At hindi nangyari ang sinabi ko. Lahat ng rules niya, ginawa ko. Isa-isa, walang labis, walang kulang. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan. Mayaman kami, oo, pero hindi ako. Kung hindi ang lolo ko at kung hindi dahil sa mga Greyford, hindi kami magkakamilyon. Kapag nalaman ng lolo niya iyon, hindi ako kinakabahan na mawalan ng yaman o hiwalayan ni Nicholas. Hindi iyon ang kinatatakutan ko. Natatakot ako para sa pamilya ko at para sa lolo ko. Assets pa lang ng Greyford ay hindi na kayang bayaran ng pamilya ko kahit pa ilang beses kaming magdoble ng kita. They’re too high to pay. Too untouchable. Rising pa lamang kami. We’re just millionaires, but the Greyfords? They’re f*****g billionaires. Ang level nila, ibang planeta. Kung kaya ko lang suntukin ang mukha niya sa bawat pagkaka

