"Miss Anastasia," tawag sa kanya ni Sheena dahilan para mapatigil siya sa akmang pagbukas ng pinto ng opisina ni David. "Yes?" Nakataas ang isang kilay niyang sagot nito. Nakataas din kasi ang kilay nito kaya tinaasan din niya ito ng kilay. Napaikot na lang siya ng mata dahil sa kamalditahan nito. Hindi niya alam kung bakit ang init ng dugo nito sa kanya gayong wala naman siyang ginagawang masama. Lumapit ito sa kanya saka sinabing, "Busy ang schedule ngayon ni Mr. Montefalco, kaya hindi siya pwedeng tumanggap ng mga bisita." Humarap siya dito at mas tinaas pa ang kilay. "Do I look like an ordinary visitor to David? Sa pagkakaalam ko kasi ay soon to be wife niya ako." "Ikaw na nga ang nagsabi." Ngumisi ito. "Soon to be wife pa lang. Hindi ka pa niya officially asawa baka nga hindi pa

