Hindi ko alam kung bakit parang may kumirot sa puso ko. Mas’yado na ata akong hibang para totohanin ang sagot ni Nicholas.
It was just a play, Leona.
“Hindi ko naman siya papakasalan kung hindi ko siya mahal,” sunod niya pa na mas lalong kinakaba ng dibdib ko. Sandali lamang ng tignan niya ako. “Hindi rin naman niya ako papakasalan, kung hindi niya ako mahal…” sunod niya pa.
Pinagmasdan ko ang mga mata niya. Parang siya pa ata ang artista sa aming dalawa.
It wasn’t easy. Hindi ko kaya na umarte ngayon. Pakiramdam ko, para akong tinamaan ng suntok sa sikmura nang marinig ko ang mga sagot niya kanina. Lahat ng salita niya, ramdam ko hanggang buto. Ang lakas ng dating, ang linis ng pagkakasabi, at parang wala nang puwang para kumontra ako.
Yes! Totoo naman. Hindi ko naman siya papakasalan kung hindi ko siya… correction! Gusto. Hindi mahal. I didn’t love him. Hindi ko kayang umamin sa harap ng lahat na may kung ano pa akong nararamdaman. Nakakatawa, nakakaawa, at higit sa lahat, nakakabaliw.
Ugh! Fine. I really set my mind that he is my husband. So, what? Kasal naman talaga kami. Kung hindi ko kakapitan iyon, baka tuluyan na akong matuliro.
“Bakit hindi nasagot si Miss Leona?”
Agad kaming nagkahiwalay ng tingin ni Nicholas. Para bang parehong nagulat na bigla akong tinawag. Napatingin siya sa akin, ako naman, dali-daling iniwas ang mata ko. Ramdam ko na naman ang init sa pisngi ko. Kung puwede lang akong matunaw sa kinauupuan ko, kanina pa.
Mabilis kong kinagat ang labi ko, saka nagkunwaring ayos lang. Pero sa loob-loob ko, parang gusto kong sumigaw. Anong isasagot ko? Na oo, nagpakasal kami kasi sabi ng mga lolo namin? Na oo, wala kaming choice pareho? Seryoso ba, gusto niyo bang ibuyangyang ko iyon dito, live, may cameras pa?
Nakayuko lang ako habang naririnig ko ang bulungan sa paligid. Ang daming naghihintay. Ang daming nakatutok. Ang daming gustong makakita kung kailan ako bibigay.
Narinig ko ang bahagyang paghinga ni Nicholas sa tabi ko. Hindi ko siya tiningnan pero alam ko, nakatingin siya. Yung klase ng tingin na parang sinasabihan ka nang huwag kang magsalita kung hindi mo kayang panindigan. At oo, hindi ko kaya.
Pinilit kong ngumiti, kahit pilit na pilit. At doon ako muling tinamaan. Kasi habang pinagmamasdan siya ng lahat, parang siya lang ang bida. Ako yung extra. Ako yung trophy na inilagay sa tabi niya para kumpletuhin ang larawan.
Pero trophy ba talaga ako? O parang pasanin?
Bumalik sa isip ko ang mga sagot niya kanina. “Yes.” “Private ceremony.” “In time.” Parang ang dali lang sabihin. Parang hindi niya iniisip kung paano iyon tatama sa akin.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Kasi sa totoo lang, kahit ako, naguguluhan. Gusto ko siyang kontrahin, gusto ko siyang sabihing mali siya. Pero paano kung tama naman talaga siya?
Habang nakikinig ako sa sunod-sunod na tanong, pakiramdam ko lumiliit ako. Pakiramdam ko, kahit nasa tabi ko siya, mag-isa pa rin ako. At ang pinakanakakainis, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon kalakas ang epekto niya sa akin.
Hindi pa rin sila natapos. Parang wala nang katapusan ang mga tanong. Hindi ako makahinga sa bigat ng ilaw ng camera, sa dami ng matang nakatingin, at sa bawat flash na sumasalubong sa mukha ko. Pakiramdam ko, wala nang tigil ang laban na ito at ako ang pinakamahinang sundalo sa gitna ng giyera.
“Miss Leona! Miss Leona! Bakit hindi ka sumasagot?”
Paulit-ulit nilang tanong. Parang sirang plaka. Kahit pa sinabi na ni Nicholas na hindi maganda ang pakiramdam ko, hindi sila naniniwala. Sa kanila, drama lang iyon. Sa kanila, isang magandang headline ang ibig sabihin ng katahimikan ko.
Ramdam ko na bibigyan na naman nila ng spin ang bawat galaw ko, bawat paghinga, bawat ngiti o pagkibit-balikat. Isang pagkakamali lang, isa lang, and I’ll trend for all the wrong reasons.
He was about to answer. Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano siya bahagyang huminga nang malalim, handa na sanang magsalita para sagutin na naman lahat sa halip na ako.
Pero naunahan ko siya.
“I’m sorry, medyo masakit kasi ang lalamunan ko.”
Sabay panggap na para akong inubo. Pinilit kong gawing convincing, yung tipong mukhang totoo talaga. Nilagyan ko pa ng pa-cute na hawak sa dibdib at pikit-mata, parang sa teleserye. Ang problema, alam kong ang OA ko.
Pero sineryoso nila. At mas lalo akong nahiya nang maramdaman ko ang kamay ni Nicholas sa balikat ko. Matigas, mabigat, pero kakaibang nakakapagpakalma.
“Get her some water. Not cold,” utos niya sa assistant sa likod namin.
Parang bumagal ang lahat. Napatitig ako sa kamay niyang nakapatong sa akin, at halos mapanganga ako sa thought na hala, first public touch namin ‘to.
Mga camera? Click click click. Syempre, hindi nakatakas iyon sa kanila. Lalo akong nabaliw. Iniisip ko na bukas, lalabas na naman sa mga headline: Greyford shows rare affection to starlet wife in front of the press.
Binalik ko ang tingin ko sa sahig. Hindi ko kayang tumingin sa kaniya habang nararamdaman ko pa ang bigat ng kamay niya. Hindi ako makapaniwala na sa dami ng scandal na pinagdaanan ko, ito lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Hindi mga bashers, hindi fake designer bags, hindi mga chismis tungkol sa producer. Siya lang.
Dumating ang tubig, inilagay sa lamesa. Dinampot niya iyon at inabot mismo sa kamay ko. “Drink.”
Simple lang. Diretso. Pero grabe, parang command na ayaw mong suwayin.
Uminom ako. Ramdam ko ang lahat ng matang nakatutok pa rin sa amin. Ramdam ko rin kung paanong nagiging tahimik ang paligid sa bawat kilos niya. Ang hirap paniwalaan na kaya niyang kontrolin ang isang buong kwarto nang hindi sumisigaw.
Pagkatapos kong uminom, narinig ko pa ring bumubulong-bulong ang mga reporter. Hindi sila satisfied. Hindi sila titigil hangga’t may bago silang makukuha. Nakakainis, nakakasuya, pero wala akong choice kundi magpakumbaba.
Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Mababa ang boses, pero malinaw. “Just hold on a little longer. I’ll handle the rest.”
Parang may dumaan na kuryente sa buong katawan ko. Napatigil ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa tono niya o dahil ba sa sobrang lapit niya.
At sa kabila ng lahat ng kaba, lahat ng ingay, lahat ng ilaw ng camera, isang bagay lang ang naisip ko.
Leona Alcazar, welcome to your new scandal. Pero this time, kasama mo na siya.
Halos dalawang oras din ang mga tanong. Nakakaloka. Nakakaubos ng lakas. Hindi ko alam kung sino ang mas laspag, ako na sumasagot at nagpapanggap na okay lang o yung makeup ko na sigurado akong hindi na “fresh look” kundi “last day of fiesta look.”
May mga pagkakataon din naman na nakasagot ako. Kunwari chill lang. Pero sa bawat tingin ni Nicholas sa akin, para akong isang tuta na nahuli ng amo habang ngumunguya ng sapatos. Napapaatras ako, napapatahimik, at pakiramdam ko, lahat ng sinabi ko mali. Grabe siya, parang exam na kahit tama ka na, ikaw pa rin yung mali.
Nang natapos na, pakiramdam ko may graduation akong dinaanan. Nakangiti ako sa mga camera, pero sa loob-loob ko, nagpa-party na ang kaluluwa ko dahil finally tapos na. Nang maglakad kami palabas, ramdam ko ang bigat ng kamay niyang nakaakay sa akin. Kahit pa gusto kong iwasan, wala akong nagawa. Para kaming bida sa isang pelikula na hindi ko pinirmahan.
Kita pa rin ang mga flash ng camera habang binabaybay namin ang daan papunta sa sasakyan. Ang sakit sa mata. Ang sakit sa ulo. Pero ang pinakanakakainis? Ang sakit sa pride ko. Kasi kahit pa scandal queen ako, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kahiyahiyang exposure. Hindi dahil sa mga reporter, kundi dahil sa kung paano niya akong hawakan, kung paano niya akong kontrolin sa harap ng lahat.
Pagkasara ng pinto ng sasakyan, bumigat bigla ang hangin. Natahimik. Wala na yung ingay ng mga reporter, pero naiwan yung echo ng boses nila sa utak ko. At bago pa ako makahinga nang maayos, mabilis siyang tumingin sa akin. Yung tipong tingin na parang sinasabi, Are you serious right now?
“I told you, ako na ang sasagot. Napakatigas ng ulo mo.”
Diretso, malamig, walang kaartehan.
Napatingin ako sa kaniya. Napalunok. Gusto kong sumagot, gusto kong sabihin na hindi naman ako bato para hindi makasagot. Pero wala, hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Ang lakas kasi ng presensya niya, parang lahat ng argumento ko nagiging maliit kapag siya na ang nagsalita.
Umikot ako ng tingin, tumitig sa labas ng bintana habang umiikot ang sasakyan palabas ng hotel. Ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga tanong kanina o dahil sa kaniya mismo.
“Hindi naman ako robot, Nicholas,” mahina kong sabi. “Pwede rin naman akong magsalita.”
“Pwede ka,” sagot niya agad, walang pag-aalinlangan. “Pero hindi ibig sabihin na dapat mong gawin.”
Napatigil ako. Ayoko man, pero may punto siya.
Napapikit ako at huminga nang malalim. Ang daming tanong sa utak ko. Ang daming reklamo. Pero higit sa lahat, ang daming emosyon na hindi ko alam kung saan ilalagay.
Hindi ako sumagot pa.
Kapal ng mukha! Siya lang ang may karapatan sumagot? Buang ba siya! Kung ako ang sasagot, mali. Kung siya, tama lagi. Pero imbis na magalit ay nagtaka na lang ako nang makita kong ibang ruta na pala ang dinadaanan namin. Hindi na kami pa-uwi.
“Where are we going?” tanong ko, medyo tumaas ang tono ng boses ko. Nakatingin pa rin siya sa phone niya, parang hindi man lang nag-abala na lingunin ako.
“Penthouse, for a while,” sagot niya, parang wala lang.
Tumaas agad ang kilay ko. “Bakit doon? Bakit hindi sa bahay?”
Umiling siya at saka suminghap nang malalim. “Can you just… please? Close your mouth and try not to be exaggerated?”
Napahinto ako. Balak ko pa sanang kumuda, pero narealize ko bigla ang sinabi niya. Exaggerated daw ako? Napapikit ako saglit. Well… totoo naman. Kaunti lang. Mga trenta porsyento, ganoon.
Kaya pinili ko na lang pagmasdan ang mga bahay at ilaw na nalalampasan ng sasakyan. Pero kahit ano, hindi ko mapigilan ang kilig ng inis.
“Leona,” tawag niya ulit. Hindi ko siya pinansin. Lalo kong pinilit na tumingin sa labas ng bintana, kunwari wala akong naririnig.
“Leona, come on. Hindi muna pwede sa bahay kasi pinapaayos ko,” dagdag niya.
Napakunot ang noo ko at agad akong napalingon. “Ano ang pinaayos? Maayos naman doon, ah.”
“Our pictures. Some decorations.”
Napanganga ako. Ilang segundo akong hindi naka-react. Tapos natawa ako nang mapait. “Ha? Dahil lang doon? You’re kidding me, right?”
Ngumuso siya na parang napaka-seryoso talaga ng usapan namin. “Do I look like I’m kidding?”
Nabigla ako. Totoo nga. Kahit kailan, hindi ko pa nakitang nagbiro ng seryoso si Nicholas.
“Kung ikaw lang ang mapapahiya, walang problema. Pero ayaw ko ipakita sa media na tinatago kita. Na parang nakakahiya ka na asawa ka ng isang sikat na bilyonaryo.”
Anak ng putcha ang hangin! Napatingin ako agad sa kaniya, hindi makapaniwala sa kaseryosohan ng mukha niya. Napangisi na lang ako, pero hindi dahil natuwa ako, kundi dahil hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Ang yabang, grabe! Parang siya na lang ang may karapatang magdesisyon kung ikakahiya ba ako o hindi.
Napakagat ako sa labi ko, pilit pinipigil ang sagot na baka lalo lang mag-init ang ulo niya. Ang hirap niyang kausap. Ang hirap niyang intindihin. At sa totoo lang, ang hirap rin pigilan ang sarili ko na hindi mapikon.
“Sir, bukas po ay may meeting kayo sa Trio Corp with other shareholders,” singit ng boses ng kanyang secretary mula sa harapan.
Wala man lang dalawang segundo, sumagot agad si Nicholas. “Cancel that, cancel my whole day. Kakain kami sa labas ni Leona.”
Nanlaki ang mga mata ko. “What?!” Napalingon ako sa kaniya, halos hindi makapaniwala sa sinabi niya.
“Cancel it,” ulit niya na parang wala lang, habang nananatiling nakatingin sa phone niya.
“Copy, Sir,” sagot ng secretary, parang wala lang din.
Ako? Hindi na nakatiis. “Nicholas, are you crazy?!” Hindi ko na napigilan ang pagsigaw. “Kakain tayo sa labas? In public? After what happened kanina?”
Binaba niya saglit ang hawak niyang cellphone, saka ako tinitigan ng diretso. Calm, steady, at parang ako pa ang OA. “Yes. That’s exactly why. Mas maraming makakakita sa atin, mas mabilis mawala ang duda nila.”
Humugot ako ng malalim na hininga, pero hindi iyon nakatulong. “Hello? Ngayon lang tayo kakain sa labas, matapos tayong mabukp? Do you even hear yourself? Hindi mo man lang naisip ‘yon!”
“Leona,” tawag niya ulit, mababa ang boses, pero puno ng authority.
“Stop thinking about what other people. And think about me,” ani niya na parang humaplos sa dibdib ko.
Sandali lang! Wait! Ano ibig sabihin no’n? Uhm, siya lang ang isipin ko at huwag na ang iba? Iyon ba? Oh, my gosh! May kung ano sa dibdib ko ang kinikilig ako!
Think about him…
Fine! Sige, I’ll think about him. Baka nahuhulog na ito sa akin, hindi lang nagsasabi at baka nahihiya. Ganda ko talaga!
“Ayokong mapahiya sa media,” kasunod niya.
Ampota! Mali ako! Kaya pala think of him! Iisipin ko pa pala siya na huwag mapahiya ampota!