“Steak, medium rare.” Iyon ang order ni Nicholas, diretsong tono, parang sanay na sanay na siya sa ganitong lugar. “And for the lady?” tanong ng waiter na halatang may katandaan na. Ramdam kong sanay na rin siya magserbisyo sa mga bigatin—hindi man lang nanginginig ang kamay kahit kaharap niya si Nicholas Greyford. “Perhaps… salad—” sinara ko na agad ang menu bago pa ako tuluyang makapagsabi ng kung anu-ano. “What are you? A horse? Two steaks, medium rare,” putol ni Nicholas, walang kahirap-hirap na ibinalik ang menu sa waiter. “Hey!” agad akong suminghal, pinandilatan ko siya. “I don’t eat steak anymore.” Nag-angat siya ng tingin, diretso sa akin. “Why?” Bumuntong hininga ako, saka marahang tumango-tango, parang nag-iipon ng lakas ng loob para ikwento ang trauma ko. “Because it’s hu

