Leonard, sa kabilang banda, parang hindi alam na naiintindihan niya ang warning. Patuloy siyang nakangiti, parang hindi siya natatakot, pero ramdam ko na kaunti lang ang confidence niya dahil sa intensity ni Nicholas. Parang nakaka-pressure, at halata sa bawat galaw niya na pilit niyang i-pretend na wala siyang pakialam. Lumapit ako kay Nicholas, tahimik, at hawak ang kamay ko. Ramdam ko ang init ng palad niya. Parang sinasabi ng hawak niya, "Ako lang ang dapat nandito." At alam kong ramdam niya rin ang inis ko sa kupal na si Leonard. "Are you okay?" tanong niya, hindi para sa ibang tao kundi para sa akin. Malalim ang tingin niya, at parang sinusukatan niya ang bawat galaw ng paligid. "Uhmm, yes," sagot ko, pero halata sa tono ko na gusto ko nang magsalita tungkol sa inis ko kay Leonard

