LEYANA THREE YEARS LATER "Leyana, hija, narito na ang asawa mo!" Mabilis akong napangiti sa narinig kong sinabi ni manang Zena. Inalis ko ang suot kong apron at humarap sa kanya. "Talaga po Manang, tamang-tama po dahil tapos na rin po akong magluto," nilagay ko ang apron na hawak ko sa ibabaw ng counter dito sa loob ng kitchen. Today is our 3rd wedding anniversary. He called me na sa labas na lang kami mag dinner to celebrate our wedding anniversary, but I refused his idea. I told him na dito na lang sa house at ako na lang ang magluluto ng dinner namin. Nariyan naman si Manang Zena to help me sa pagbabantay sa anak namin habang nagluluto ako. "Salubungin ko lang po ang asawa ko, Manang," "Sige na, hija, ako na ang bahalang magdala ng mga niluto mo sa dining," nakangiti na sagot ni ma

