Kabanata 16

2139 Words
"Hoy, Angel." Napatalon si Angel ng bigla siyang kalabitin ni Krizza sa balikat. "Anong ginagawa mo diyan?" Napahawak siya sa dibdib. "Nagulat ako do’n ah. Bakit ka ba nanggugulat?" "Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Para kang magnanakaw sa kinikilos mo eh." "Grabe ka naman, magnanakaw agad?" Bumalik ulit siya sa pwesto niya. "Hindi ba pwedeng tinitingnan ko lang si Sir David." "Bakit?" "Anong bakit?" Hindi niya ito binigyan ng tingin. Nakatitig lang siya kay David na kumakain ng agahan. Nagtatago siya sa pintuan ng kusina. "Bakit mo tinitingnan si Sir David? I mean, bakit hindi mo siya lapitan? Yon naman palagi ang ginagawa mo ah? Kahit sinusungitan ka na ay nakangiti ka pa rin." Napasandal na lang siya pintuan saka napabuntong-hininga. Gusto man niyang lapitan ang binata ay hindi pwede. Actually, pwede naman pero nangako siya at hindi siya pwedeng umatras sa pangako niya dito. Ayaw na din niya na umabot na punto na kamuhian siya ng binata, at hindi na maniwala sa kung ano pa mang sabihin niya. Nagsisisi na talaga siya kung bakit nangako siya ng gano’n. Sana pala iba na lang ang pinangako niya, gaya na lang ng isang linggo o buwan lang siyang hindi magpapakita dito. "Hindi pwede eh." "Bakit hindi pwede?" Tumayo na siya ng matuwid saka tinapik ang balikat ni Krizza. "Mahabang kwento." Kahit kaibigan niya si Krizza ay ayaw niyang magkwento dito tungkol sa nangyari sa kanila ni David at ng pinag-usapan nila ni Manang Tessa. Ayaw niyang may masabi ito. Umalis na sya saka pumasok na ng kusina, sumunod naman sa kanya si Krizza. "Siya nga pala, narinig mo na ba ang tsismis?" sabi ni Krizza ng makalapit sa kanya. "Tsismis ka na naman. Napakatsismosa mo talaga, Krizza." "Hindi naman." Tumawa ito. "So ayon nga, usap-usapan ng ibang mga katulong na sinabi daw ni Daisy na may gusto sa kanya si Sir David." Biglang napantig ang tenga ni Angel sa narinig saka napatingin kay Krizza na nakangisi sa kanya. "Sinabi niya 'yon?" "Akala ko ba ayaw mo ng tsismis? Kapag pagdating talaga kay Sir David ang bilis mo." "Magsasalita ka ba o magsasalita ka?" Tiningnan niya ito ng may pananakot na tingin. "Ito naman, hindi makapaghintay." Tumingin-tingin muna si Krizza sa paligid saka lumapit kay Angel at bumulong, "Iyon na nga, ang sabi-sabi ni Daisy ay may gusto daw sa kanya si Sir David." "Paano niya naman nasabi 'yon?" "Kasi nga simula ng siya na ang magsilbi kay Sir David, ay ni minsan hindi siya nito sinungitan o pinagalitan, hindi kagaya ng sa ‘yo. Mabait daw sa kanya si Sir." Hindi siya nakapagsalita saka naisip ang mga nasaksihan niya nitong mga nakaraang araw. Hindi nga niya nakitang nagalit si David habang si Daisy ang nagsisilbi dito. Para bang kalmado lang ito kapag pinagsisilbihan ito ni Daisy. Hindi kagaya ng sa kanya na kahit wala naman siyang mali ay parang galit pa rin ito sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa puso. Totoo kayang may gusto ito kay Daisy? Kung gano’n, paano na siya?   "Ay sorry," paghingi niya ng paumanhin sa nabangga niyang cart. Nasa grocery store kasi siya ngayon. Siya ang naatasang mamalengke dahil day off ng tagapamalengke ngayon. Siya na ang nag-volunteer para naman makalabas siya paminsan-minsan sa mansyon. Gusto pa sana ni Manang Tessa na samahan ito ni Mang Delfin pero hindi na siya pumayag. Gusto niyang siya lang mag-isa para maging familiar din siya sa mga lugar. Hindi naman kasi pwedeng sa tuwing aalis siya ay palagi na lang niyang kasama si Mang Delfin. Wala ding nagawa si Manang Tessa at para hindi siya mawala ay sinulat ni Manang Tessa ang address ng mansyon. Ayon na nga, hanggang sa makarating siya sa grocery store ay 'yon pa rin ang iniisip niya. Hindi niya namamalayan na lutang na pala siyang naglalakad, kaya ayan tuloy may nabangga siya. "Okay ka lang, miss?" Napatingin siya sa nagmamay-ari ng boses at nagulat dahil sa angkin nitong kagwapohan. Napailing siya sa inasta, para na tuloy siyang nakakita ng alien dahil natulala siya ng makita ang gwapong lalaki na nakabangga niya ng cart. Ito ang unang beses na makapunta siya sa matataong lugar kaya hindi niya maiwasan na mapamangha sa mukha nito, lalo na't ang mga mukha lang ng kasama niya sa mansyon ang lagi niyang nakikita. "Miss, are you okay?" Kumaway ito sa mukha ni Angel. "Ha?" Nahiya siya dahil sa inasta. Lihim siyang napapunas sa bibig, baka kasi tumulo ang laway niya. "Okay ka lang ba? Para kasing natulala ka." "Ha? Ah, oo. Sorry." Napakamot siya sa ulo. Lutang na lutang talaga siya ngayon. Natawa ang binata. "Gano’n ba ako kagwapo para matulala ka?" "Ha?" Mas natawa ito. "Biro lang. I'm Mike Ponce, and you are?" Inilahad nito ang kamay sa kanya. Hindi maiwasan ni Mike na matawa ng pinunasan muna ni Angel ang kamay bago nakipagkamay sa kanya. "Angel." "Angel?" Hinihintay nito na sabihin niya ang kanyang apelyedo. Ngumiti siya dito. "Angel." "Angel, as in Angel lang? Walang last name?" Ngumiti lang si Angel dahil wala din naman kasi siyang maisasagot. "Okay, Angel. Nice to meet you." Ngumiti ito para lumabas ang malalim nitong dimple. "Nice to meet you din." Dahil pareho din naman silang namamalengke ay sinabayan siya ni Mike. Noong una ay nahihiya siya dahil ang gwapo ni Mike, pero kalaunan ay nawala din ang hiya niya ng makita niya na okay din naman pala itong kasama at mabait din. Sinabayan siya nitong kunin ang mga pinamili niya hanggang sa makabayad sila. Tulak pa rin nila ang cart na naglalaman ng mga binili nila ng may mahagilap si Angel. Hindi niya mapigilan ang mga paa na sundan ang taong nakita niya. Nagtaka si Mike kaya naman sinundan siya nito. Ilang beses siya nitong tinawag pero para siyang bingi na walang naririnig. Ang importante lang sa kanya ay mahabol ang taong 'yon. Mabilis ang mga hakbang na ginawa niya para lang mahabol ang lalaking 'yon. "Christian." Kinalabit niya ito. Lumingon ito sa kanya at nagtatakang nakatingin sa kanya. "Sino ka ba, miss? Hindi Christian ang pangalan ko." Hindi siya nakasagot at tulala lang na nakatingin dito.   Lumapit si Mike saka hinawakan ang kamay ni Angel. "Sorry, dude, baka napagkamalan ka lang niyang kakilala niya." "Ayos lang." Umalis na ito. Pinaharap ni Mike si Angel sa kanya na halos magkadikit na ang dalawang kilay na tila ba malalim ang iniisip. "Sino ba si Christian? Iniwan mo talaga ang mga pinamili mo para habulin lang siya." Napaangat ito ng tingin sa kanya. "Hindi ko din alam." Siya naman ang halos magkadikit ang kilay. "Hindi mo alam? Pero kung habulin mo siya, at tawagin parang kilala mo siya." "Hindi ko din alam. Kusa na lang kasing gumalaw ang katawan ko ng makita ko siya." "Ha? Nagugulohan ako sa ‘yo." Pinagmamasdan niya ang mukha ng dalaga. "Arrgh!" Biglang napahawak si Angel sa sariling ulo ng kumirot ito. "Angel?" Nabigla siya. "Hey! Anong nangyayari sa ‘yo?" "Masakit ang ulo ko." Natataranta si Mike ng makita ang mukha ni Angel na nasasaktan.   INILAGAY ni Mike sa mesa ang isang baso ng tubig sa harap ni Angel saka naupo sa kaharap nitong upuan. "Okay ka na o masakit pa rin ang ulo mo?" Ininom ni Angel ang tubig. "Oo, okay na ako. Salamat." “Are you sure? Baka sumasakit pa rin ang ulo mo. Do you want me to take to the hospital?” Winawagayway nito ang dalawang kamay bilang pagtanggi. “Hindi na kailangan. Mabuti na ang pakiramdam ko.” Tinitigan niya ng mabuti ang dalaga. Mas maayos na nga ang itsura nito kaysa kanina. Kanina kasi ay makikita talaga sa mukha nito na nasasaktan ito, ngayon ay maayos na ito, at nakakangiti na. "Ano nga pa lang nangyari sa ‘yo kanina? If you don't mind." Kahit bago lang sila nagkakilala ni Mike ay kinuwento pa rin ni Angel ang nangyari sa kanya. Magaan naman ang loob niya sa binata at ito din ang tumulong sa kanya ng sumakit ang ulo niya kanina. "Kaya pala." Napatango-tango ito. "Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring naaalala?" Malungkot na ngumiti saka umiling si Angel. "Wala pa din eh." "Kahit ang Christian na 'yon?" Umiling ulit siya. "Hindi ko nga alam kung sino siya o kung bakit ng makita ko siya ay Christian agad na pangalan ang lumabas sa bibig ko." "Baka isa siya sa malapit sa ‘yo. You know, best friend, relative, boyfriend or fiancee?" Napabuntong-hininga siya. "Ewan. Kahit katiting talaga ay wala akong maalala, ni pangalan ko nga ay hindi ko maalala." "That explain kung bakit Angel, lang ang pakilala mo sa akin." Ngumiti lang siya dito. "Have you tried searching for your family or kung sino ka talaga?" Umiling siya. "Hindi eh." "Bakit?" "Hindi ko kasi alam kung saan mag-uumpisa. Hindi ko din kasi pinipilit na makaalaala dahil sumasakit lang ang ulo ko. Para akong naghahanap ng ilaw sa isang madilim na kweba. Hindi alam kung saan mag-uumpisa." Tumango ito bilang sang-ayon. "May nabasa talaga akong ganyan. The more you try to remember, the more na sasakit ang ulo mo. Para mo kasing pinipiga ang utak mo para makaalaala kaya siya sumasakit. Para ka ding pumipiga ng damit na kahit anong piga mo ay walang tubig na lalabas." "Kaya nga hihintayin ko na lang kung kailan ako makakaalala. Total may natutuluyan naman ako, at mababait naman ang mga kasama ko sa mansyon kaya hindi ko din ramdam na mag-isa ako." "That's good to hear." Ngumiti si Mike sa kanya. Napatingin si Angel sa wall clock ng resto at nanlaki ang mga mata ng mag-aala-sais na. Agad siyang napatayo. "Naku, malapit na pa lang mag-aala-sais. Sigurado akong nag-aalala na sa akin si Manang Tessa." Kinuha niya ang mga pinamili. "Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin, Mike, pero kailangan ko ng umuwi." "Ihahatid na kita," presenta nito saka tumayo na din. "Hindi na. Nakakahiya na sa ‘yo, baka mas lalo na kitang naaabala." "Hindi ka abala sa akin." "Pero---" "I insist. Mas mabuti ng mahatid kita para masigurado kong ligtas kang makakauwi." Makikita sa mukha ni Angel na nagdadalawang-isip siya. "Please?" Napabuga na lang siya ng hangin. "Sige na nga." Nahihiya na din kasi siyang tanggihan ito dahil gusto lang naman nito na tulungan siya, but she still refuse. Total, magaan naman ang loob niya dito ay pumayag na siya. Ngumiti si Mike saka ito na ang nagbitbit ng mga pinamili niya. Masaya si Angel dahil nakakilala siya ng isang gaya ni Mike na mabait. "Dito ka pala nakatira?" Tumingin ito sa malaking mansyon. "Oo, ang mga taong nakatira din dyan ang tumulong sa akin. Kung hindi nila ako tinulungan, hindi ko alam kung buhay pa ba ako hanggang ngayon." "Buti na lang pala ang tinulungan ka nila, kasi kung hindi dahil sa kanila ay hindi kita makikilala ngayong araw." Ibinigay ni Mike ang mga pinamili niya. "Salamat talaga sa paghatid mo ha, pati na din sa pagtulong mo sa akin." "Wala 'yon. Magkaibigan naman na tayo, 'di ba?" "Oo naman." Biglang natulala si Mike sa magandang ngiti na binigay ni Angel. "Hayaan mo, mababayaran din kita sa tulong na ginawa mo sa akin ngayong araw." "Ilibre mo na lang ako ng lunch, bayad ka na sa akin." "Talaga?" Tumango ito. "Sabi mo 'yan ha? Pero hindi muna kita malilibre ngayon, siguro kapag sweldo ko na." "Asahan ko 'yan." "Sige, papasok na ako. Salamat ulit." Papasok na sana siya ng tawagin siya ulit ni Mike dahilan para lingunin niya ito. "Bakit?" "Pwede ko bang mahiningi ang number mo?" Napakamot sa ulo si Angel. "Wala akong cellphone eh." "Kung gano’n, paano kita masisingil sa utang mo?" "Oo nga no." Napaisip naman siya saka napangiti. "Alam ko na, ibibigay ko na lang sa ‘yo ang telephone number ng mansyon at doon mo na lang ako tawagan." "Sige." Inilagay niya sa cellphone ni Mike ang number ng mansyon saka ibinalik ito sa binata. "Sige, aalis na ako. See you." "Bye, ingat ka sa pagmamaneho." Kumaway siya dito habang nakangiti. Doon lang siya nagdesisyon na pumasok ng hindi na niya makita ang sasakyan ni Mike. Sa pagtalikod nya ay napaaray siya ng may mabangga. Napahawak siya sa ilong niya at nanlaki ang mga mata ng mapaisip na parang nangyari na ito kaya naman napaangat agad siya ng tingin at tama nga ang hinala niya. Napakagat-labi siya saka tinakpan ang mukha. “Sorry po, Sir." Aalis na sana siya ng magsalita ito. "Sino ‘yong naghatid sa ‘yo?" Nanginig siya bigla sa naging tanong nito. Para kasi itong galit. Galit kaya ito dahil nakita nito ang pagmumukha niya? Baka isipin nito na hindi siya tumutupad sa usapan. "Si Mike po, bagong kaibigan. Sorry po ulit, Sir." Magsasalita pa sana si David, pero agad na siyang tumakbo palayo bago pa siya pagalitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD