Maagang nagising si Angel dahil sila ni Krizza ang nakatuka ulit sa kusina. Maaaga din siyang nagising para ipagluto ang binata. Nasabi kasi ni Krizza sa kanya na maagang nagigising ang binata kaya dapat may almusal nang nakahanda sa hapagkainan bago pa ito makababa.
May matamis na ngiti sa labi niya habang nagluluto siya. Syempre dapat masarap ang pagkain na lulutuin niya para naman matuwa ang binata sa kanya. Gusto niyang kahit sa pagluluto ay maipakita niya ang pasasalamat niya sa pagtulong nito sa kanya.
"Nandiyan na si Sir David." Agad siyang napalingon kay Zel dahil sa sinabi nito. Hindi niya tuloy maiwasan na mas mapangiti. "Krizza, ikaw na ang magbigay ng kape kay Sir."
"Eh? Bakit ako? Ayaw ko nga," pagtutol ni Krizza. "Baka magkamali pa ako. Eh, di’ mapagalitan pa ako. Ikaw na."
"Natatakot din ako eh." Nagtutulakan ang dalawa kung sino ang maghahatid ng kape sa binata.
Napailing na lang siya saka kinuha ang tasa na may lamang kape. "Ako na ang magdadala." Napatahimik ang dalawa sa sinabi ni Angel.
"Talaga?" sabay na tanong nina Krizza at Zel na nagniningning pa ang mga mata dahilan para mapailing siya.
"Oo, ako na ang magdadala ng kape ni Sir David."
"Salamat, Angel." Muntik pangmatapon ang hawak niyang kape sa biglang paglapit sa kanya ng dalawa. "Ay, sorry," paumanhin ng mga ito pero nandoon pa rin ang mga ngiti nito. "Pero salamat talaga. Bagay na bagay talaga sa ‘yo ang pangalan mo, Angel. Hulog ka ng langit sa amin."
Napailing na lang siya sa pinagsasabi ng dalawa. Sa ginawa niyang pagpayag na siya ang maghatid ng kape sa binata ay para sa mga ito ay iniligtas na niya ang mga ito sa isang mabangis na leon. Bumalik na sa kanya-kanyang trabaho ang dalawa, natatakot na baka magbago ang isip ni Angel.
May kinuha siyang sticky note saka ito sinulatan at idinikit sa tasa. Huminga muna siya ng malalim bago lumabas ng kusina na may magandang ngiti sa labi. Habang papalapit sa kinaroroonan ng binata ay tumitibok ng mabilis ang puso niya. Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya dahil ito ang unang beses na pagsisilbihan niya ang binata. Kinakabahan siya sa isiping baka magkamali siya.
"Where is my coffee?" Bahagya siyang napaigta sa pagsigaw nito.
Huminga na naman siya ng malalim saka ngumiti, dapat hindi siya magkamali. Dapat maganda ang impression nito sa kanya. Mabilis siyang lumapit dito saka dahan-dahan na nilagay ang kape sa mesa.
"Ito na po, Sir."
Napakunot ng noo si David ng mabasa ang nakasulat sa sticky note na nakadikit sa tasa ng kape nya. 'Thank you'. iyon ang nakasulat sa sticky note at may kasama pang-smiley. Napatingin si David sa nagbigay ng kape sa kanya at nakita niya ang isang babaeng nakangiti ng maganda sa kanya.
Mas napakunot-noo siya. Hindi niya lubos maisip na ito ang babaeng nakita niya noon na nakahiga sa kama, maputla, nanghihina, at walang malay. Nakita na niya ito noon sa kusina pero hindi niya lubos na nakita ang mukha nito dahil madilim ng mga oras na iyon, at hindi din siya interesado. Ngayon na maliwanag na ay nakikita na niya ng maayos ang maamo nitong mukha.
Magkaibang-magkaiba ang mukha nito noon na namumutla kaysa sa mukha nito ngayon. Ngayon ay maaliwalas na ang mukha nito at mukhang maayos na.
Ayaw man ni David na sumang-ayon sa sinabi ni Manang Tessa noon na hindi ito masamang tao dahil sa maamo nitong mukha. Para talaga itong isang anghel lalo na't nakangiti. Hindi niya inaasahan na may maganda pala itong ngiti.
"Gusto ko lang pong magpasalamat dahil sa pagpapatuloy ninyo sa akin." Napalabi si Angel ng hindi man lang ito nagsalita, pero kahit ganoon ay nakangiti pa rin siya dito. "Huwag kayong mag-alala, para makabawi ako ng utang na loob sa inyo ay magtatrabaho ako ng mabuti. Pagsisilbihan ko kayo."
"I'm done." Pinunasan ni David ang gilid ng labi niya. "Clean this." Tumayo na ito saka naglakad.
"Mag-iingat po kayo, Sir." Bahagyang yumuko si Angel.
Sandaling napahinto si David sa narinig niya. Maliban kasi kay Manang Tessa ay wala ng iba pang nagsasabi sa kanya no’n, kaya hindi maiwasan ni David ang magulat.
"Aalis ka na?" David back to his senses when he heard the voice of Manang Tessa.
"Yes, Manang." Lumapit si David kay Manang Tessa saka ito hinalikan sa noo. "I have to go, Manang."
"Sige. Mag-iingat ka."
"Opo, Manang." Nagsimula ng maglakad palabas ng mansyon si David. Hindi niya maiwasan na mapailing nang marinig na naman niya ang sigaw ni Angel.
"Bye, Sir. Mag-iingat ka." Sa boses nito ay masasabi ni David na nakangiti ito. Kahit gusto niyang makita ang ngiti nito ay pinigilan niya ang sarili na lumingon.
Tss. What an annoying person, nasabi na lang niya sa sarili niya.
"Nagkausap na kayo?" may bahid ng gulat na tanong ni Manang Tessa sa nakangiting si Angel.
"Opo, Manang." masaya nitong sabi pero agad na napailing. "Ah, ako lang po pala ang nagsalita. Hindi po kasi siya sumasagot sa mga sinasabi ko."
"Hindi ka niya pinagalitan? Ibig kong sabihin, hindi ba siya nagalit?"
"Hindi naman po." Nagsalubong ang dalawang kilay ni Angel. "Bakit po? Wala naman akong nagawang mali para magalit siya sa akin."
Hindi na sumagot pa si Manang Tessa at napatingin na lang sa pintuan kung saan lumabas si David. Hindi maiwasan ni Manang Tessa na magulat sa inasta ni David. Wala mang nagawang mali si Angel ay ayaw naman ni David ang maingay o baka naman hindi nagalit si David dahil ito din ang unang beses na may kumausap dito. Lahat kasi ng katulong sa mansyon ay natatakot na makausap ang binata.
Napailing na lang si Manang Tessa. Baka nga nanibago lang siya na naging reaksyon nito dahil ito ang unang beses na may kumausap sa binata. Umaasa siya na sa pagiging masayahin ni Angel ay mahawaan man lang sana si David. Sana si Angel na nga ang sagot sa dasal niya. Ang babaeng makakapagpangiti ulit sa alaga niya.
Mabilis na lumipas ang oras at sumapit na ang gabi. Kung kagabi ay matagal na natulog si Angel dahil hindi siya makatulog, ngayon ay iba na ang dahilan niya. Ngayon ay nasa sala siya at hinihintay ang pagdating ng binata. Napatingin siya sa wall clock, malapit ng mag-alas dyes ng gabi pero wala pa rin ang binata. Tama ang sinabi ni Krizza sa kanya, gabi na nga kung umuwi ang binata.
Agad siyang napatayo ng makarinig ng tunog ng sasakyan. Hindi man niya nakikita ay alam niyang ang binata ito. Hinintay muna niya na makapasok si David bago ngumiti ng matamis. Lumapit si Angel ng makapasok na sa mansyon si David.
"Good evening, Sir." Nagsalubong ang dalawang kilay ni David ng kunin ni Angel ang mga gamit niya at huhubadin sana nito ang suot nyang coat.
"What are you doing?"
Napatigil si Angel sa ginagawa at napatingin kay David na magkasalubong ang mga makakapal nitong kilay habang nakatingin sa kanya. Pero kahit ganoon ang itsura nito ay nakangiti pa rin siya.
"Kinukuha ang gamit mo."
"And why?"
"Dahil pinagsisilbihan ko kayo?" inosente niyang sagot na patanong saka ngumiti na naman. "Alam ko kasi na pagod kayo kaya hinintay ko talaga na makauwi ka para pagsilbihan." Nakangiti siyang humarap dito ng matanggal na niya ang coat nito.
Pero kahit anong ngiti ni Angel ay nandoon pa rin ang nakakunot na noo'ng mukha ni David. Ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng muka nito.
"Kumain ka na ba? Baka gutom ka na, sandali lang at ipaghahain kita."
"Wait." Pigil ni David kay Angel. Para kay David ay narinig na niya ang sinabi nito kagabi. "You are that annoying maid last night?"
Hindi niya kasi nakita ng maayos ang mukha ng babaeng kausap niya kagabi dahil medyo madilim ng mga oras na iyon. Isa pa, maliban sa pagod siya ng mga oras na iyon ay hindi siya interesado dito.
Ito naman ang napakunot ng noo. "Opo, ako nga iyon. Hindi mo ba natatandaan ang mukha ko?"
Napatitig naman si David sa mukha ni Angel. Kung nakita niya ang mukha nito kagabi, siguro nga ay maaalala niya ito kaso nga ay hindi niya ito masyadong namukhaan kagabi kaya hindi siya nakasagot. Akala niya ay isa sa mga katulong niya ang nakausap niya kagabi.
"It doesn't matter anyway." Nakita niyang napalunok ito ng sinamaan niya ito ng tingin. "You don't have to do this." Kinuha nito ang coat at gamit nito na hawak niya. "I don't like anyone touching my things, understand?"
"Gusto ko lang naman kayong pagsilbihan," nakanguso nitong sabi.
Napatigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi nito Hindi niya maiwasan na lingunin ito at pagkunotan ng noo.
"Why?"
"Ha?"
"Why do you want to serve me?" malamig na tanong ni David kasabay ng blangko nitong mukha."
"Ahh..." Ilang segundo bago nakasagot si Angel sa tanong nito dahil sa gulat, pero napangiti din ito. "Dahil gusto ko kayong pasalamatan."
"I'm not the one who help you nor save you, it's Manang Tessa."
"Alam ko naman. Syempre nagpapasalamat din ako kay Manang Tessa. Pero hindi naman ako makakatira dito kung hindi ka pumayag na patirahin ako sa mansyon mo." Nandoon pa rin ang blangko nitong mukha dahilan para mapalunok siya ng palihim, wala siyang makitang reaksyon sa mukha nito.
"I wouldn't let you stay if Manang Tessa, did not ask for. So you don't owe me anything." Tumalikod na ito saka nagsimula ng maglakad.
"Kahit na. Magpapasalamat pa rin ako sayo," sigaw niya dahil nasa taas na ito.
"I don't need your thanks, just do your job and don't touch my thing ever again."
Napanguso na lang si Angel sa inasta ni David. Napasungit naman talaga ng binata. Mukhang mahihirapan siyang paamuhin ito, but still, she won't give up. Siya pa ba? Hindi niya alam ang salitang pagsuko.