KABANATA 2

1899 Words
KABANATA 2 After ko mag-retouch, mag-blush-on, at mag-pray ng tatlong Hail Mary, I walked down the grand staircase of the mansion looking like I had my life together. Hindi halata na nag-mental breakdown ako kanina. Hindi rin halata na ilang minuto lang ang nakalipas mula sa pinag-ayos ako ni Nicholas. Suot ko ang cream silk dress na may slit hanggang langit, at sa buhok ko? Fresh blowout. Para akong kakarating lang mula sa Cannes Film Festival kahit wala naman akong pelikula. At ang unang bumungad sa akin paglabas ng closet? Nicholas Greyford. Nakaupo. Naka three-piece suit. Umiinom ng black coffee na parang hindi forty degrees ang temperatura. Sarap basagin ng cup niya sa mukha niya. "Act like a pro," aniya, habang hindi man lang ako tinitingnan. "Excuse me?" tanong ko habang naglalakad papunta sa kanya. Tumingin na siya this time. Seryoso ang mukha. "Grandpa already saw the teaser." Napadilat ako. "Lolo ko o lolo mo?" Kinakabahan kong tanong. Isa sa mga ikinakatakot ko iyon. Tanging pakiusap lang sa akin ni Mommy at Daddy ang kasal na ito. Na huwag makakarating sa lolo ni Nicholas kung maghihiwalay man kami o hindi nagkakasundo. Ang takot ko sa lolo niya ay abot langit. Hindi ko pa kaya mamuhay sa hirap at baka mapalayas ako sa amin! Itong bahay na 'to? Wala! Walang matitira sa akin! Hindi pa naman ako sikat! Naramdaman kong parang biglang lumamig ang kwarto ko kahit hindi naman iyon ganoon kalakas. "Lolo ko," sagot niya na para bang pataray pa. "W-Which teaser?" tanong ko, medyo pa-demure, pero may halong takot ng isang taong malapit nang mapalayas sa pamilya. "The one with our wedding photo." Napahawak ako sa dibdib ko. Paano na naman ito, Diyos ko! Kung hindi dahil sa Greyford, walang yaman ang mga Alcazar at patuloy pa rin na tinutulungan ng mga Greyford ang Alcazar! "We must look like a happy couple," sabi niya, tumayo na. "For now. Until things settle down." "Happy couple?" ngisi ko. "Nick, do you know how to act? Hindi ka nga romantic!" He raised a brow. "We don't need to be real. We need to be convincing." Gusto kong ihampas ang flower vase sa sarili ko. Gusto kong mag-tumbling palabas ng bahay. Pero wala. Lolo na ang issue rito. Pagbaba namin ay naka-ready na sila. May camera sa gilid. May crew. "Hello, team. Sorry, naghintay kayo." May accent niyang sambit nang makababa kami. At dahil maaga pa naman ngayon ay nagsimula ang shoot sa breakfast kasama si Nicholas. Kabog pa rin nang kabog ang dibdib ko, ganoon din si Nanay Linda na parang hindi rin mapakali. "Do you want orange juice?" tanong ni Nicholas, hindi naman nakangiti pero parang natural lang sa kaniya. Mas natural pa siya umarte kaysa sa akin! "Oh, my husband knows I love orange juice," sagot ko, pilit ding ngumiti. Pilit na pilit, parang cramps. "Sweet mo naman, honey bunch." Kita ko ang pagkirat sa fake niyang ngiti sa akin. "Yes..." Nagkatinginan kami. Awkward silence. "Tell me again," bulong ko sa kanya habang nagpe-pretend akong sinusubuan siya ng pancake. "Why are we doing this?" "Because we're married," sagot niya, kalmado. "And because my grandfather said, divorce now, you'll be in dirt later." Napatigil ako. Damn. That old man pulled the emotional blackmail card. Agad naman akong umarte lalo! I can't lose this life! Noong twelve years old ako ay hirap na hirap kami nang ma-bankrupt ang company ng Daddy! Hanggang sa noong nag-thirteen ako ay kinausap na ako ni Mommy. Hindi kami yumaman ng ganito kung hindi dahil sa Greyfold. Ang mga pinsan kong nakapangasawa rin ng Greyfold ay naghihiwalay matapos ang dalawang taon. Kami lang ni Nicholas ang nagtagal ng dalawang taon at isang buwan! Kami pa ang nakaranas ng hindi magandang outcome sa legacy na ito! Maya-maya, narinig ko na ang director, "Cut! Perfect! Grabe, ang sweet niyo po!" I wanted to vomit. In HD with dramatic music. But as Nicholas handed me my fork with his chiseled jaw and cold-boy smirk, napaisip ako... Kung ganito kami magpanggap... baka kaya naming lokohin ang buong mundo. "Rolling in three... two... action!" Napangiti ako. Acting like we’re sweet. Acting like we’re relaxed. Pero deep inside? Gusto ko na talagang kumawala sa bahay na ‘to. Babayaran ko na lang ang cause damage sa contract, matigil lang ito! Kasama ko ngayon si Nicholas sa puting couch ng set. May flower vase, pastel na ilaw, at may host na hyper na hyper—parang uminom ng tatlong energy drink at naka-kape pa. Calm and collected. Parang hindi niya pinilit ang sarili niya to be here. Naka-black button down siya at naka-cross legs. Habang ako? Parang recruit sa kulto. "So, Mr. and Mrs. Greyford..." panimula ng lalaki habang nakangisi. "First question! Paano kayo nagkakilala?" Biglang tumingin sa akin ang lalaki, expecting me to answer. Tumingin din ako kay Nicholas. Pinanlakihan ko siya ng mata. Siya na lang! Ayoko ma-stress. Tumikhim siya. "We met during a business merger lunch with our families." "And it was... unexpected," dagdag pa niya, calm na calm. "We weren't supposed to meet. But I remember thinking she was loud... and wearing neon pink." Tumingin siya sa akin. Smiling. A very controlled smile. "Aba, naalala pa ni mister ang outfit!" sabi ng lalaki, kinikilig. "Nakaka-trauma kasi ‘yung kulay," sabat ko, tumawa-tawa. Tawanan ang lahat. Pero deep inside, gusto ko siyang batuhin ng mic. Next question. "What was your first impression of each other?" Si Nicholas ulit ang sumagot. Of course. "She's... full of energy. Bold. Not afraid to speak her mind. And I suppose, that's what intrigued me." Napatingin ako sa kaniya. For a moment, parang totoo 'yung sagot. Shit. Wag ka mahuhulog, Leona. Ano ba ang nangyayari sa iyo? Mabilis ka pa namang ma-fall kapag napupuri ka! "Well..." ngumiti ako. "My first impression of Nicholas? Cold. Masyadong uptight. Akala mo may stick sa likod—May personality lang siyang parang PowerPoint presentation—structured." Tawanan ulit. Next question. "What's the sweetest thing Nicholas has done for you, Leona?" Napahinto ako. Tumahimik ako. Sweetest thing? I mean, he once left me an envelope with a Black Card and a Post-it that said 'Do not buy dumb things.' Sweet ba 'yon? Nag-signal sa akin ang producer behind the camera. Ngumiti ako. "Well, he... he makes sure I have everything I need." "Like what?" tanong ng lalaki. "Like..." Come on, Leona. Laban. "Like air. Oxygen. Thank you, Nick, for not cutting off my access to air." Si Nicholas? Hindi man lang natawa. He just nodded like that's a valid response. "What's a day like in the Greyford mansion?" Nicholas, very casual: "We don't see each other much. I work early. She sleeps in. We pass each other like ghosts." Saka ako sumabat, "Oo. Parang Poltergeist pero mas expensive." "Okay, next question!" parang lalagnatin sa kilig kung magtanong. "This one is sweet! Saan po kayo nag-honeymoon after the wedding?" Napatingin ako kay Nicholas. Tumingin din siya sa akin. Nag-smile kami sa isa’t-isa. Sabay naming binuka ang bibig namin para sumagot— "Bali,” sagot ko. "Maldives.” Nagkatinginan kami ni Nicholas. ‘Yung tingin na parang nagsisisihan kaming dalawa. Parang gusto ko siyang sipain palabas ng bahay na ‘to. Ngumiti ako. Actress ka, Leona. Act. Ipa-Oscar mo 'to, girl! "Uhm, ano..." sabay sabat ko habang humahabol ng hininga. "Bali sa Maldives.” "B-Bali sa Maldive?" tanong ng lalaki, medyo confused. Ngumiti ako nang matamis, sabay hawak sa braso ni Nicholas. May konting pisil. ‘Yung warning shot ba. "Yeah! It's a private island sa Maldives pero ang name ng villa namin doon ay 'Little Bali.' Super ganda, promise. May coconut trees, saka may lechon sa buffet." Tumango si Nicholas slowly. "Yes. The lechon was... very cultural." Napangiti ang lalaki. "Wow! That's so... unique. Bali sa Maldives. Never heard of that before." "Secret spot po 'yon," dagdag ko. "Very exclusive. Invites only." Pabulong kong bigkas sa huli. Sa gilid, nakita ko yung production assistant halos matawa. Pero okay lang, show must go on. "Who said 'I love you' first?" Napalunok ako. Kung kanino ay parang nag-uunahan kami sa pagsagot, ngayon ay wala man lamg sumagot sa amin. Ngumiti ulit ako. "A-Ako…” pag-ako ko. "Actually it’s me," sabat ni Nicholas, monotone. "She just didn’t heard it. She was sleeping." Hinawakan niya ang kamay ko. Ako, nilalamig na ang palad. Si Nicholas, parang may sinasakal na ata sa loob. Pagkatapos ng interview, narinig ko ang director: "Mr and Mrs. Greyfold, ang lovely niyong tingnan sa camera! Natural na natural ang relationship niyo. Thank you so much for accepting this reality show, Mrs. Greyfold. Sobrang ganda at milyong views ang teaser kahapon.” Natural na natural ba kamo? Natural na gusto ko siyang batuhin ng sapatos ko. Nang makaalis na rin ang team ay binitiwan ko ang kamay niya agad. "You said Maldives?" bulong ko, galit na galit. "You said Bali," sagot niya, calm. "That never even happened, Leona." "Well obviously! Kasi hindi naman talaga tayo nag-honeymoon!" He crossed his arms, "That's why it didn't matter what we said. You're the one who made it messy." "Ako pa talaga?" Agad akong umakyat ng kwarto. Maggagabi na rin naman na. Hindi ko rin alam kung umalis na si Nicholas. Hindi naman iyon mag-stay rito. Okay. Plan A: Sneak out of the mansion. Plan B: If caught, pretend may emergency meeting! Plan C: Umiyak sa sulok at tawagin si Mama Mary. Bakit ba kasi ako pumayag sa reality show na 'to? It's currently eleven forty-seven na ng gabi! All the lights are dimmed. Tahimik ang buong mansion. I'm wearing pambahay—‘yung oversized t-shirt na may butas sa gilid na hindi malaki at paborito kong tsinelas na may Garfield print. Fashion? Dead. Pero survival mode tayo ngayon. I tiptoed through the hallway. Akala mo ninja. May dala pa akong maliit na overnight bag. Wala munang yaman-yamanan. Basta makaalis. Kahit saan na ito! Para bukas kapag pumunta sila, wala ako! "Leaving without a bodyguard?" A voice. A deep, low, masculine voice. From the shadows. Like a demon. Or worse—a Greyford! I froze. Lumingon ako dahan-dahan. And there he was, Nicholas Greyford. Nakasuot ng plain white shirt, pajama pants, at naka-cross arms na parang security guard ng airport. "Nick!" I laughed nervously. "Akala ko umalis ka na?" "Should be my question." Lumapit siya. "Where are you going, wearing... that?" "Excuse me? This—" tinuro ko outfit ko, "—is peak comfort." "It's peak hobo," sagot niya, deadpan. "And that bag?" "Ah, this?" Hinila ko pabalik ‘yung overnight bag. "Emergency kit. Just in case of... landslides. Or emotional breakdown." "Leona." "Ano ba, Nick? I just needed air. I'm not running away." Kinuha niya ang bag sa kamay ko at binuksan iyon. "You brought three changes of clothes, a makeup kit, and chocolate. That's not air, that's running away.” I stomped my foot. "Well, sorry! I just need air! Pupunta lang ng kahit saan! Hindi naman ako lalayo, hindi rin ako magpapahuli sa media!" "No," ani niya, very calm. Napatingin ako sa kanya. He wasn't yelling. He wasn't angry. He was just... standing there. Calm. In control. Very Nicholas. "Hindi ko naman ginusto ‘to. Pakiramdam ko nasira lahat ng plano ko," bulong ko. He sighed. "Go back to your room, Leona." Tumingin ako sa kaniya. "Paano kung ayoko?" He raised an eyebrow. "Then I'll carry you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD