Nagbabasa ng newspaper si David ng mapatingin siya sa tasa ng kape na kalalagay lang sa mesa. Agad siyang napatingin sa naglagay nito at gano’n na lang ang pagkadismaya niya ng hindi ang taong inaasahan niya ang nakita. Ibinalik na lang niya ang tingin sa binabasang newspaper.
Ilang araw na ang nakakalipas simula ng umuwi siya ulit sa mansyon at ni minsan ay hindi pa niya nakikita ang dalaga. Iisipin na sana niya baka umalis na ito pero napaisip siya na nandito pa rin ang dalaga dahil sa lasa ng kape. Katulad ito ng timpla ni Angel, kaya alam niya na nandito pa rin ang dalaga sa mansyon.
Noong una ay hindi siya naniniwala na tutuparin talaga ng dalaga ang pangako nito. Akala niya ay nagbibiro lang ito. Kahit gano’n ang nangyari ay hindi pa rin bumalik sa dati ang buhay niya. Wala na ngang nangungulit sa kanya pero para naman siyang baliw na napapatingin na lang sa ibang mga katulong dahil si Angel ang nakikita niya sa mga ito.
"You okay?" tanong ni Denver kay David na umiinom. "May problema ka ba?"
"Nothing," sagot niya saka uminom ng alak sa bote.
"Anong nothing? Wala pa ba 'yan?" Tinuro nito ang limang boteng beer na naubos niya. "Iyan ba ang walang problema?" Hindi pa rin siya nagsalita. Lumapit ito sa kanya saka siya inakbayan. "Tell me, is this about Angel?"
Sinamaan niya ito ng tingin. "How can you tell that it was about that annoying woman?"
"I'm just guessing." Ngumisi ito. "Therefor, tama ba ako o tama ako?"
"f**k off." Inamba niya ito ng suntok kaya agad itong tumayo saka naupo sa kaharap nitong sofa.
"Come on, dude. Kahit hindi mo sabihin, alam ko na siya talaga ang iniisip mo or should I say, ang gumugulo sa boring na buhay ni David Montefalco." Hindi siya sumagot saka tinungga ang bote ng alak. "Nami-miss mo na siya no? Na-miss mo ang pagkamakulit niya? Ganyan din ako noon kay Monicca, dude. Unang-una nakakainis siya kasi ang kulit-kulit niya, para siyang buntot ko at ang ingay-ingay pa niya. Damn, dude, pero kahit gano’n ay na-miss ko siya nang umalis siya. Alam mo 'yon, 'di ba?"
Alam niya ang nangyari ng araw na 'yon dahil kasama siya ni Denver ng habulin nito si Monicca na nasa airport na at aalis na sana papunta sa ibang bansa.
"Kaya ramdam ko 'yang nararamdaman mo, dude. I feel you."
"Tss, after you chase her at the airport, why are you two still friends?"
"May tamang panahon din para diyan, dude. Right now, we're still getting to know each other."
"I don't understand. If you really love her, why don't you woe her?"
"Maiintindihan mo din balang araw, dude, kapag na realize mo na kung ano talaga ang tunay mong nararamdaman para kay Angel."
Tinapunan niya ito ng unan. "And who told you that I have feelings for her? That annoying woman? Impossible."
"Imposible pa ba? Eh, nanggugulo na nga siya sa isip mo. Iniisip mo na nga siya ngayon pa lang."
"Hindi ko siya iniisip, okay? Huwag ka ngang makulit." Uminom na naman siya ng alak. "You're starting to act like her."
"See? Ako na kaibigan mong lalaki ay nakikita mo siya sa akin. Damn, dude!" Tumawa ito pero agad ding nagseryoso. "Hindi mo pa masabi ngayon kasi hindi mo pa inaamin sa sarili mo na unti-unti ka nang nahuhulog sa kanya." Tinapunan niya ito ng bote pero nakailag lang ito. Nainis siya ng tumawa ito ng nakakaloko.
Napailing na lang siya sa pinagsasabi nito.
"AHHH." Nakahinga ng maluwag si Angel ng makainom ng malamig na malamig na tubig. "Hay salamat napawi na din ang uhaw ko."
Kanina pa siya uhaw na uhaw pero pinipigilan niya lang dahil hinihintay niyang makauwi si David. Ayaw niyang mangyari ulit ang nangyari noong nakaraang gabi. Mabuti nang nag-iingat siya. Baka kapag nakita siya ni David ay baka isipin pa nito na hindi siya tumutupad sa usapan nila, kahit minsan gusto niyang baliin ang pangako niya.
Pero iniisip niya na kung hindi niya tutuparin ang pangako niya dito ay baka sa susunod na mangako siya ay hindi na ito maniwala sa kanya dahil wala siyang isang salita. Ayaw niyang mawalan ito ng tiwala sa kanya, lalo na pagdating sa mga pangako.
"Ay multo!" Napatalon siya at nabitawan ang hawak na baso ng sa paglingon niya ay may isang bulto ng katawan ang nabangga niya.
Agad siyang napayuko at tinakpan ang mukha ng makitang si David ang nasa harap niya ngayon. Damn, akala niya ay tulog na ang binata dahil naghintay pa siya kanina ng isang oras simula ng makauwi ito para masiguro na tulog na ito. Pero hindi niya inaasahan na gising pa pala ito at ngayon nga ay nasa harap na niya.
Napakagat-labi siya. "Sorry, Sir." Tatakbo na sana siya ng bigla siya nitong hawakan sa braso dahilan para mapatigil siya.
Napatingin siya sa kamay nito na nakahawak sa braso niya. Biglang may kuryenteng dumaloy sa braso niya papunta sa puso niya dahilan para bumilis ang pagtibok nito.
Agad na binitawan ni David ang pagkakahawak niya kay Angel ng ma-realize ang ginawa.
"Where do you think you’re going?" malamig nitong tanong kay Angel.
"Babalik na po ako sa kwarto," nauutal na sagot ni Angel. Ito ang unang beses na kinausap siya nito simula ng umuwi ito ng mansyon.
"And your just gonna leave the glass that you broke?"
Natameme siya sa sinabi nito. Akala niya kaya siya nito pinigilan ay dahil may iba itong sasabihin, tungkol lang pala sa baso na nabasag niya.
"Clean it," sabi nito saka umalis na.
Napahawak siya sa counter dahil nanghihina ang mga tuhod niya. Damn, sobrang saya niya na kinausap siya ni David, kahit sandali lang, kahit tungkol lang sa baso na nabasag niya.
Pigil ang ngiti niya habang papasok ng kwarto hanggang sa paghiga niya. Noong isang gabi lang ay nagda-drama siya dahil hindi na niya ito nakakausap, at sa malayo na lang niya ito nakikita, pero ngayon ay nakausap na niya ang binata.
Mas napangiti siya ng maisip na baka naman sa susunod na mangyari ay pansinin na talaga siya nito at sasabihing magpakita na siya ulit dito. Nilagay niya ang unan sa mukha saka sumigaw. Sana nga, sana nga iyon ang susunod na mangyari.
Kapag nangyari ang araw na ‘yun ay baka ‘yun na ang pinakamasayang araw niya sa mansyon.