“Anastasia?” tawag ni Niccolo dito na tulalang nakatingin sa labas ng bintana. Tumingin ito sa kanya pero wala ni kahit anong emosyon ang makikita sa mukha nito. Simula nang makita niya ito no’ng araw na muntik na itong masagasaan ay wala itong ibang ginawa kundi ang umiyak at paulit-ulit na sinasabi nito na gusto nitong lumayo. Dinala niya ito sa kanyang bahay-bakasyonan at dito muna ito namamalagi. Nagkukulong lang ito sa kwarto at tulala. Kahit ilang beses niya itong sinubukan na palabasin para mamasyal, na kahit papaano ay makalimutan man lang nito kahit sandali ang sakit na nararamdaman nito ngayon, pero ayaw pa rin nitong lumabas. Mas pinili pa rin nitong ikulong ang sarili sa kwarto. Hindi niya tuloy maiwasan na mag-alala dito. “Kumain ka na muna,” sabi niya saka nilapag ang

