KABANATA 3

1059 Words
After ng stylist na ipinadala ni Nicholas, ayos na ang buhok ko, fresh blowout na parang galing sa magazine cover. Makeup flawless, kahit may konting smudge pa rin sa kilay ko mula sa stress kahapon. Suot ko ang cream silk dress na may slit hanggang langit at shoes na elegante kahit hindi ako sanay sa ganitong taas ng heels. Tinitingnan ko sarili ko sa mirror, medyo confident pero alam kong hindi ito sapat para itago ang nararamdaman ko. Habang naglalakad ako sa hallway, hindi maiwasang bumalik sa isip ko yung mga comments at headline sa internet kahapon. “Starlet na walang talent, nakasungkit ng bilyonaryo…” “Bakit kaya tinatago ni Nicholas si Leona, nakakahiya raw siya sa publiko…” “Secret wife?” Napapa-iling ako. Grabe… parang lahat ng mundo tumitingin, tumatawa, at naghuhusga. Kahit na may proyekto ako ngayon, dahil “asawa ng bilyonaryo”, parang may malaking spotlight sa akin na hindi ko gustong tanggapin. Gusto ko sanang i-ignore ang lahat ng ito, pero hindi puwede. Project ito. Reputation. Image. At syempre, Nicholas Greyford. Hindi siya basta makikipag-show sa media kung hindi mahalaga… at ngayon, I have to act like everything’s fine, kahit kanino man, kahit sa sarili ko. Habang naglalakad, iniisip ko rin ang mga komento na nagsasabing tinatago raw ako ni Nicholas. Nakakahiya raw siya na lumabas sa publiko kasama ako, parang ako ang nakakahiya sa kanyang status at imahe. Nakakainis. Nakakabigat. Pero kahit gusto kong umiyak, kahit gusto kong sumigaw at sabihing “Hindi ako nakakahiya!”, alam kong hindi iyon makakatulong. Kaya heto ako, nag-aayos ng sarili, sinisikap mag-smile, kahit na sa loob ko, nananatiling nag-aalangan, naguguluhan, at medyo napahiya pa rin. Dahil sa dami ng mata na nakatingin, at sa dami ng opinyon sa paligid, kailangan kong magpakita ng lakas. Kahit na sobra akong nagmamadali na i-clear ang aking sarili sa gulo, alam kong hindi basta-basta matatapos ang drama. At habang nakatayo sa harap ng mirror, sinasabi ko sa sarili ko: Leona, smile ka lang. Kaya mo ‘to. Fake man o hindi, kailangan mong ipakita sa mundo na kaya mo, na hindi ka basta nakaka-apekto sa lahat ng bashing na iyon. Paglabas ko sa hallway, nakasalubong ko si Nicholas sa sala. Nakaupo siya sa puting leather couch, naka-three piece suit na sobrang crisp, parang isang advertisement para sa luxury brand. Ang aura niya… sobrang rich, sobrang commanding, sobrang everything. Halos sigaw ng buong katawan niya kung gaano siya kayaman. Habang nakatitig siya sa akin, hindi ko maiwasang mapansin ang perfection sa bawat galaw niya, bawat detalye ng outfit niya, kahit ang simpleng paghawak sa tasa ng kape ay parang sinadyang ipakita ang power at control. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lalaking ito. Sa loob ko, may halo ng kaba, galit, at kaunting kilig. Pero kailangan kong magpakatatag. Lumapit siya sa akin at… hinawakan ang kamay ko. Bigla akong naparamdam, parang huminto ang mundo sa paligid namin. Huminga ako ng malalim at, sa pinaka-mahina at sincere kong boses, nag-sorry ako, “I’m sorry for dragging you into this.” Tahimik siya. Walang sagot. Walang kahit kaunting reaksyon sa mukha niya. Para bang hindi niya narinig ang sinabi ko. Pakiramdam ko… mabigat ang hangin sa pagitan namin. Para akong nakatayo sa tapat ng isang pader na hindi basta matitinag. Hindi siya galit, pero hindi rin siya nagpapakita ng kahit kaunting softness. Hawak pa rin niya ang kamay ko, pero ramdam ko ang bigat ng titig niya. Galit siya, malinaw na galit. Hindi niya tinanggap ang sorry ko, at parang gusto kong humingi pa ng sampung beses na sorry, pero alam kong wala na iyon. Ano ba, Leona, sobra ba akong nagkamali? Nag-iingat naman ako sa bawat galaw ko… bakit ganito pa rin? Naglakad kami papalabas ng mansion, feeling ko halos lahat ng mata sa amin. Crew at security nagbabantay sa gilid, camera crews ready sa bawat galaw namin, at ang mga assistants hawak ang microphones, parang paparazzi sa Red Carpet. Hawak pa rin ni Nicholas ang kamay ko, pero hindi niya ini-relax ang grip. Ramdam ko, parang sinasabi niya, “Leona, wag kang magkamali.” Talagang naka on going pa rin ang show na ‘to! Naghihintay lang pala sila sa labas! Pakiramdam ko ay hindi ito ang gusto kong makita nila. Alam kong marami na ang nag-aabang sa episode na ‘to ng buhay ko. Paglapit namin sa parking, nakita ko ang sleek black limousine. Driver naka-ready, naka-uniform na parang may ceremonial duty. Sumakay kami sa loob, leather seats, malinis, tahimik… except sa katotohanan na ang utak ko umiikot sa mga headline at comments online: “Tinatago siya ni Greyford.” “Nakakahiya ang starlet sa asawa niya.” Sobrang nakakatawa, nakaka-frustrate… at nakakahiya talaga. Habang nag-a-adjust ako sa seat, napansin ko ang postura ni Nicholas. Nakaupo siya, relaxed, parang hindi niya ako kinakausap, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Sa isip ko, Galit ba siya? Hindi niya tinatanggap ang sorry ko? Sobrang hassle… bakit ba ganoon ang effect ko sa kanya? Iniikot ko ang mata ko sa paligid, iniisip kung ano ang pwede kong sabihin sa press. Should I be witty? Polite? Or just… silent? Kasi kahit simpleng smile ko, i-analyze ng media. Kahit isang comment, puwede maging trending. Napatingin ako kay Nicholas. Nakatingin siya sa harap, walang ekspresyon, pero ramdam ko na nakikita niya lahat ng iniisip ko. Parang nababasa niya ang nerves ko, yung insecurity ko sa mga comment, at yung takot ko na mapahiya ulit sa publiko. Okay Leona… calm down… Think. Isa sa mga options: smile politely at ignore the headlines. Or maybe answer with charm para kontrolado mo ang situation. Pero alam ko, hindi ko alam kung alin ang lalabas, ang Leona na confident at starlet, o yung Leona na nahihiya at stressed sa loob dahil sa kapalpakan niya. Sandali nga lang! Hindi naman ako ang nagpakita ng wedding photo namin, okay? Argh! Nakakainis! Habang bumabagal ang limousine sa driveway, ramdam ko ang tension sa pagitan namin. Hawak ni Nicholas ang kamay ko pa rin, pero walang salitang lumalabas sa kanya. At sa loob ko, iniisip ko, Kaya ko ba talagang makipagharap sa press ng maayos? O baka maging disaster ulit ang lahat? Shaks! Ano isasagot ko ba sa press? Bahala talaga si Nicholas! Hindi niya tinatanggap ang sorry ko? Pwes, hindi ako sasagot! Bahala rin siya mapahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD