KABANATA 4

1784 Words
Kabadong-kabado ako habang nakaupo sa loob ng magarang sasakyan ni Nicholas. Tahimik siya habang hawak ang telepono, parang walang pakialam sa mundo. Ako naman, nanginginig ang kamay ko kahit anong gawin kong pigilan. Pakiramdam ko, lahat ng dugo ko ay bumaba sa paa ko at iniwan ang utak kong ngayon ay naglulutangan sa ere. Nang bumagal ang sasakyan sa harap ng isang engrandeng hotel, para akong nilamig nang makita ko ang mga camera sa labas. Nagniningning ang mga flash kahit hindi pa kami bumababa. Ang dami nilang nakatambay, naghihintay, gutom na gutom para sa intriga. “Nick…” halos pabulong ko siyang tinawag. Hindi ko alam kung narinig niya. O baka hindi lang niya sinasagot dahil ayaw niyang makita ang takot sa mukha ko. “Sigurado ka ba dito? Hindi ko kaya, baka…” Binalingan niya ako saglit. Walang emosyon, tipikal Nicholas Greyford. Pero sa ilang segundong iyon, pakiramdam ko nakita niya ang kaluluwa kong nagkakandarapang tumakbo paalis. Ibinaba niya ang telepono at pinatong sa hita niya, saka marahang huminga. “You’ll be fine,” iyon lang ang sinabi niya. Walang kasamang lambing, walang kahit anong assurance na hinahanap ko. Pero sa paraang malamig at diretso, parang may bigat na rin. Parang sinasabi niya: wala ka nang choice, Leona. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng kotse. Tumama agad ang liwanag ng mga camera, halos mabulag ako. Narinig ko ang sunod-sunod na tawag ng pangalan ko. “Leona! Leona Alcazar!” “Is it true, Leona?” “Are you married to Mr. Greyford?” Parang kumulo ang sikmura ko. Lahat ng balitang pinagtagpi-tagpi nila, lahat ng paninira, parang sabay-sabay bumagsak sa akin. Pero hindi ko na nagawang tumakbo. Ramdam ko ang malamig na palad ni Nicholas nang kunin niya ang kamay ko at hinila ako palabas. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakagulat: ang init ng palad niya na kumokontra sa lamig ng hangin, o ang sobrang higpit ng hawak niya na parang sinasabing hindi ko pwedeng bitawan. Naglakad kami palabas ng sasakyan. Suot ko ang pinili niyang dress para sa akin kanina, at sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko naghuhubad ako ng balat sa harap ng libo-libong matang uhaw sa tsismis. Naririnig ko ang bulungan, ang mga cameras na pumipitik, at ang sigaw ng mga reporter. Nicholas, on the other hand, walked like he owned the ground beneath us. Calm. Composed. As if walang kahit anong gulo. Para siyang imaheng perpekto, samantalang ako, isang starlet na pilit lang umaarte na hindi nadudurog. “Smile a little,” bulong niya habang papasok kami sa entrance ng hotel. “Don’t embarrass me.” Napakagat ako sa labi. Gusto kong magreklamo. Gusto kong sigawan siya. Pero sa halip, napalitan ng pilit na ngiti ang mukha ko. Isang ngiting puno ng kaba, puno ng sakit, pero kailangan kong gawin. Dahil kung may isang bagay na alam ko, iyon ay wala nang mas nakakakilabot kaysa sa mata ng publiko. Pagkapasok namin sa loob ng hotel, para akong nakahinga ng kaunti, pero hindi rin tuluyang gumaan ang dibdib ko. Kung sa labas ay sagupaan ng ilaw at sigawan, dito naman ay parang mas nakakasakal ang katahimikan. Malamig ang aircon, amoy mamahaling bulaklak at polish ng marmol na sahig. Pero kahit gaano kaganda ang paligid, hindi nawala ang bigat sa sikmura ko. Kasunod namin ang ilang staff ni Nicholas, lahat nakasuot ng itim at mukhang trained para sa ganitong eksena. May mga nakasalubong pa kaming nakangiting manager at mga taong bumabati kay Nicholas na parang hari. Hindi ako makatingin nang diretso. Sa bawat ngiti nila, pakiramdam ko tinatago nila ang totoo—ang mga tanong na hindi nila masabi pero gustong itanong. Pinisil ni Nicholas ang kamay ko. Hindi ko alam kung para ba iyon sa akin o para lang siguraduhin niyang hindi ako tatakbo. His grip was firm, controlled, parang siya lang ang nagdedesisyon kung saan ako pupunta. “This way, sir,” sabi ng isa sa staff at agad silang naglakad papunta sa function room. Bumungad sa akin ang malaking pinto na gawa sa kahoy na makintab, at kahit hindi pa iyon nabubuksan, dinig ko na ang murmur ng mga tao sa loob. Mga boses ng press, naghihintay, parang mga pating na umaamoy ng dugo. Napalunok ako, halos mamutla sa kaba. “Nick…” tawag ko ulit sa kanya, halos hindi ko na makontrol ang tinig ko. “I do not think I can do this. Please, huwag na.” Saglit siyang tumigil, at nakatingin lang sa akin. Mata niyang malamig pero matalim, parang kinakalag ang kaluluwa ko. Hindi niya ako agad sinagot. Sa halip, bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa akin. “You don’t have a choice,” bulong niya. Simple, diretso, pero parang martilyong bumagsak sa dibdib ko. Bago ko pa man makapagsalita, bumukas na ang malalaking pinto. Sumalubong sa amin ang maliwanag na ilaw mula sa mga spotlight. Lahat ng camera, sabay-sabay na umikot at tumutok sa amin. Parang hindi ako makahinga. Naglakad siya na parang walang pakialam sa bigat ng mundo. Straight shoulders, calm expression, as if sanay na sanay sa ganitong klaseng atake. Samantalang ako, bawat hakbang ay parang mabigat na hakbang papunta sa hukay. Pinilit kong huwag ipahalata, pero nanginginig ang mga daliri ko na nakapulupot pa rin sa kamay niya. Narinig ko ang mga murmur, ang maliliit na sigawan ng mga reporter habang sinusundan kami ng tingin. May mga bulungan, may mga naghahanda na ng kanilang mga recorder at mikropono. Lahat sila gutom, lahat sila sabik. Sa gitna ng function room, may mahahabang mesa, mga upuan, at mikropono. Inilapit kami ng staff sa stage na may nakahandang upuan para sa amin. Nicholas guided me to sit beside him, at parang walang kahit anong iniisip, naupo lang siya nang diretso at kinuha ang basong tubig na nakahanda. Ako naman, hindi alam kung saan ilalagay ang mga kamay ko. Parang lahat ng tao nakatingin lang sa akin. Ramdam ko ang init ng tingin nila sa balat ko, parang sinusuri nila kung anong klaseng babae ako. Then Nicholas leaned closer, his voice low enough na ako lang ang makaririnig. “Remember, keep your mouth shut unless I tell you to speak. Do you understand?” Napakagat ako sa labi, pinipigil ang pag-iyak. Hindi ko alam kung masama ba ang loob ko dahil ginagawang scripted lahat ng galaw ko o dahil alam kong totoo ang sinasabi niya—na kapag nagsalita ako, baka mas lumala lang. Tumango ako nang mahina, at napatingin sa harap kung saan unti-unting nagsisimula ang press conference. Mabilis na umupo ang mga tao sa kani-kanilang lugar. Ilang segundo lang, nagsimulang magtanong ang mga reporter, at kahit hindi pa ako tinatawag, pakiramdam ko lahat ng salita nila ay bala na dumidiretso sa akin. At doon ko naramdaman, habang naririnig ko ang unang flash ng camera sa harap namin, na wala na akong takas. para akong naupo sa gitna ng apoy. Ilaw mula sa spotlight, camera flashes, bulungan ng mga reporter—lahat iyon sabay-sabay na dumagundong sa tenga ko. Ramdam ko ang pawis na dumadaloy sa palad ko kahit malamig ang aircon ng hotel. Si Nicholas, tahimik na parang wala lang. Nakaupo nang diretso, nakalapat ang likod sa sandalan, at parang sinanay mula pagkabata para sa ganitong klase ng eksena. Ang gwapo niya, oo, pero nakakainis din. Kasi kahit gaano karaming camera ang nakatutok sa kaniya, hindi mo mahahalata kung kinakabahan siya. Ako? Halos gumapang ang kaba mula lalamunan ko pababa sa tiyan. “Sir Nicholas, totoo po bang kasal kayo kay Breaking Star Leona?” unang tanong, mabilis, diretsahan, walang pasakalye. “Yes,” malamig at maikli niyang sagot. English, syempre. Walang ka-effort effort. Parang lumubog lalo ang puso ko. Kasi sa bawat tanong, parang siya lang ang may hawak ng script. Ako, wala. Ako yung extra na hindi binigyan ng linya. “Paano po kayo ikinasal?” sunod na tanong. He barely blinked. “Private ceremony. A long time ago.” Simple. Parang nag-uusap lang sila ng kaswal. Sa gilid ko, gusto kong magtaas ng kamay at sumigaw ng, Wait lang, di ba dapat ako rin may sagot? Pero wala akong lakas ng loob. “Tago ba ang kasal ninyo?” His lips twitched into a small, almost sarcastic smile. “You can call it private. We did not see the need to announce it.” Parang sumikip lalo ang dibdib ko. Ako mismo, gusto ko namang sumagot. Gusto kong ipaliwanag na hindi naman sa pagtatago kundi dahil may dahilan kami. Pero tuwing nakikita ko ang tingin ni Nicholas sa gilid ng mata niya, parang may babala. Huwag kang magsalita, Leona. “Balak niyo bang magpakasal ulit? A public wedding, maybe?” “Yes,” he said calmly, his voice steady. “In time.” Napatingin ako sa kaniya. Napakagat ako sa labi. In time? Kailan? Bakit parang alam niyang mangyayari iyon? Ako nga, hindi ko alam kung gusto ko pa. “Bakit hindi sinapubliko noon?” “Because it was our choice,” sagot niya, walang pag-aalinlangan. Kada salita niya, parang may sariling bigat. At kada flash ng camera, para akong dinudurog. Nakaka-bash proof naman ako dati. Ilang taon na akong tinatadtad ng intriga at memes. Bakit ngayon parang nanginginig ang tuhod ko? Bakit parang ngayon pa ako natatakot? Dahil ba nadamay na si Nicholas? O baka… natatakot ako sa kaniya? Naiipit ako sa sarili kong iniisip habang patuloy ang mga tanong. Para akong napako sa upuan. Hindi ako makagalaw, hindi makasagot. Ang lakas ng t***k ng puso ko, parang lalabas na sa dibdib ko. Naririnig ko ang tawa ng ilang reporter, ang pag-klik ng mga camera, ang mga mabilis na tanong na halos hindi ko na masundan. Pero si Nicholas, walang palya. Kahit gaano kabigat, kahit gaano kalalim, sagot lang siya nang sagot. Ang bilis. Ang linis. Parang sanay na sanay siyang magtago at magpanggap. At ako, habang pinagmamasdan siya, naisip ko: Ganito ba talaga kami? Ganito ba ang buhay naming dalawa? Na siya lang ang sumasagot. Siya lang ang lumalaban. At ako, nakaupo lang, nagtatago sa likod ng pilit na ngiti, habang kinakain ako ng kaba at takot na baka sa isang maling salita ko, tuluyang gumuho ang lahat. “Mahal mo po ba si Miss Leona?” Maging ako ay napatingin kay Nicholas mula sa tanong ng isang lalaki sa harapan namin. Tumahimik ang mga bibig, pero ang pagtunog ng puso ko ang siyang nagmistulang ingay sa katawan ko. Hindi sumagot si Nicholas. Mas lalo ako kinabahan… sasagot na ba ako? Hindi ko alam. Wala akong maisip na gawin! Kung hindi ako sasagot at hindi siya sasagot ay mapapahiya kami lalo! Lalo na kung ano ang sasagot, e, siya ang tinanong! “Yes,” biglaang sagot ni Nicholas na pinanlakihan ng mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD