Kabanata 55

1487 Words

Nang bumukas ang pinto ng simbahan ay makikita ang saya sa ngiti ni Anastasia. Maliban sa kasal niya ngayon ay naging maayos na din sila ng mga magulang niya. Wala na siyang iba pang mahihiling ngayon dahil lahat ng pangarap niya ay natupad na din sa wakas. Dahan-dahan naglakad silang tatlo sa pulang carpet. Nasa magkabila niya ang daddy niya at ang tita Sandra niya. Nakangiti silang tatlo, pero mas makikita ang saya sa mukha ni Anastasia. Maraming makukulay na bulaklak ang nakalagay sa bawat upuan. Kulay pink at puti ang tema ng kasal nila. Habang papalapit sa altar ay nakikita niya ang lalaking matagal din niyang hinintay. Ang lalaking mahal na mahal niya. Sa wakas, pagkatapos ng mahabang panahon na nagkahiwalay sila, ngayon ay magsasama na sila hanggang sa pagtanda at bubuo ng pamily

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD