KABANATA 6

2543 Words
Nasa penthouse na kami. Pagbukas pa lang ng pintuan ay para bang napalunok na ako sa linis. Walang kahit anong alikabok na makita, parang showroom na walang nakatira. Hindi ko alam kung mai-insecure ako o maiinis kasi obvious na mas malinis pa rito kaysa sa career ko. Imposibleng siya lang ang nandito. Ang linis-linis, ang ayos-ayos, parang may kamay ng babae. Baka naman may babae siya? Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang paligid. Lahat ng sulok, may mamahaling painting at sculpture. Halatang curated, hindi basta bili lang. May taste. May sophistication. At parang may halong… secret. “I’ve been loyal to you, kahit ano lang ang kasal natin. Hindi ko alam kung loyal ka,” parinig ko habang hinahaplos ang isang painting na nakasabit sa gilid ng pader. Sinadya ko pang medyo madiin para marinig niya. Rinig ko ang tunog ng metal nang ilapag niya ang susi ng kotse niya sa side table. Ang linis niya sa lahat, pati sa galaw. Wala siyang effort pero parang calculated lahat ng kilos niya. “I am, Leona.” Malamig at diretso ang sagot niya. Napangiwi ako. Kung ganoon kabilis sumagot. Umupo ako sa malaking sofa na gray velvet, L-shape, na parang iniisip kung kasya kaya akong mag-cartwheel dito. Sa harapan, isang malaking TV na parang mas mahal pa kaysa buong bahay namin. Para akong nalulunod sa bigat ng presensya ng lahat ng bagay dito, mas’yadong malalaki. “Wait for me here, I’ll take a shower,” sabi niya, parang hindi na ako mahalaga pagkatapos ng sagot niya kanina. Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko agad ang bowl ng sweets sa center table. Siyempre, hindi ko palalampasin ang libreng pagkain. Kung mayaman ka, dapat automatic may libreng tsokolate everywhere. Kinagat ko ang isa, sobrang sarap, parang imported na hindi ko mabili kahit pa dalawang buwan akong hindi kakain. “Go on…” sabi ko, halos may tsokolate pa sa ngipin. Nakita ko siyang tumingin muna sa akin, parang gusto niyang mag-comment sa pagkain ko, pero pinili niyang hindi magsalita. Nakakaboring! Ni hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko rito. Para akong nakakulong sa isang napakagarang kulungan na puro mamahaling gamit at sobrang tahimik. Walang TV na nakabukas, walang cellphone na pwede kong pakialaman, at siyempre, wala rin akong kausap. Mag-ikot kaya muna ako? Okay lang naman siguro, ano? Nagdahan-dahan ako, parang magnanakaw pa kahit technically sa akin din naman dapat ito. Since may second floor ang penthouse, naisip kong umakyat. Dahan-dahan lang ang bawat hakbang ko kasi baka biglang lumabas si Nicholas at mahuli niya akong parang batang pasaway. Pero come on, okay lang naman dahil akin din naman ito, ano! Greyford din ako, hello! Hindi ba dapat may karapatan akong makita ang bawat sulok ng penthouse na ito? Pag-akyat ko, agad kong naamoy ang mabango at malamig na hangin mula sa air freshener. Inferness, amoy hotel siya. Tipong isang foot spa at massage na lang ang kulang, kumpleto na ang staycation package. Unang pintuan na nadaanan ko, binuksan ko ng kaunti at sumilip. Napakalaki at napakalinis. Puno ng libro ang paligid at may malaking lamesa sa gitna. Baka library niya ito. At siyempre, hindi ko na binuksan nang tuluyan kasi baka bigla niyang maisip na may CCTV siya at nahuli na niya ako rito. Lumapit naman ako sa kasunod na pinto. Pagbukas ko, muntik na akong matawa. Puro gamit pang-gym ang laman. May treadmill, weights, punching bag. Gusto ko sana magpanggap na magbubuhat ng 20 kilos para mag-picture pero baka mamaya hindi ko mabitawan at mabalian pa ako ng kamay. Baka doon pa lang ay ilibing na ako ni Nicholas nang buhay. Sinunod ko ang pangatlong pintuan. Dahan-dahan ko ring binuksan, ang kamay ko ay nanginginig pa sa kaba na baka makakita ako ng kung ano. At bago ko pa man tuluyang maitulak, bigla itong bumukas mula sa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad si Nicholas mismo, bagong paligo, basa pa ang buhok at naka-itim lang na shirt at jogging pants. Para akong natuklaw ng ahas sa gulat, bigla akong napaatras. “C-Can I see?” Nahihiya kong sabi, halos mahina pa ang boses ko. Pakiramdam ko, ang weird na nakatayo lang ako roon, parang caught-in-the-act. Pero agad siyang lumabas at walang kahit anong salita, isinara ang pintuan ng kwarto niya. Ramdam ko ang bigat ng pagkakasara, parang sinampal ako ng pinto mismo. At bago ko pa maintindihan ang lahat, hinawakan niya ang pulso ko at hinila ako palayo. Diretso kaming bumaba, hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataong magtanong. Napakagat ako ng labi, ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Bakit parang may tinatago siya sa akin? Ano ba ang laman ng kwartong iyon at hindi niya ako hinayaang makita? Habang hinihila niya ako, nakatitig lang ako sa likod niya. Malapad ang balikat, matikas ang tindig, pero ang utak ko ay puro tanong. Ayaw ba niya na makita ko dahil may sikreto siyang itinatago? May gamit ba roon na hindi ko dapat malaman? O baka naman… may nakatira ring iba? Shit. Hindi ako mapakali. At mas lalo akong kinabahan nang tumigil siya sa gitna ng hagdan, sandaling lumingon, at tinitigan ako na parang may ibig sabihin. Pero hindi siya nagsalita. At ako? Para akong mababaliw sa dami ng tanong na wala namang kasagutan. Nang makababa na kami ay binitawan niya ako. Ramdam ko pa ang init ng kamay niya sa balat ko, pero mas nangingibabaw ang inis at bigat ng dibdib ko. Umiral nanaman ang kamalditahan ko, at hindi ko mapigilan ang sarili kong maglabas ng salita kahit alam kong delikado kapag siya ang kaaway. “Wala pala tinatago, ha? Bakit ayaw mo akong papasukin doon? Bakit?” Umangat ang boses ko, halatang pinipilit kong itago ang kaba. Ang totoo, hindi ko alam kung mas takot ako sa posibleng makita ko sa loob ng kwartong iyon o sa mga sagot na pwede niyang ibigay. “It’s my privacy, Leona.” Malamig ang tono niya, diretso, walang kahit anong emosyon. Parang isa lang akong bata na dapat pagalitan at pagsabihan ng limitasyon. “Privacy my ass, Nick!” Napahalakhak ako nang pilit, parang tawa na halong iyak. “Niloloko mo ako, ano? May babae ka!” Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang na iyon, pero dumiretso ang mga mata ko sa kaniya, sinusubukan kong hanapin ang kahit maliit na bakas ng kasinungalingan. Kumunot ang noo niya, at ang panga niya ay kumikiskis na parang pinipigil ang sariling sumabog. “And what kung mayroon?” malalim at matalim ang boses niya, halos parang kidlat na bumagsak sa harap ko. “We’re just married by force, Leona. Forged!” Parang pinutol ng mga salitang iyon ang hangin sa pagitan naming dalawa. Natahimik ako, hindi makapagsalita. Ramdam kong unti-unting bumabagsak ang braso ko sa gilid ng katawan ko, parang naubos ang lahat ng lakas ko. Ang utak ko ay parang may kumakalas na tali, at ang puso ko’y unti-unting nadudurog sa bawat segundo. Ang sakit. Hindi niya kailangang ipaalala pero ginawa niya pa rin. Hindi niya kailangang itapon sa mukha ko na wala itong saysay para sa kaniya, pero iyon mismo ang ginawa niya. Napayuko ako, at pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko. Pilit kong pinipigil pero ramdam kong mabigat na ang mga mata ko. “Kung ganoon…” halos hindi na lumalabas ang boses ko, parang nauupos na kandila. “Edi, okay. I’m sorry…” mahina kong sambit, halos hindi ko na siya matingnan. Sa loob-loob ko, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na tama siya. Totoo naman. Hindi ko naman hawak ang puso niya dahil lang kasal kami. Hindi dahil may papel na nagsasabing mag-asawa kami, ay akin na siya. Hindi ibig sabihin noon ay pipiliin niya ako. Humigpit ang dibdib ko, parang may mabigat na nakapatong sa dibdib ko. Ayaw kong umiyak sa harap niya, ayaw kong makita niyang nadudurog ako. Pero habang nakikita ko ang malamig niyang ekspresyon, mas lalo akong kinukuyom ng katotohanan. “We’re going to eat dinner at Eight.” Tumungo na lamang ako nang magsalita siya muli. Parang bata akong napagsabihan, at ayokong kumontra pa. “I’m not cheating,” bigla niyang bigkas na ikinaangat ko ng aking mga mata. Napasinghap ako, hindi ko inaasahan na siya mismo ang magsisimula ng ganoong usapan. Ramdam ko ang pagkulo ng damdamin sa dibdib ko, pero pinilit kong ngumiti. Isang hilaw na ngiti, pilit na itinatago ang totoo kong nararamdaman. “It’s fine, hindi talaga tayo totoong nagmamahalan. We only do this because of our grandparents.” Pilit kong pinakalma ang tono ko, para bang kaswal lang, pero sa loob-loob ko ay sumisigaw ang lahat. Gusto kong itanong kung bakit kailangan niyang linawin iyon. Gusto kong malaman kung bakit bigla niya akong pinapaliwanag, kung wala naman pala siyang ginagawang mali. Pinagmasdan niya lamang ako, tahimik, para bang sinusuri ang bawat galaw ko, bawat pagkumpas ng kamay ko, bawat panginginig ng labi ko. At imbes na tumugon pa, umiwas na lamang ako ng tingin. Kung titingin pa ako sa kaniya, baka tuluyan na akong bumigay. “Hanggang anong oras tayo rito sa penthouse mo?” basag ko sa katahimikan, pinilit kong gawing praktikal ang usapan. “I don’t have nothing to wear, hindi naman pwede ito. I already use it on the press. I don’t want to wear this again.” “I know,” ani niya, diretso at walang alinlangan. “I already told my secretary to take some dresses you like back to our house.” Agad akong nagmadaling tumingin sa kaniya, halos magningning ang mga mata ko. “Call him again! Gusto ko yung beige na tube—” “You’re not wearing revealing dress, lady.” Napaatras ako ng kaunti at agad kong naramdaman ang init ng pisngi ko. “What?!” Halos mapasigaw ako. “Anong pakialam mo kung anong isuot ko? Ako ang magsusuot, hindi ikaw!” Nakasandal siya sa sofa, hindi natinag, hindi man lang kumurap. “It’s not appropriate. Hindi ka puwedeng magpakita sa public ng ganoon. People will look, people will stare. And I don’t like that.” “Bakit?” mabilis kong balik, halos lumipad ang kilay ko pataas. “Bakit ka ba affected? Akala ko ba we’re just married by force? Forged? Then why do you care if I wear something revealing?” Nanahimik siya, pero ang mga mata niya ay hindi bumibitaw sa akin. Parang may tinatago sa likod ng malamig niyang titig, isang bagay na ayaw niyang ipakita. At lalo akong nainis kasi pakiramdam ko hindi ko siya mabasa. “Nick, you can’t just—” huminto ako saglit, pinipigilan ang sarili kong hindi tuluyang sumabog. “You can’t just control me like this. Hindi mo ako laruan. Hindi ako isang project na pwede mong ayusin sa gusto mong paraan.” Bahagya siyang tumagilid, nakasandal pa rin ang braso sa sandalan, pero ang panga niya ay mahigpit na nakalapat. “Leona, you’re my wife. Kung ayaw mong isipin ang sarili mo, at least isipin mo ako. Isipin mo na kapag may nakita silang iba sa’yo, may masasabi sila sa akin.” Napahagalpak ako ng mapait na tawa, hindi ko napigilan. “So it’s not even about me. It’s about you. Always about you, Nicholas Greyford. Your reputation, your image, your name.” Hindi siya sumagot, at mas lalo lang akong binalot ng bigat. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko sa galit at sama ng loob, kaya imbes na magsalita pa ay hinablot ko ang isang throw pillow sa sofa at niyakap iyon nang mahigpit. Para bang iyon lang ang makakapigil sa akin para hindi ko siya tuluyang masabihan ng mga salitang baka pagsisihan ko balang araw. Tahimik siyang nanatiling nakatingin sa akin, at ako naman ay pilit na itinatago ang mga matang nagbabadyang lumuha. Sa loob-loob ko, may tanong na paulit-ulit na umiikot: kung ayaw niya talaga sa akin, kung forged lang ito, bakit siya nag-aabala pang kontrolin kung anong isuot ko? I know! I’m so freaking dramatic! Kilala ako ng sambayanan mula sa mga pangit na issue. And I was grateful for that! Sumikat ako! Kahit negative publicity, at least napapansin nila ako. Sa mundong ginagalawan ko, mas mabuti nang pag-usapan nila ako dahil sa pagiging over the top kaysa matahimik ako at walang pumapansin. Mas okay na OA ang suot ko kaysa mabash ako dahil plain ang damit ko. Kung hindi ako magiging iconic, then what’s the point? It really matters to me, okay? Parang langit at lupa iyon sa akin. It was a matter of life and death. Hindi lang ito tela na isinusuot… ito ang statement ko, ang sagot ko sa lahat ng mapanuring mata. And still… wala akong nagawa. There’s only two options: isuot ko ulit ‘tong suot ko sa press o itong lonely plain white dress na halter style. Ugh! Ang plain! Sure, mukha siyang mayaman, classy, parang straight out of some posh dinner party, but this isn’t the peg I wanted. I want to be iconic, unforgettable, the girl who makes headlines. Not just a nepo wife! Kaya naman, habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, naramdaman kong parang may parte sa akin ang namatay. Seryoso, ang daming pwedeng pagpilian, tapos dito ako nauwi? Gusto kong magreklamo, gusto kong magwala, pero alam ko kung sino ang kaharap ko. Si Nicholas. And when Nicholas Greyford says something, the world obeys. And apparently, that includes me. Huminga ako nang malalim at pinilit ngumiti. Fine. I’ll wear the damn white dress. Kung boring ako ngayong gabi, kasalanan niya. Hindi akin. Nang lumabas ako mula sa kwarto sa first floor ng penthouse ni Nicholas, agad siyang bumungad sa akin. Nakatayo siya malapit sa dining area, may hawak na phone, pero nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan ay agad siyang napalingon. Naka-white long sleeves siya, crisp and perfectly pressed, tucked into black slacks. Hindi ko maiwasang mapatitig. Ang pogi niya, putcha! Lalo na nang makita ko siyang ngumiti sa akin. Tila kinabog ang puso ko nang makita ko ang ngiting iyon. Hindi ‘yong smug smirk na madalas niyang ipinapakita sa mga tao, kundi isang tipid na ngiti na parang ako lang ang dahilan. At ayoko man aminin, pero parang nahulog ang buong mundo ko sa isang iglap. “Better,” mahina niyang sabi habang sinisipat ang suot ko. Ang mga mata niya ay dumaan mula ulo hanggang paa, mabagal, parang sinisiyasat kung pasado ba ako. Nag-cross ako ng arms at sinamaan siya ng tingin. “Better? That’s it? Hindi mo ba nakikita? I look like a sad bridesmaid na hindi man lang nakatanggap ng bouquet.” Narinig kong tumawa siya, mahina pero ramdam ko sa dibdib ko. “You look fine, Leona. Simple suits you.” “Simple? Nicholas, excuse me!” Napalapit ako sa kaniya at itinuro ko ang sarili ko. “I was not born to be simple. Hindi ako nagkakanda-baliw sa social media just to end up… plain.” He tilted his head, obvious na natutuwa sa reaction ko. “You’re beautiful. Kahit anong suot mo.” Napamulagat ako. Saglit akong natigilan, parang hindi ko alam kung paano tatanggapin ang sinabi niya. Kasi hindi iyon ang tipo ng bagay na sinasabi niya. Nicholas Greyford doesn’t hand out compliments like candies. At hindi niya basta-basta sasabihin iyon kung wala siyang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD