Kabanata 14

1063 Words
Nagising si David na okay na ang pakiramdam. Hindi na mainit at mabigat ang pakiramdam niya. Napahawak siya sa noo ng maramdaman na may nakalagay doon. Bimpo? He thought. His heart became soft when he was thinking Angel was taking care of him all day and night. Hindi ito umalis sa tabi niya. Gising siya habang pinupunasan siya ni Angel oras-oras. Nagpapanggap lang siyang tulog. Deep in his heart, he was touch. Maliban kay Manang Tessa na nag-aalaga sa kanya at kay Denver na tumitingin sa kanya kapag may sakit siya ay wala ng ibang tao pa ang gumagawa nito sa kanya. Napabuntong-hininga siya, aaminin niya na sa nakalipas na araw na iniiwasan niya ang dalaga ay may parte sa kanya na nami-miss niya ang pagiging makulit nito. Wala na kasing nangungulit sa kanya, wala na ding nagsisilbi sa kanya, at nagbibigay ng masarap na kape. Bumangon siya saka naligo. Nang makalabas ng kwarto ay agad niyang hinanap ang dalaga pero wala ito sa sala. Pumasok siya ng kusina para tingnan doon at nagbabakasakali na makita niya ito doon na nagluluto, pero wala din ito doon. Lalabas na sana siya ng mapansin ang pagkain sa mesa, lumapit siya dito saka napansin ang isang note. 'Umalis na ako, Sir David. Total magaling ka na. Tutuparin ko ang pangako ko sa ’yo. Okay lang kahit hindi na kita makausap basta ang importante ay magaling ka na. Kapag umuwi ka sa mansyon, kapag nakita kita ay iiwas agad ako. Pangako, hinding-hindi mo ako makikita. Ang tanging hihilingin ko lang sa ‘yo ay sana ingatan mo ang sarili mo, kumain ka ng mabuti, magpahinga din, at huwag masyadong magpakapagod sa trabaho. Hindi ka bakal para hindi tablan ng sakit. Sana umuwi ka na sa mansyon kasi nami-miss ka na ni Manang Tessa. Ingat ka palagi, David.' - Angel   Bigla siyang nakaramdam ng kaunting kirot sa dibdib niya. Talagang tutuparin ng dalaga ang sinabi nito. Dapat nga ay matuwa siya dahil wala ng mangungulit kapag nasa mansyon siya. He crumpled the paper then throw it to the trash can.   "MANANG," tawag ni Angel kay manang Tessa na nasa kusina at nanonood ng TV. Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng manggaling siya sa condo ni David at alagaan ito ng magkasakit. "Bakit, hija?" Nalulungkot si Angel dahil kailangan niyang tuparin ang pangako niya kay David at mas lalo siyang nalulungkot dahil hindi na niya matutupad ang pangako niya kay Manang Tessa. Pwede pa din naman niyang hindi iwan ang binata, pero nasa malayo nga lang siya nagbabantay. "Manang, sorry po," may lungkot niyang sabi dito. Nagtaka ito. "Para saan?" Sa nakalipas na dalawang araw ay hindi niya kasi binanggit dito ang naging pangako niya kay David. Ngayon niya pa lang sasabihin dahil ngayon pa lang siya naglakas ng loob na sabihin dito. Hindi niya sinabi noong nakaraan dahil ayaw niya itong ma-dissapointed, pero habang hindi niya sinasabi dito ay mas pinapaasa niya lang si Manang Tessa. "Kasi po hindi ko na matutupad ang pangako ko sa ‘yo." Biglang natigilan si Manang Tessa saka napaharap sa kanya. "Bakit? Hindi mo na ba matiis ang ugali niya? May masakit na naman ba siyang sinabi sa ‘yo? Sinaktan ka ba niya?" "Hindi ho, Manang," agad niyang sagot. "Kung hindi, bakit?" May lungkot sa mga mata niya habang nakatitig kay Manang Tessa. "Kasi ho, kailangan kong tuparin ang pangako ko sa kanya." "Ano naman 'yon?" "Ang hindi siya na kulitin kapag umuwi siya dito at dapat hindi na ako magpakita sa kanya." "Ano?" Hindi makapaniwala si Manang Tessa. "Bakit ka naman nangako ng gano’n, hija?" "Kasi Manang, kapag hindi ako nangako sa kanya ay hindi siya iinom ng gamot niya. Masakit para sa akin na mas pipiliin niyang magkasakit na lang kaysa ang pagsilbihan siya, pero kahit gano’n ay ayos lang sa akin basta ang importante ay gumaling siya." Napayuko siya dahil sa pamumuo ng luha sa mga mata niya. "Sorry po, Manang." Napahinga na lang ng malalim ang matanda saka tinapik ang balikat niya. "Okay lang 'yon, anak. Nagpapasalamat ako dahil sinubukan mo naman kahit mahirap. Salamat dahil inalagaan mo siya no’ng may sakit siya. Hindi mo siya pinabayaan." "Hindi naman po mahirap ang pagsilbihan siya, Manang, dahil masaya na ako na napagsisilbihan ko siya." Niyakap siya ni Manang Tessa. Gusto niyang maiyak sa pagyakap nito sa kanya. Nalulungkot sya dahil hindi na niya mapagsisilbihan si David o makakausap. Makikita na lang niya ito sa malayo. Nang gabing iyon ay umuwi si David. Alas-dyes na ng gabi ito nakauwi. Matutulog na sana si Angel ng makaramdam siya ng uhaw kaya napagdesisyonan niyang uminom ng tubig bago matulog. Pumasok siya sa kusina saka uminom ng malamig tubig. Nang nasa sala na siya ay nakarinig siya ng ingay ng sasakyan. Napasilip siya sa garahe at nanlaki ang mga mata ng makita ang sasakyan ni David. Dahil sa gulat ay matagal siyang nakagalaw, doon lang siya bumalik sa katinuan ng marinig ang pagbukas ng pinto. Natataranta siya ng makitang dahan-dahan itong bumukas, dahil sa takot na makita siya nito ay agad siyang nagtago sa likod ng sofa. Damn! Hindi siya na-inform na uuwi pala ang binata ngayon. Kung alam niya lang eh, 'di sana hindi na lang siya bumaba para uminom ng tubig. Eh, 'di sana tiniis na lang niya ang uhaw. Sumilip siya ng kaunti ng marinig niya ang pagsara ng pinto. Napakagat-labi siya nang makita si David. Kahit may kadiliman ang sala ay nakikita niya pa rin ang gwapo nitong mukha. Para tuloy gusto niyang lapitan ito at titigan ng malapitan. Agad siyang nagtago ulit ng bigla itong lumingon sa kinalalagyan niya. Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa bilis ng pagtibok ng puso niya saka lihim na napadasal na sana hindi siya nito nakita. Napasilip ulit siya ng marinig ang mga yapak nito. Nakita niyang papaakyat ito. Nilagay niya ang dalawang kamay sa sofa saka ipinatong ang baba habang nakatingin kay David na kakapasok lang sa kwarto. "Nagsisisi tuloy ako na nangako ako ng gano’n. Nakakainis." Napabuga siya ng hangin. "Bahala na. Ang importante ay umuuwi na siya ngayon. At least nakikita ko siya kahit sa malayo lang. Hays." Tumayo na siya saka pumasok sa kwarto niya. Okay lang na hindi na niya malapitan o makausap ang binata basta ang importante ay makikita niya ito araw-araw. Masaya na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD