Kabanata 19

1173 Words
Kagaya noon ay nakangiti pa rin si Daisy habang pinagsisilbihan si David. Lihim siyang napalunok ng makitang wala sa mood ang binata. Ang aga-aga ay parang may kaaway na ito. Sino naman kaya ang taong nagpagalit dito? "Kape niyo po, Sir David." Inilagay ni Daisy ang kape sa mesa. Hindi siya pinansin nito, ni lingon man lang ay wala. "Damn it!" galit na sigaw ni David pagkatapos inumin ang kape. Napaatras si Daisy dahil pabagsak na nilagay ni David ang tasa ng kape dahilan para matapon ang laman nito. Kinabahan siya dahil ito ang unang beses na nasigawan siya nito. "Sino ang nagtimpla ng kapeng 'to?" Napalunok siya dahil sa uri ng boses nito. Natatakot siya dahil parang ang laki ng kasalanan niya sa uri ng tingin nito sa kanya. "A-ako po." Nanginginig na sya sa kaba at takot. "Bakit po? May masama po ba sa kape?" Si Angel sana ang magtitimpla ng kape kanina, pero pinigilan niya dahil gusto niyang siya naman ang magtimpla para sa binata, para mas matuwa ito sa kanya kapag nalaman nito na siya ang nagtimpla ng kape nito. Lagi na lang kasing si Angel ang nagtitimpla. "This coffee taste like shit." Malapit na siyang maiyak dahil sa pagsigaw nito sa kanya, tila galit na galit. "Next time, if you don't know how to make coffee then don't. Don't waste it!" galit nitong sabi saka tumayo at umalis. Nang tuluyan ng makaalis si David ay doon na nagsitulo ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Hindi niya alam kung ano ang problema sa tinimpla niyang kape. Tinikman naman niya ito at okay naman, pero bakit galit ang binata? Naaawang nakatingin si Angel kay Daisy. Naiinis man siya dahil umeepal ito sa tuwing siya ang magsisilbi sa binata ay naaawa pa rin siya dito. Alam niya ang pakiramdam ng sigawan at pagalitan ng taong gusto mo dahil 'yon din ang nararamdaman niya. Magkaiba nga lang sila dahil kahit pinapagalitan siya ay nakangiti pa rin siya, hindi dinidibdib ang sakit na mga salitang sinasabi nito. Kahit kasi galit ang binata ay masaya naman siya sa tuwing nakikita ito. Hindi kagaya ni Daisy, nakangiti nga habang pinagsisilbihan ang binata pero nasigawan lang siya ay umiyak na agad. Masyadong mahina ang loob. Paano nito mapapaamo ang binata kung simpleng pagsigaw lang nito ay iiyak na kaagad. Mabuti na lang at hindi siya gano’n. Malakas ang loob niya at syempre makapal na din ang mukha. Natawa siya sa naisip niya. Kinabukasan ay hindi na si Daisy ang nagsilbi dahil natatakot na itong masigawan ulit. Wala namang ni isa sa mga katulong ang gustong lumabas kaya naman si Angel ulit ang nagsilbi. Tahimik siyang lumapit dito saka inilagay ang kape. Hindi siya nito nilingon saka ininom ang kape, bigla itong natigilan sa pag-inom saka napatingin sa kanya. Ngumiti siya dito ng matamis. Dahil sa si Angel ang nagbigay ng kape kay David ay agad siyang napatingin sa baso dahil sa tuwing nagbibigay ito ng kape sa kanya ay palagi itong may sticky note. 'Wag mong pagtagpoin ang dalawa mong kilay, masyado kang gumagwapo. Good morning, Mr. Montefalco.' Napatiim bagang siya dahil pinipigilan niya ang pag-arko ng ngiti niya sa labi. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-inom. "Masarap po ba, Sir," may panunuksong tonong tanong ni Angel. Hindi ito sumagot pero nakangiti pa rin siya. Mas napangiti siya dahil hindi man nito sabihin, pero nararamdaman niya na hinahanap na nito ang timpla ng kanyang kape. Tumayo na ito. "Ingat, Sir." Nakangiti siyang kumaway kahit na hindi siya nito pinapansin, ni lingon ay wala. Naiiling na lumapit si Krizza sa kanya habang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas si David. "Bilib na talaga ako sa ‘yo, kaibigan." Ngisi lamang ang sinagot niya dito. "Akalain mo 'yon, first time na hindi ka niya pinagalitan at ang tibay mo pa ah." Natatawa si Angel sa sinabi ng kaibigan, pero bigla ding nawala ang ngiti niya ng makita niya si Daisy na ang sama ng tingin sa kanya habang papalapit. "Akala mo ba nanalo ka na ngayon? Pwes! Sinasabi ko sa ‘yo, hindi pa tapos ang laban natin." Nanliliit ang mga mata nito sa galit. "Hindi naman ito laro, Daisy. Hindi tayo magkalaban." "Magkalaban tayo!" giit niya. "May gusto ako sa kanya at kahit hindi mo sabihin ay alam ko na may gusto ka din sa kanya. Nakikita ko kung paano ka tumingin sa kanya at hindi ako bulag kaya huwag kang mag-deny!" "Sabihin na nga nating may gusto nga ako sa kanya, pero hindi ibig sabihin ay kinakalaban na kita." "Kalaban kita. Paano kita hindi magiging kalaban kung may gusto ka din sa kanya. Basta itong tatandaan mo." Tinuro siya nito. "Hinding-hindi ako magpapatalo sa ‘yo. Sa ngayon siguro ay hindi siya galit sa ‘yo, pero kapag dumating ang araw na sinigawan ka niya gaya ng pagsigaw niya sa akin kahapon, ako mismo ang unang tatawa. Tatawanan kita hanggang sa sumakit ang tiyan ko." Hindi na siya nakasagot ng umalis ito. Hindi niya akalain na ang laki pala ng galit ni Daisy sa kanya. Wala naman siyang ginawa para masabi nito na kinakalaban niya ito sa binata. Ginagawa lang naman niya ang gusto niya at ang nagpapasaya sa kanya. "Ramdam ko talaga, besh. Ramdam ko talaga ang selos niya at galit sa ‘yo." Napailing ito saka sinamaan siya ng tingin. "Ikaw ha, ilang beses kitang tinanong ng paulit-ulit kung may gusto ka ba kay Sir David, pero paulit-ulit mo ding sinasagot ng wala. Nakakainis ka! Kaibigan mo ako, pero naglilihim ka sa akin," nagtatampo nitong sabi sabay irap. Nakaramdam naman siya ng konsensya dahil sa lahat ng tao dito sa mansyon, maliban kay Manang Tessa, ay si Krizza ang pinakamalapit niyang kaibigan. Simula pa lang nang una siyang magtrabaho dito ay ito na ang kasama niya. "Sorry naman." Niyakap niya ito mula sa likod bilang paglalambing. "Ewan ko sa ‘yo. Galit ako sa ‘yo." Kumalas ito sa pagkakayakap niya dahilan para makaramdam siya ng kaunting kirot sa puso. Mukhang nagtatampo talaga ang kaibigan niya. Kasalanan din naman niya eh. Naglihim siya dito. "Hindi ko naman gusto na maglihim sa ‘yo, pero natatakot kasi ako na baka isipin mo na imposible na magkagusto agad ako kay Sir David, baka isipin mo na pera niya lang ang habol ko." "Ay nako, Ange! Ako ang kahuli-hulihang tao ang mag-iisip ng ganyan sa ‘yo. Kahit na kailan lang tayo nagkakilala ay alam ko na hindi ka gano’ng tao." Biglang namuo ang mga luha niya. Parang may humaplos sa puso niya sa sinabi nito kaya niyakap niya ito bigla. "Waah, Krizza! Tunay ka talagang kaibigan." "Sige na, sige na. Huwag ka ng umiyak, pumapangit ka eh." Napasingot siya saka napanguso. "Bati na tayo?" "Oo na, pero ipangako mo sa akin na hindi ka na maglilihim sa akin." Tumango siya. "Pangako." Itinaas niya pa ang kanang kamay niya bilang pangako dito. "Hmph! Kung hindi lang kita mahal." "Aww. Okay lang ‘yan, Krizza, mahal din naman kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD