Third Person Pov Malungkot na ini-off ni ni Leyana ang phone matapos ang pakikipag usap sa asawa. Two weeks. Two weeks na ang nakalipas nang isugod nila sa ospital ang asawa niya, ngunit imbes na magpahinga sa bahay ay nasa business trip naman ito. Miss na miss na niya ang asawa niya. Ngayon lang tumagal na umabot ng dalawang linggo na hindi niya ito nakikita kahit sa screen man lang ng cellphone. Ang sabi nito sa kanya ay mahina ang signal ng internet sa lugar na kinaroroonan nito kaya naman hindi ito makapag-video call sa kanya. Gusto niya na magtampo. Noon naman kasi ay hindi natatapos ang maghapon na hindi sila nag-uusap sa video call kahit pa sobrang busy ng asawa niya sa trabaho. Ang sabi pa nito sa kanya ay siya ang nagbibigay ng energy sa lalaki kaya kailangan na makita siya ni

