leona! Live po iyan sa YT!” Nanlaki naman agad ang mga mata ko. Hindi ko alam iyon, ah!
“Ay, gagi!” Sabay tawa ko,
Natapos ang tour sa walk-in closet ko. I was glowing. The closet looked like a museum. The crew smelled like billionaires na. In short, plakado ang buong shoot.
Nagpapahinga na ako sa chaise lounge sa gilid ng kwarto habang ang cameraman, si Kuya Benjo, ay busy pa rin nagre-record ng B-roll. Alam mo 'yung mga artsy shots na kunwari candid? Gano'n.
Hinayaan ko na lang siya, habang nire-retouch ako ng makeup artist para naman sa outside shoot ko.
"Miss Leona?" tanong niya, medyo nanginginig. Humindo ang makeup artist ko sa paglagay ng blush on sa akin. Tinignan ko naman si Kuya Benjo.
"Yes, Kuya Benjo? Ready na po sa labas?"
"Uhh… may nakuha po sa frame." Kumunot naman ang noo ko. Lumapit naman ako sa kaniya. Lumipat ang camera na hawak niya sa akin tila hinuhuli ang reaksyon ko.
Nakita iyon ni Nanay Linda at agad naman na tumakbo at saka inalis ang frame na nakasabit. Hindi ko napansin ever since we redecorated the room.
Napasuyo ko naman iyon kay Nanay Linda at mukhang nalimutan niya iyon!
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. It was our wedding picture! At nakuha pa nila ito live! Hindi pwede ma-delete, hindi pwede ma-cut!
Para akong maluluha sa takot. Nicholas will diffidently kill me! Sinira ko agad ang unang rule niya! Naramdaman ko agad ang pag-vibrate ng phone ko sa aking kamay. Alam ko na ang ibig sabihin n’yon.
For the first twenty minutes for teaser Live ng Starlet: Breaking Leona. Umani na agad ito ng scandals.