KABANATA 7

1563 Words
Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. There was something in me na para ba akong kinikilig. May kakaibang init sa dibdib ko na hindi ko maintindihan, lalo na kapag nakikita ko siyang seryosong nag-aayos ng cufflinks niya, parang wala siyang pakialam sa mundo, pero he still managed to make me feel like I’m the center of his attention. All I know is that this is an act. Walang totoo rito. Of course, hindi niya gusto masira ang reputasyon niya. Nicholas Greyford, the cold and untouchable billionaire, na parang ang bawat galaw ay headline-worthy. Marami na akong nabasa na ganito ang set-up. The man protects his image, the woman becomes the shield or the ornament. Sa kaso ko, mas madali. Sira na ang akin, kaya wapakels na ako kung ano pang sabihin nila. Sanay na ako sa bash, sa pangungutya, sa paulit-ulit na pagtatanong kung paano ako nakapasok sa industriya. Pero mahirap na kung lumabas din ang tungkol sa arranged marriage namin. Masisira hindi lang ang pangalan niya, kundi pati ang legacy ng mga pamilya namin. At kapag nangyari iyon, baka sabihin nanaman nila na pinikot ko ang gago. Napapikit ako saglit, iniwas ang mata ko mula sa kaniyang anyo. Ang hirap-hirap niyang basahin. Para siyang libro na walang pahina—hawak mo nga pero wala kang mabasa, walang clue kung ano ba ang totoo sa loob. “Leona.” Bigla niyang tawag sa pangalan ko, mahina pero matalim. Napatingin ako, at doon ko siya nahuling nakatitig. Hindi siya nakangiti, pero may kakaibang ekspresyon sa mga mata niya, parang pinipilit niyang intindihin kung ano ang tumatakbo sa isip ko. “Ano na naman?” tanong ko, pilit na ginagawang matapang ang tono ko kahit kumakabog ang puso ko. “You don’t have to look like you’re going to war,” he said habang inayos ang kwelyo ng suit niya. “It’s just dinner.” “Just dinner?” Napatawa ako ng mapait. “Nicholas, with you, nothing is ever ‘just.’” Hindi siya sumagot agad. Tumitig lang siya ulit, tapos parang may gustong sabihin pero hindi niya itinuloy. He simply offered his hand. Hindi ko alam kung para saan iyon. Para hawakan ko? Para ipakita sa mga makakakita sa amin later? Tiningnan ko ang kamay niya. Malinis, matibay, halatang sanay sa power at authority. Unti-unti kong itinaas ang kamay ko, pero sa halip na hawakan, tinapik ko iyon. “Save it for the cameras,” sabi ko, sabay talikod para kunin ang bag ko. Narinig kong napabuntong-hininga siya, pero wala na akong pakialam. Habang naglalakad kami palabas ng penthouse, ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko, malakas, mabigat, hindi mo kayang i-ignore. Sa hallway ng building, may ilang empleyado na agad napatingin. Kita ko ang gulat at kilig sa mga mata nila. Nakakahiya pero nakaka-proud din sa kakaibang paraan. Pagdating namin sa sasakyan, binuksan niya ang pinto para sa akin. I almost rolled my eyes. Gentleman act. Parang scripted. Pero kahit ganoon, may parteng hindi ko maiwasang manghina. Sino ba naman ako para hindi maramdaman iyon? At habang umaandar na kami papunta sa restaurant, tumingin ako sa bintana at pinilit kumbinsihin ang sarili ko. This is an act. Walang totoo rito. Pero bakit ba parang ako ang niloloko ng sarili kong puso? Sandali lang din ang byahe pero pakiramdam ko parang ang tagal. Ang hina ng aircon o baka ako lang ang mainit, kasi literal na parang basang-basa na ang palad ko. Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari. Press, dinner, acting, cameras—lahat iyon parang gumugulo sa utak ko. Tatlo lang kami sa loob ng sasakyan. Ako, si Nicholas, at ang driver. Simple lang ang kotse, four-seater, hindi kasing garbo ng mga madalas niyang gamitin. At hindi ko rin alam kung bakit wala rito ang secretary niyang mukhang robot. Siguro nasa kabilang kotse, o baka naman nakabuntot somewhere, pero hindi ko siya nakikita. At kung nasa compartment siya, Diyos ko, creepy iyon. Napalingon ako kay Nicholas. Kalma siya, hawak ang phone, walang bakas ng kaba. Samantalang ako? Halos mapiga ko na ang bag ko sa sobrang pawis ng palad ko. Should I hold his hand? Hindi ko alam kung anong kinain ng utak ko at bigla kong naisip iyon. Para kaming high school na magdyowa na dapat sweet para hindi mahalata ng mga magulang. Ano ba gagawin ko? Aakto ba ako ng parang sweet? O baka naman sobrang halata na scripted iyon? Artista ako, hello! Pero bakit parang ito ang pinaka-mahirap na role na gagampanan ko? Buang talaga ako. Tumingin siya sa akin sandali, tapos bumalik sa phone niya. Ang simpleng tingin na iyon, parang sinaksak ang kaluluwa ko. Parang sinasabing, “Leona, huwag kang kabahan, trabaho lang ito.” Pero mas lalo akong kinabahan. Napatingin ako sa bintana, pinapanood ang mga ilaw sa labas. “Leona,” tawag niya bigla. Halos napalunok ako ng malakas. “Stop fidgeting. You’re acting suspicious.” Namilog ang mga mata ko at agad kong sinikap umayos ng upo. “I’m not fidgeting,” depensa ko. “You are,” malamig niyang sagot. “If you’re nervous now, how will you survive inside?” Napairap ako. “Hindi kasi ako sanay na may kasama.” “Exactly why I’m here,” dagdag niya, hindi man lang tumitingin sa akin. “You’ll act like my wife. That’s all. Simple.” Simple daw? Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Kung simple iyon, bakit para akong sasabog? Pinaglaruan ko ang daliri ko habang pinapakalma ang sarili ko. “So… do I hold your hand or not?” Nahuli kong napatingin siya sa akin, parang hindi makapaniwala sa tanong ko. “You’re overthinking.” “Hindi naman! I just want to know, Nicholas! Para prepared ako.” Huminga siya nang malalim, inilapag ang phone, saka itinaas ang kamay niya sa pagitan naming dalawa. Hindi siya tumingin sa akin, pero ramdam ko ang paghihintay. “Do it only if you feel like you can pull it off.” Tumingin ako sa palad niya. Malinis, malamig, walang bakas ng kaba. Samantalang ako, parang pawisan na ang buong katawan ko. Dahan-dahan kong inilapat ang kamay ko sa kaniya. Mainit ang kamay ko, kabadong-kabado, pero nang maramdaman kong hinigpitan niya ng bahagya ang hawak niya, bigla akong natahimik. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit ilang segundo lang iyon, parang gumaan ang loob ko. Parang bigla akong nakahanap ng sandalan kahit ayaw kong aminin. Binawi ko agad ang kamay ko at nagkunwaring tinitingnan ang labas. “Okay, that’s enough. I’ll survive.” Ang inakala kong simple resto ay nanginig naman ang labi ko nang makita kong hindi pala iyon basta resto. Tower siya, gosh! Sa pinakataas kami, with a freaking view of the whole city. Sino ba namang hindi matetensyon? Parang bigla akong nahilo, hindi ko alam kung dahil ba sa elevator ride o sa ideya na kasama ko si Nicholas sa isang lugar na ganito ka-classy. Nagpark na ang driver at akala ko tapos na ang lahat nang bumukas ang pinto. Expected ko na hihintayin lang ako ni Nicholas sa labas… syempre, hindi naman ako umaasa ng kung anong pagiging gentleman niya. Pero ayun, laking gulat ko nang hindi siya dumiretso. Umikot siya, lumapit, at para pagbuksan ako ng pinto. Parang napako ako sa kinauupuan ko. Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. He was looking at me with that composed, calm face, parang natural lang sa kaniya ang gawin iyon. “Let’s go,” mahina niyang sabi. Napalunok ako nang ilahad niya ang palad niya sa akin. Nakatingin lang ako doon, sa malinis at maputi niyang kamay, parang hindi ko alam kung paano magre-react. Ang driver naman namin, halatang naiirita na, napaubo pa nang malakas. “Ma’am,” singit nito, halatang pinapahiwatig na baka gusto ko nang bumaba. God, bakit ba ang hirap? Should I take his hand? Kung tatanggapin ko, baka isipin niyang nangingiwi ako sa pagiging damsel in distress. Kung hindi ko naman tatanggapin, baka isipin niyang ayaw ko ng kahit anong connection sa kaniya. Ugh! Naramdaman ko ang mainit niyang tingin. Nakakunot bahagya ang noo niya, pero hindi siya nagsalita. Hindi rin niya binawi ang kamay niya. Nandoon pa rin, naghihintay, steady at matatag. Finally, dahan-dahan kong inilapat ang palad ko sa kaniya. Agad niyang hinapit ng kaunti ang kamay ko, enough para tulungan akong makababa ng kotse nang hindi ako natatapilok. Ang lambot ng kamay niya, ang laki ng daliri, at may isang parte sa akin na hindi matanggap na nagustuhan ko iyon. Nagtagal ang kamay niya sa akin kahit nakalabas na ako. Hindi siya agad bumitaw, kaya napatingala ako sa kaniya. Saktong nakatingin siya sa akin, diretso, parang pinagmamasdan kung ano gagawin ko. Nabitawan ko ang mahinang tawa, pilit at hilaw. “Thanks.” Isang tango lang ang isinagot niya bago tuluyan akong binitiwan. Pero hindi pa rin mapakali ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Habang naglalakad kami papasok ng lobby ng tower, ramdam kong ang daming mata ang nakatingin sa amin. Natural lang, it was Nicholas Greyford after all. At ako, ako ang kasama niya. Gusto kong magmukhang composed, gusto kong maging iconic, pero sa loob-loob ko, grabe ang kaba. At iyon ang problema. Dahil kahit sabihin ko sa sarili ko na act lang ang lahat ng ito… may kung anong kilig na hindi ko kayang pigilan. Damn you, Greyford!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD