Napatakip sa bibig si Monicca habang hawak pa rin ang bulaklak na nasalo niya kanina. "Monicca Santos, will you become my wife?" seryoso nitong tanong sa kanya. Bahagya siyang napatawa sa narinig. Nakakunot naman ng noo si Denver. Tiningnan siya nito ng nagtatanong na may halong pagtataka. Nagtataka siguro ito kung bakit napatawa siya sa naging tanong nito. "Hindi ka pa nga nanliligaw, gusto mo na agad na magpakasal? Hindi mo pa nga ako naging girlfriend, gusto mo na agad na maging asawa ko?" "I will court you everyday if that's what you want. No." Umiling-iling ito. "Liligawan kita araw-araw kahit na ayaw mo. I'm willing to do anything for you, Monicca." "Pero—" "I love you," sabi nito para matigilan siya. "Matagal na kitang mahal. Ever since wala pa akong naging girlfriend. Gusto k

