To make this worst, kasabay ko pa siya kumain ng almusal. Hindi ko alam kung bakit ang tahimik ng paligid, para bang kahit ang kaluskos ng kutsara ko sa pinggan ay naririnig niya. Ang kapal ng presensya niya. Nakakainis, pero sa isang banda, parang hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ako kinakabahan. Sandali lamang ay biglang nag-ring ang phone ko sa ibabaw ng mesa. Si Direk. Napasinghap ako at agad kong tinignan iyon, pero hindi ko sinagot. Ramdam ko ang mata ni Nicholas na nakatutok sa akin, malamig at matalim na parang nagbabasa ng kaluluwa. Hindi ako kumibo. Pinilit kong kumain ng isa pang subo ng itlog, kahit wala na akong lasa. The ring stopped. For a second, umasa akong tapos na. Pero ilang segundo lang ay tumunog ulit. “Ugh!” napasigaw ako, halos mabitawan ang tinidor ko. Pani

