It was like a dream, natapos na ang lahat ng parang sa fairytale. I didn’t know if he did really meant it, but yeah, it was our wedding anniversary. Nasa penthouse siya at may aayusin daw siya, habang ako ay narito sa bahay. Binubusy ang sarili ko sa pag-ikot sa kama at nag-iisip ng kung anu-ano. Napatingin ako sa kisame, sabay pabuntong-hininga. Ang dami kong iniisip na hindi ko maintindihan kung alin ba talaga ang totoo at alin lang ang ilusyon na ginagawa ng utak ko para magmukhang masaya ang lahat. Naalala ko pa kung paano niya ako binigyan ng bouquet kagabi. Sa harap ng maraming tao, sa gitna ng mamahaling restaurant na iyon, para bang wala na akong naririnig kundi ang t***k ng puso ko nang ibulong niya ang “Happy Wedding Anniversary, Leona.” Kahit hindi ko alam kung scripted ba iy

