Kabanata 17

1270 Words
Nagngingitngit sa inis si Angel habang nakatingin kay David na nakaupo at kay Daisy na ngiting-ngiti habang pinagsisilbihan ang binata. Salita ng salita si Daisy habang nakangiti na para bang may masaya itong kinukwento at ang mas nakakainis pa ay hindi niya alam kung nagsasalita din ba ang binata dahil nakatalikod ito sa kinaroroonan niya. Naiinis na siya, sa sobrang inis niya ay nagpapadyak na siya. Dahil sa lakas ng pagkakapadyak niya ay napalingon ng sabay sina Daisy at David sa kinaroroonan niya kaya agad naman siyang napatago. Napahawak siya sa dibdib dahil sa bilis ng t***k ng puso niya. Muntik na siyang makita ni David dahil sa katangahan niya. Napanguso siya, hindi naman niya sinasadya na mapalakas ang pagpadyak. Talagang inis na inis na talaga siya kay Daisy. Ang kapal ng mukha nito para makipag-usap sa David niya. Oo, David niya dahil sa kanya lang ito. Dapat siya lang ang makapagpangiti dito at hindi ang Daisy na 'yon. Dapat siya lang din ang kausap nito. Naiinis na talaga siya. Napasilip siya sa bintana ng marinig ang ingay ng sasakyan. Napatingin siya sa pintuan ng may pumasok, napangiwi siya ng makita si Daisy na may malaking ngiti sa labi. "Ang bait talaga ni Sir David sa akin," kinikilig nitong sabi. "Ni minsan hindi ako pinagalitan o sinungitan, hindi katulad ng iba diyan," pagpaparinig nito sa kanya. Napaikot na lang siya ng mata. "Paki ko." "Ha!" Napatawa ito. "Naiingit ka lang." "At bakit naman ako maiinggit, aber?" Pinamewangan niya ito sabay taas ng kanang kilay niya. "Kasi mabait sa akin si Sir. Eh, sa ‘yo? Ilang beses mo na siyang pinagsilbihan, pero sinusungitan ka pa rin niya, ako ni minsan ay hindi niya ako sinungitan." "Wala akong pakialam, kuha mo?" Pinaikotan niya ulit ito ng mata bago umalis ng kusina. Padabog at mahinang sumigaw siya ng makarating sa harden. "Nakakainis! Sarap niyang suntokin sa mukha." Naiinis talaga siya sa Daisy na 'yon. Para kasi kung sinong maganda, hindi naman. Mas maganda kaya siya. Mas naiinis siya dahil pinapamukha nito kanya ang trato ni David dito. "Eh, ano naman kung mabait si David sa kanya? Hindi porque mabait sa kanya si David ay may gusto na kanya. Kung makaasta akala mo nililigawan siya. Akala mo maganda, hindi naman. Mas maganda kaya ako sa kanya. Duhh!" Marami pa siyang sinasabi dahil sa galit niya habang nagdadabog. Sa sobrang inis niya ay hindi niya namamalayan na may tao pala na lumapit sa kanya. "Tss, paki ko sa kanya. Paki ko sa kanila. Wala akong paki sa kanila. Magsama sila!" galit niyang sabi habang hawak ang walis. "Who are you talking?" "Ay multo!" Napatalon siya sa gulat. Bakit ba sa tuwing nagugulat siya ay napapatalon siya? May lahi ba siyang palaka o baka naman palaka siya noon? Naiinis siyang lumingon sa gumulat sa kanya, pero agad ding nawala ang inis niya ng makita na si David pala ang kaharap. Napayuko siya at gaya ng ginagawa niya noon ay tinakpan niya ang mukha niya para hindi nito makita. "What are you doing?" "Nakatayo po." "What do you think of me?" Sinamaan siya nito ng tingin. "Idiot? Of course, I know what you are doing. What I mean is, why are you talking to yourself? Are you crazy?" Napakagat-labi siya. "And why are you covering your face?" Napaiwas siya ng tingin ng inalis nito ang kamay niya na nakatakip sa mukha niya. Pilit niyang binabawi ang kamay pero mas malakas sa kanya ang binata kaya hindi niya ito mabawi-bawi kahit anong gawin niya. "Di ba umalis ka na?" "I came back." "Bakit?" "I left some documents." "Ahh, okay." Napatango siya. "Yong kamay ko, Sir." Sinubukan niyang kunin ulit ang kamay niya, pero hindi pa rin binitawan ni David. Mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "You still didn't answer my question." "Saan po do’n?" "Why are you covering your face?" "Ahh 'yon ba?" Hindi niya matingnan sa mga mata ang binata, kaya naman iwas na iwas siya kapag tinitingnan siya nito. "Di ba nangako ako sa ‘yo na hindi mo na makikita ang mukha ko kapag magaling ka na, tinutupad ko lang pangako ko." Hindi nakaimik si David, binitawan na nito ang kamay niya. Nakayuko pa rin siya at hindi tumitingin dito. Baka kasi bigla na naman itong magalit kapag nakita ang pagmumukha niya. Nakita niyang tumalikod ito saka naglakad na. Napatingin siya sa likod nito. Bigla itong huminto, pero hindi lumingon. "You don't have to keep that promise," sabi nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Hindi makapaniwala sa narinig o baka naman pinaglalaruan lang siya ng pandinig niya. Pero. Napatingin ulit siya sa dinaanan ni David. Wala na ito doon, pero hanggang ngayon ay naririnig niya pa rin ang sinabi nito kani-kanina lang. Kinurot niya ang sarili niyang braso, baka kasi nananaginip lang siya ngayon. Nang maramdaman ang sakit ay doon niya napagtanto na hindi nga siya nananaginip at totoo ang narinig niyang sinabi ni David sa kanya. Unti-unting lumabas sa mga labi niya ang isang ngiti. Napahawak siya sa labi para pigilan ang mas paglaki ng ngiti niya, pero damn! Hindi niya mapigilan. Umabot na hanggang mata ang ngiti niya.   Maagang umuwi si David, nasa sala ito at nagme-merienda. Si Daisy pa rin ang nagsisilbi dito. Nakangiti ito habang pinagsisilbihan ang binata. Nakasimangot pa rin si Angel kahit na sinabi na ng binata na hindi na nito kailangan na tuparin ang pangako niya, pero hindi niya pa rin malapitan ang binata. Siya dapat kasi ang magsisilbi dito, pero inunahan lang siya ni Daisy dahil baka daw ma-bad mood si David sa kanya. Mabuti na daw na ito ang magsilbi para hindi ito magalit. Wala siyang nagawa ng tuluyan na nitong kunin ang tray na may merienda sa kanya. Kaya ngayon ay hindi maipinta ang mukha niya. "Nakakainis, masyadong pabida." "Hayaan mo na." Tinapik ni Krizza ang balikat niya. "Matagal na kasi niyang gusto si Sir David." "Matagal na?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa dalawa. "Oo no, simula pa nang unang pasok niya dito. Na love at first kaya siya kay Sir David. Sabagay, sa gwapo ba naman ni Sir, imposible na hindi magkakagusto sa kanya ang mga babae." "Ilang taon na bang nagtatrabaho si Daisy dito?" "3 years na ata." "Ibig sabihin tatlong taon na siyang may gusto kay David?" Napatingin si Krizza sa kanya kaya agad siyang nagsalita. "Kay Sir David, I mean kay Sir David." "Gano’n na nga." "Pero bakit parang ngayon lang siya mukhang nakalapit kay Sir David?" pag-uusisa niya. "Eh, kasi natatakot 'yan dati kay Sir, ikaw ba naman ang laging pagalitan o sigawan. Sino ba naman ang maglalakas-loob na lapitan si Sir David? Kaya nga sabi ko sa ‘yo, bilib din ako sa ‘yo dahil ang lakas ng loob mo na kausapin si Sir. Kahit na pinapagalitan ka niya ay nakangiti ka pa rin." Hindi na siya nagsalita pa saka napatingin kay Daisy na nakangiti. Magkatulad pala sila ng nararamdaman para kay David. Pumunta siya sa gawi ng telepono ng mag-ring ito saka ito sinagot. "Hello, Montefalco mansion. Sino po sila?" "Angel?" Napakunot-noo siya dahil kilala ng tumatawag siya. "It's me, Mike." "Oy, Mike." Napangiti siya ng makilala ang boses nito. "Napatawag ka?" "Gusto sana kitang imbetahin na mag-dinner bukas. Libre ka ba bukas ng gabi?" "Hmm." Napaisip naman siya. "Wala naman akong gagawin. Okay, sige." "Great. Susunduin kita bukas." "Sige." "Okay, see you." Binaba na niya ang telepono ng may ngiti saka bumalik sa kusina. Sa sobrang saya ni Angel ay hindi niya namalayan na nakatingin pala sa kanya si David.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD