Kanata 20

947 Words
"Baliw ka talaga." Tumatawa si Angel habang kausap si Mike sa kabilang linya. "Oh tapos? Anong nangyari?" Kunot na kunot ang kilay ni David ng makita itong tumatawa. Lumapit siya dito, nagbabakasakali na marining kung sino man ang katawag nito at kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito dahilan para tumawa ang dalaga. Pero sa kasamaang palad ay hindi niya marinig. Naiinis na siya dahil tumatawa ang dalaga at mas naiinis siya dahil iba ang nagpapatawa dito. "Ahem!" Tumikhim siya dahilan para mapalingon sa kanya ang dalaga. "It's working hour," malamig niyang sabi. Napalingon ito sa kanya saka napayuko. Tinakpan nito ang transmitter ng telepono. "Sorry po," paghingi ng paumanhin ni Angel saka ibinalik sa tenga ang telepono. "Sige Mike, mamaya na lang. May trabaho pa kasi ako. Bye." Napantig ang tenga niya ng marinig ang pangalan ni Mike. It turns out na si Mike pala ang kausap nito at katawanan pa. Nainis siya dahil kabago-bago lang nito magkakilala ay close na agad. Ang bilis naman ata nitong magtiwala sa mga taong kakikilala lang. Paano na lang kung masamang tao ang nakilala nito? Eh, 'di napahamak ito. Hindi niya alam kung ugali na ba talaga ng dalaga ang mabilis magtiwala. Sa sobrang pag-iisip niya ay hindi niya namalayan na nakatitig na pala siya kay Angel. "Sir?" tawag nito sa kanya para mabalik siya sa ulirat. "Ha?" "May iutos ka ba sa akin?" inosente nitong tanong. Bigla siyang nabalisa dahil sa tingin ng dalaga sa kanya. Hindi tuloy siya makatingin sa mga mata nito. "Nothing." Tumikhim siya para mawala ang naging bara sa lalamunan niya. "You may go back to your work." "Okay, Sir." Aalis na sana si Angel ng tawagin siya ulit ni David. "Po?" "Next time, don't chit chat on the phone during working hour." Pilit na ngumiti si Angel. "Noted po, Sir." Tumango si David kaya umalis na si Angel saka nagtrabaho. Lumipas ang ilang araw. Mas napapadalas ang pagtawag at pagbisita ni Mike kay Angel dahilan para masira ang araw ni David. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng inis sa tuwing ngumingiti sa iba ang dalaga. Para bang may parte sa kanya na gusto niyang sa kanya lang ito nakangiti. Dahil sa naiinis siya ay mas nasusungitan pa niya ang dalaga. Hindi naman maintindihan ni Angel kung bakit mas dumoble ang sungit nito sa kanya. "What the heck is this?" sigaw ni David dahilan para kabahan ang mga katulong sa bahay. Agad namang lumapit si Angel dito dahil siya lang naman ang may lakas ng loob na lumapit dito kahit na galit ito. "Bakit, Sir? Anong problema?" tanong niya ng makalapit na siya dito. "Problem?" nanggagalaiti nitong tanong. "Hindi ba sinabi ko sa inyo na diligan ang mga tanim araw-araw?" "Eh, dinidiligan naman po talaga namin araw-araw ang mga tanim, Sir. Ako pa nga po ang nagdidilig eh." "Then what is this?" Tinuro nito sa iilang bulaklak na patay. Mahinahon siyang sumagot, "Sir, masyado pong mainit ang panahon, kaya hindi na nakapagtataka na matutuyo ang ibang halaman. Hindi naman kasi pwedeng maganda palagi ang mga bagay. Talagang may mga oras talaga na pumapangit ang..." "I don't care. I've paid for you to take care of this plants, not for you to give me reason. Don't waste my money for this. Do your f*cking job." Nagulat siya dahil sa malakas nitong sigaw. Oo, nasisigawan siya nito, pero hindi ganito kalakas at kagalit. Nakikita na niya ang mga ugat nito sa leeg sa tuwing sumisigaw ito. "This garden is so important to me." Ngumisi ito. "Kaya siguro hindi mo nagagawa ng maayos ang trabaho mo dahil masyado ka ng busy sa lalaki mo." Nanlaki ang mga mata niya. "Excuse me?" "I paid for you to work, not to talk with that guy. Wala ka na nga siguro ibang ginawa kung hindi ang makipaglandian sa lalaking 'yon..." Biglang natahimik si David ng sampalin siya nito. Biglang natauhan si David ng makita ang namamasang mga mata ni Angel. "Oo, binabayaran mo kami. Binabayaran mo ako, pero hindi ko natatandaan na binayaran mo ako para maliitin, para tawaging malandi." Tuluyan ng tumulo ang mga luha nito. "Tinitiis ko ang pagsusungit mo at pagsigaw-sigaw mo sa akin dahil masaya akong pagsilbihan ka. Dahil masaya ako na nakikita ka sa malapitan, dahil natutuwa ako kapag nakakausap kita kahit hindi ka sumasagot. Tinitiis ko ang sama ng ugali mo dahil gusto kita." Nagulat si David sa sinabi nito. Gusto niyang lapitan ang dalaga para patahanin ito, pero hindi naman niya maigalaw ang katawan niya at tila ba may pumipigil sa kanya.   "Pero hindi ko matiis na tawagin mo akong malandi dahil wala akong ibang ginusto kung hindi ikaw lang. Hindi ko alam kung bakit kita nagustohan kahit na ang sama-sama ng ugali mo." Tumawa ito ng mapakla. "Siguro, talagang gano’n lang ang nagmamahal. Kahit anong sama ng ugali ng tao kung gusto mo, gusto mo. Wala ka ng magagawa dahil siya ang napili ng puso mo na magustohan."   Umiiyak na tumatakbo si Angel papasok sa kwarto niya. Habang umiiyak si Angel ay siya namang pagngiti ni Daisy. Sinasabi na nga ba niya, dadating din ang araw ng paghalakhak niya at ngayon na nga ‘yun. Nang makapasok sa kwarto ay umiiyak si Angel habang nakaub-ob ang ulo sa unan. Sa lahat ng mga masasakit na sinabi sa kanya ni David ay isang salita lang pala ang makapag-iiyak sa kanya. Ang tawagin siya nitong malandi. Mapakla siyang natawa. Hindi niya akalain na gano’n pala ang tingin nito sa kanya. Ito ang unang beses na umiyak siya dahil dito. Napahawak siya sa dibdib niya. Masakit. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon at dahil iyon sa binatang minamahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD