Kabanata 18

1523 Words
Nagkasalubong ang dalawang kilay ni David ng sa pagpasok niya sa mansyon ay may nakita siyang lalaking prenteng nakaupo sa sofa. Nagtaka siya dahil hindi niya kilala ang lalaki at wala pa namang kahit na sino ang nakakapunta dito sa mansyon niya ng hindi niya alam. Lumapit siya dito, hindi pa man siya nakakapagtanong ay biglang lumapit si Manang Tessa at binigyan ito ng juice. Nagtataka siya dahil hindi din naman basta-basta nagpapasok si Manang Tessa ng kung sino-sino lang. "Ito na ang juice mo, hijo." Inilahad nito sa binata ang hawak nitong isang baso ng juice. "Maraming salamat po, Manang Tessa." Agad nitong kinuha ang juice. "Lalabas na din si Angel, maya-maya." "Okay lang po kahit matagal siya. Hindi naman po dapat minamadali ang mga babae. I'm willing to wait." Ngumiti ito dahilan para lumabas ang malalim nitong dimple. "Manang," tawag niya dito. Para kasing hindi siya nakita ni Manang Tessa ng makalapit siya. "Sino siya?" Turo niya sa bisita gamit ang kanyang mga tingin. "Hindi ko alam na may bisita pala tayo." Napatingin si Mike sa kanya. "Si Mike pala, kaibigan ni Angel." Pagpapakilala ni Manang Tessa dito. "Mike Ponce, dude." Inilahad nito ang kamay nito sa kanya pero hindi niya ito tinanggap. Tumingin siya kay Manang Tessa. "Hindi ba't kabilin-bilinan ko Manang, na huwag magpapasok ng kung sino-sino sa mansyon." Binawi ni Mike ang kamay, pero may ngiti pa rin ang labi nito. "Eh, kaibigan naman siya ni Angel." "And so? That's not enough reason to let a stranger in." Sasagot pa sana si Manang Tessa ng biglang dumating si Angel ng naka-dress ng kulay pink. Natulala si David sa nakita. Mas lalong pumuti si Angel sa suot nito at mas lalong gumanda ng ngumiti ito, pero hindi sa kanya. Bigla tuloy pumangit sa paningin niya ang ngiti nito. Mas maganda sana ang ngiti nito kung para sa kanya. "Pasensya na kung natagalan ako, Mike," nahihiya nitong sabi dahilan para mas magtagpo ang dalawa niyang kilay. Ngayon niya lang nakita ang ganitong ugali ni Angel, ang mahiyain. "Okay lang." Lumapit si Angel kay Mike. "Ihahatid ko ng maaga si Angel, Manang." "Oh sige, ingatan mo si Angel," paalala nito sa binata. "Opo, Manang." Nakaramdam siya ng inis dahil para lang siyang hangin. Kung makapag-usap ang tatlo ay parang wala siya, parang hindi siya nakikita ng mga ito. Sa pagkakaalam niya ay hindi naman siya multo para hindi siya makita ng mga ito. "Where are you going at this hour?" malamig na tanong ni David, na kay Angel nakatingin. "Kakain lang po sa labas, Sir," sagot ni Angel. "At this hour? Without informing me?" "Ah, ano kasi." Napatingin si Angel kay Manang Tessa. "Nagpaalam na ako kay Manang Tessa." "But not in me," malamig pa rin ang tono ng pananalita nito. "I'm the owner of the mansion, so I have the right to know." "K-kasi..." Hindi alam ni Angel kung anong sasabihin kaya tumingin na lang siya kay Manang Tessa para humingi ng tulong. "Sige na, hija. Umalis na kayo ni Mike." Ngumiti si Mike kay Manang Tessa. "Iuwi mo ng maaga si Angel, at ingatan mo." "Pangako, Manang." Inalalayan ni Mike si Angel palabas ng mansyon. "H-hey!" Tawag niya sa dalawa, pero nagpatuloy pa rin ito sa paglakad. "I'm not finish yet." Nainis siya ng hindi man lang lumingon ang dalawa. "Manang," tawag niya sa katabi niya. "Hayaan mo na sila. Simula ng dumating si Angel, dito ay hindi pa siya nakakalabas. Ngayon lang siya lalabas na kasama ang kaibigan niya." "Friend? When did she--- Aray!" Napa-aray siya ng hampasin siya ni Manang Tessa sa braso. "Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na kapag ako ang kausap mo ay magtagalog ka. Mahirap intindihin, David?" Huminga ng malalim si David para pakalmahin ang sarili. "Paano ba niya naging kaibigan ang lalaking 'yon? May naalala na ba siya?" "Wala pa. Noong isang araw niya lang nakilala si Mike habang namamalengke sa grocery store." "Noong isang araw? How can she easily trust someone who she just met?" Pinandilatan siya ng mata ni Manang Tessa. "What I mean is---" Napabuntong-hininga siya. "Ang ibig kong sabihin---" Itinaas nito ang palad para tumigil siya sa pagsasalita. "Tumigil ka na. Ano ba namang masama kung lumabas si Angel kasama ang bago niyang kaibigan?" "Hindi niya kilala ang lalaking 'yon, Manang. Paano na lang kung masama pala 'yon? Eh, di napahamak pa siya." "Mukhang mabait naman ang batang 'yon." "Ikaw na mismo ang nagsabi, Manang, mukhang mabait. Mukha lang. Hindi ka sigurado." Napabuntong-hininga na lang si Manang Tessa. "Ano bang ikinagagalit mo?" Biglang natahimik si David sa naging tanong nito. "Ang ikinagagalit mo ba ay hindi siya nagpaalam sa ‘yo, o baka naman," talagang sinadya ni Manang Tessa na putulin ang sinasabi. "baka naman nagseselos ka." "Ako?" Turo niya ang sarili. "Nagseselos? Come on, Manang. Isang malaking imposible 'yan at bakit naman ako magseselos?" "Dahil baka may gusto ka na kay Angel," deritso nitong sabi. Natawa siya saka napailing. "Imposible talaga 'yang sinasabi mo, Manang. Bakit ko naman magugustohan ang babaeng 'yon? Wala siyang katangian na maaari kong magustohan." "Kung gano’n, bakit ka nagagalit na lumabas siya na kasama si Mike?" Natahimik siya bigla pero agad din na sumagot. "Dahil hindi niya lubusan na kilala ang lalaking 'yon. Kapag napahamak ang babaeng 'yon, kargo pa natin dahil dito nakatira." "Yon lang ba talaga?" Tiningnan siya ni Manang Tessa ng nagtatanong, tila hindi naniniwala sa sinasabi niya at may iba na pinapahiwatig. "That's all, at huwag mo ng ipilit 'yang sinasabi mo dahil kahit kailan ay hinding-hindi ko magugustohan ang babaeng 'yon." Tumalikod na siya saka naiinis na pumunta sa kwarto niya. Naiinis siya dahil kahit anong walang kwenta ang pinagsasabi ni Manang Tessa.   "MUKHANG ang mahal naman dito, Mike." Napamangha si Angel ng makapasok sila sa isang magandang restaurant. "Hindi naman and don't worry, libre ko naman itong dinner natin." Pinaghila siya nito ng upuan. "Thank you." Ngumiti si Mike saka naupo sa kaharap nyang upuan. "Mas lalong lalaki ang utang ko niyan sa ‘yo." "Kahit kwek-kwek lang sa labas, okay na ako." "Talaga lang ah?" Kinuha niya ang inabot nitong menu. "Baka mamaya sa ganitong mamahalin na restaurant mo gustong kumain. Ay nako Mike, mamumulubi ako sa ‘yo nyan kapag gano’n." Natawa ito. "Hindi nga. Okay na ako sa mga streets food, hindi naman ako mapili sa pagkain eh." "Eh, bakit dito mo ako dinala?" Medyo inilapit niya ang mukha dito saka bumulong, "Doon na lang tayo, mukha mahal talaga dito eh." Natawa si Mike saka hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa mesa. "I told you, you don't have to worry. First date natin 'to kaya kailangan na special." Napabuntong-hininga na lang siya. "Sige na nga." Wala din naman siyang magagawa dahil ito naman ang magbabayad ng kakainin nila. "Um-order ka na." "Ikaw na kaya, hindi ko din naman kasi alam kung alin ang masarap dito," sabi niya saka binaba ang menu sa mesa. Mukhang lahat naman ng pagkain na nasa menu ay masasarap, pero namamahalan siya. Baka kapag um-order siya ay malaki ang mababayaran ni Mike. Nakakahiya naman kapag gano’n. "Okay." Sa buong oras na kumakain sila ay nagkwentohan sila. Nang nasa mall sila ay si Angel ang nagkukwento, this time ay si Mike naman ang nagkukwento sa tungkol sa sarili nito. Sa buong oras na magkasama sila ay tumatawa lang sila at hindi na naaalis sa mukha ni Angel ang ngiti. Talagang masaya siya kapag kasama si Mike. Magaan na magaan kasi talaga ang loob niya dito. Bago pa mag-alas nuwebe ay hinatid na ni Mike si Angel sa mansyon. "Salamat sa libre mo ha. Sana maulit," biro niya. "Oo naman," nakangiti nitong sabi. "Biro lang.” Tumawa siya. Kahit ano na lang talaga pinaniniwalaan nito basta sinabi niya. “Sa susunod ako na naman ang manlilibre sa ‘yo. Para naman makabawi ako sa kabaitan mo sa akin." "Asahan ko 'yan." "Syempre kapag may sahod na ako." Sabay silang natawa. "Sige. Papasok na ako. Thank you ulit sa lahat, Mike, at mag-iingat ka sa pag-uwi mo." Nagpaalam na sila sa isa't-isa kaya naman pumasok na si Angel. Nang makapasok sa bahay ay nadatnan niya si David na nakaupo sa sofa. "Good evening, Sir David. Bakit gising pa kayo?" tanong niya dito habang nakangiti ng maganda. Malamig na nakatingin sa kanya ang binata kaya hindi niya maiwasan na mapalunok. Bakit ba parang galit na naman ito sa kanya? Wala naman siyang ginawang masama ah. Napakagat-labi ito. Baka galit ito dahil hindi siya nagpaalam dito na aalis siya kasama si Mike.  "Buti naisipan mo pang umuwi." Napalabi siya. "Maaga pa naman po ah. Wala pa ngang alas-nuwebe." Hindi ito nagsalita at taimtim lang siya nitong tinitigan dahilan para makaramdam siya ng pagkailang. Pakiramdaman niya ay galit, ito pero wala naman siyang masamang ginawa maliban sa hindi siya nagpaalam dito kanina. Hindi naman siya nagpagabi talaga gaya ng pangako niya kay Manang Tessa. Tumayo na ito . "Next time be at home before eight." Sabi nito saka umalis. Napakunot-noo siya, hindi maintindihan ang inasta ng binata. Napailing na lang siya saka pumasok sa kwarto. Weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD