Nakapiring ang mga mata ni Anastasia habang inaalalayan siya ni David sa paglakad. Hindi niya alam kung saan siya nito dinala dahil kanina pa ng umalis sila sa park ay piniringan na ni David ang mga mata niya. Kanina pa niya ito tinatanong pero hindi siya nito sinasagot. "Where are you really taking me, David?" "Just be patient, Baby. We're almost there." Hindi niya mapigilan ang mas mapangiti. She feel excited. Hindi na siya makapaghintay sa surprise sa kanya nito. Naramdaman niyang huminto na ang sasakyan. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto sa side ni David. Napatingin naman siya sa kanan niya ng marinig ang pagbukas nito. May malalaking kamay ang humawak sa braso niya saka pinalabas siya sa kotse. "Careful, Baby." Naramdaman niya ang paghawak nito sa ulo niya habang pab

