Ilang araw ng pabalik-balik si Sofie kung saan ang school ni Ian para makita ito pero palagi siyang bigo. Kahit abutin na siya ng gabi ay hindi pa rin niya nakikita ang binata na lumalabas sa school nito. Mukhang ayaw talaga ng tadhana na magkita sila. Napabuntong-hininga na lang siya. Nandito na naman kasi siya sa school ni Ian. Nagbabakasakali na makita niya ito. She try her luck lalo na ng sabihin na maswerte daw siya ngayong araw. Alas-singko na ng hapon at kanina pa siyang tanghali nag-aabang pero wala pa rin siyang nakikitang Ian na lumalabas. Napabuga siya ng hangin. "Baka hindi siya pumasok." Naisip niya. Dismayado siyang umalis mula sa pagtatago sa puno saka napanguso. Sinungaling ata ang zodiac niya. Sabi maswerte daw siya ngayong araw pero hindi pala. Lumiban pa siya sa klas

