KABANATA 1

1747 Words
KABANATA 1 Matapos ang teaser live ng Starlet: Breaking Leona, I did what any rational, level-headed, classy woman would do in a crisis. Sa loob ng ilang minuto ay nagtapos ang teaser live sa YT ng isang hindi naman planado na pangyayari. Nagkulong ako sa kwarto at kinain ang isang buong pint ng double chocolate ice cream gamit ang kutsara color gold. Yes. That's how I cope. I eat ice cream' "Bakit ba kasi hindi ko nakita 'yung frame? Who even put that there?" sigaw ko habang naka-duster na Versace inspired at nakatali ang buhok na parang hindi man lang naayos ang pagkakatali. Nag-ring ang phone ko. Agad ko namang nakita ang mukha ni Mina. Balak kong hindi sagutin, pero kailangan ko rin naman nga kausap. "Leona!" Malakas niyang sigaw sa telepono. "You did that on purpose?" Kumunot naman ang noo ko. "No! Why would I? Nick's going to kill me!" "But it's out," ani naman niya sa kabilang linya. "Hindi siya nilalangaw, Leona. It's freaking here in England! It's on BBC!" "Stop! Ayoko na! Ayoko na mag-artista! Babalik na lang ako kay Mommy at Daddy! Papahanap na lang ako ng ibang asawa! Pupunta na lang ako ng Cebu, mag-aalalaga ako ng manok at baboy!" "Leona, calm down. That's content!" "Mina, nakita mo ba mga comments? This is not the typical bash anymore! Kaya ko pang ipakita kung sino ako at ipakita na mali sila, but this one? Ano sasabihin ni Nicholas? The rules?" "Oh, f**k the rules! Hindi naman siya magsasalita kahit may mag-interview sa kaniya. Isang taon na kayong hindi nagkikita, Leona. It's fine!" Nag-walkout ako sa kama, pero 'di ako lumayo. Halos ang oily na ng mukha ko. Ang putla-putla ko. Hindi ko na lang bubuksan ang pintuan kung may kumatok, dahil alam kong mag-roll ang camera n'yan! Kasama iyon sa contract for God's sake! Bakit ba kasi hindi ko na lang inayos! Tinignan ko muli ang mga comments sa teaser live mula sa YT. Maria Teves: Nicholas Greyfold? Bilyonaryo 'yon, ah! Nakasungkit namaman si Starlet. Lugi naman si Greyfold. Pangit ni Leona. Luna Mistake: Nagkakalat nanaman ang eabab niyo. Debina Salcedo: Nag hahanap ka ba ng extra income? Baka ito na 'yon! FB POSTING IG POSTING Mamimili ka lang kung saan or pwede rin lahat basta pasok ka sa requirements! Comment or PM me how! PS. Medyo marami lang po nirereplyan pero marereplyan naman po lahat. Agad kong inihagis ang phone ko. Wala na akong makitang maayos na comment. Kung hindi panglalait sa akin ay ganoon. May kumatok sa pinto. "Ma'am Leona? Ma'am?" tawag ni Nanay Linda. I groaned, sabay kinuha ang unan at agad din namang ibinato. Wala, trip lang. "Go away! Please!" sabi ko, halos maiyak sa frustrations ko. My voice sounded like it went through seven breakdowns and a full tub of mint chocolate chip ice cream. Parang sasakit pa ang lalamunan ko. "Ma'am, narito na po ang RS Team..." sabi ni Nanay, medyo may kaba sa boses. Oh, no! The Reality Show Team is here. Ang mga kamerang kinatatakutan ko ngayon. Ang team na somehow mas mabilis pa mag-upload sa YT kaysa sa Wi-Fi namin. "Please, Nanay..." I whispered, halos wala nang boses. "Sabihin mo sa kanila may sakit ako, natapilok ako, na-demonic possession ako... kahit ano!" "Ma'am..." Hindi na ako nakinig. Nagtago ako sa ilalim ng duvet na parang 8 years old. Ang make-up ko from yesterday, smudged. Ang buhok ko naka-bun na parang sumabog ang salon. And my mental state? Baka kailangan na ng holy water. Ilang sandali pa, may kumatok na naman. This time, mas matatag. Matigas. Determinado. Parang utang na kailangang bayaran. I closed my eyes. Hayop talaga 'tong reality show na 'to. Ipapalabas pa 'to kahit mukhang basahan na ako sa kama. Wala na akong dignity. Wala na akong kilay. Bakit ba kasi sumali-sali pa rito? Ito tuloy napala ko! Bumangon na ako, handa na sa tuluyan kong pagbagsak bilang artista. "Fine!" sigaw ko. "Buksan niyo na! Ipa-Broadcast nyo pa!" Naglakad ako papunta sa pinto, messy hair and all. Ang duster ko may mantsa pa ng ice cream. Pero wala na akong pakialam. Let the world see my rock bottom. I swung the door open, ready to face a boom mic and a camera with a flashing red light. Pero ang bumungad sa akin? Hindi camera. Hindi crew. Si Nicholas. Nicholas. Freakin'. Greyford. In a crisp navy suit, black shirt, no tie. Standing there like a Calvin Klein billboard with an attitude problem. I blinked. Once. Twice. Holy s**t! "Team," he said in his usual cold, commanding tone. "My wife is not ready to shoot. Please give her time." Tumahimik ang buong hallway. Ang RS Team, na all geared up and ready to invade my privacy, biglang napako sa kinatatayuan nila. Parang mga estudyanteng nahuli ng principal na may hawak na cellphone. "You can shoot the rest of the mansion," dagdag pa ni Nicholas, walang effort, pero authoritative as hell. "Find something else to film. Manang, pa-asikaso ang mga bisita." Nagkatinginan ang mga tao, saka tumango si Nanay Linda, galanteng tinawag ang PA para bigyan ng drinks ang crew. Para bang normal lang na biglang dumating ang asawang akala ng buong bansa ay hindi ko ka-relasyon. And ako? Nakatayo lang ako sa pinto, naka-duster, may luha't naka-freeze. Hindi ko alam kung anong mas shocking—ang viral wedding photo, ang mga netizen theories, o ang biglaang paglitaw ni Nicholas. At ang tanong lang na umaalingawngaw sa utak ko. Bakit siya narito? Hindi ko alam kung paano ako nakaupo ngayon sa kama, tulala, habang pinapanood kong pumasok sa kwarto ko ang lalaking isang taon ko nang hindi nakita—at dalawang taon ko nang asawa. Ang lalaking napilitan akong pakasalan dahil sa legacy ng mga lolo namin. The cold, billionaire heir na parang laging may board meeting kahit sa pagtulog. And now he's here in my room like this is just an ordinary Tuesday. Walang emosyon ang mukha niya. Wala ring ngiti. Ni hindi ako matingnan nang diretso, pero naramdaman kong buo ang presensya niya. Mabigat. Matulis. Parang kwintas na puro pressure. Napalunok ako. Nanginginig pa ang tuhod ko kahit nakaupo na ako. "It was an accident, Nick," bulong ko. "I didn't do it on purpose," pagpapaliwanag ko sa kaniya. Seryoso ang mukha niya habang nagsasalita. Walang bahid ng awa o ano. Just that flat, terrifying calmness na mas nakakakaba kaysa sa sigaw. "It's everywhere now, Leona," malamig niyang sabi. "Just quit being an actress if you can't handle the stress." Para akong sinampal. "Wow," napatawa akong hilaw, kahit nangingilid ang luha ko. "So easy for you to say that. Sorry, billionaire ka kasi. Ako kasi starlet lang, remember?" "Stop being dramatic." "Stop being a robot!" Bigla akong napatayo, kahit nanginginig pa rin ang boses ko. "Why are you here, Nicholas? Ha? Are you going to what? Kill me? Sue me? Sabunutan mo na rin ako para tapos na!" Tahimik siya. Isang hakbang siyang lumapit. Dahan-dahan. Parang laging may plano. "I'm here," aniya, "because you're my wife." Natahimik ako. Ang dami kong gustong sabihin pero 'yung lalamunan ko, parang may bara. "And you," dagdag niya, "just put me in a very bad situation, lady." Mas lalo ako kinabahan sa boses niya. Siguro ito na 'yung pinakamahabang usapan namin na may laman. Paano ko nalaman ang rules niya? Pinadala lang niya na may nakalagay na controversial. We were married for two years, pero ngayon lang siya pumunta sa bahay na 'to. Ngayon lang din niya sinabing asawa niya ako. Ngayon ko lang narinig ang salitang wife sa bibig niya. I was just Leona Alcazar, hindi dala-dala ang Greyfold sa screen name. I know, dinawit ko siya rito sa gulong ito. Tahimik siguro ng buhay niya, hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. May guilt kahit paano at pangangamba. "Then divorce," sabi ko, halos pabulong. "Let's end it. Tutal sa ibang bansa naman tayo kasal." Napatingin siya sa akin for the first time. Directly. Parang may gusto niyang sabihin, something more—something he's been holding back. Pero ang lumabas lang sa bibig niya ay, "No." One word. One syllable. Pero parang isang buong eksena ng teleserye ang sumabog sa kwarto. I stared at him. For the first time since our quiet, cold wedding. I didn't know what to say. Doon ko lang napagtanto ang gwapo niyang mukha. Noon para sa akin ay kapag nandito siya sa Pinas ay gwapo siya talaga, pero kapag nasa ibang bansa? Wala. Lumapit siya sa akin. At hindi basta lakad ‘yung tipong slow motion sa mga pelikula. Parang may sariling soundtrack ang sapatos niya. What the hell is going on with me? Napatitig ako sa kaniya. Nakatayo pa rin ako sa tabi ng kama at may eyebags mula sa mascara ko kagabi habang mukhang extra sa horror movie. "Mag-ayos ka," malamig niyang sabi. Napakunot noo ako. "Excuse me?" He didn't flinch. Wala siyang pakialam na mukhang may bagyo sa mukha ko. "Help yourself, Leona," aniya, diretsahan. "Please don't embarrass me." I blinked. I beg your rich, emotionally constipated pardon? "The hell?" tanong ko, tinaasan ko siya ng kilay. "Nag-viral lang ako nang hindi sinasadya, bigla kang nagparamdam. Tapos sasabihan mo lang ako nang 'mag-ayos ka'? Anong tingin mo sa akin, PR disaster?" "Leona,” tawag niya sa pangalan ko. "'Don't embarrass me?' Are you kidding me? Newsflash, Nick! Na-embarrass na ako. Multiple times. Publicly. Sa lahat ng angle at bawat media. At ikaw? Ngayon ka lang na-embarrass? Welcome to my world, Mr. Untouchable!" Tumingin siya sa akin nang diretso. Hindi siya nagalit, pero kumunot na ang noo niya. "You're still my wife," matigas niyang sabi. "E, ano?" sarkastiko kong tanong. Tumingin siya sa phone niya, then bumalik sa akin. "We have a press strategy being prepared. Ayusin mo ang sarili mo. I'll have one of my stylists send clothes." I crossed my arms. "Gusto mo pa akong i-makeover?" He sighed. "We don't have time for drama." "Well, I do," sagot ko, tumalikod sa kanya at bumalik sa kama. "Okay! I’m sorry that I dragged you into this, Nick! I’m sorry. Hindi mo naman kailangan mag-show up na parang super hero at pilitin ang sarili mo na itama ang nangyari na.” “Just do what I say, Leona!” May lakas sa boses niya na para akong napatigil sa pag-tantrums ko. “Please, Leona. I’m tired. Just be a wife,” ani niya pa. May kung ano sa akin ang kinilabutan. Be a wife? The heck?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD