Nagising si Anastasia ng hindi na katabi si David. Napabangon siya saka naligo para bumaba. Nagtaka siya ng hindi niya makita ito sa baba. "Manang Tessa, nakita niyo po ba si David?" tanong niya kay Manang Tessa ng makita ito sa sala. "Maaga siyang pumasok, Hija," sagot nito. "Halika na at kumain." "Sabayan niyo na po ako." Napangiti sa kanya ang matanda. Sanay na siyang kasama palaging kumain si Manang Tessa kapag nasa mansyon siya noong umalis si David. Nang sumapit ang tanghali ay umalis siya ng mansyon para puntahan ang kaibigan niyang si Mike at ang asawa nito na si Trisha. Tatlong taon simula ng ikasal ang dalawa. Meron ng isang anak na lalaki at soon ay magiging dalawa na ang mga anak nito. Tatlong buwan ng buntis ngayon si Trisha. "Si Trisha po?" tanong niya ng pagbuksan siy

