“Ayos ka lang ba?” tanong ni Kai kay Amber nang mapansin nitong malalim ang iniisip nito. “Ha?” tanong niya ng hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito. “Sabi ko, ayos ka lang ba?” pag-uulit nito sa tanong. “Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?” Napaiwas siya nang tingin dito saka naupo sa isang bench. Nasa park sila ngayon ni Kai. Inaya siya nitong lumabas at pumayag naman siya dahil day off din niya ngayon. Ayaw din naman niyang mamalagi sa mansyon dahil mas lalo lang siyang nagagalit kay David kapag nakikita niya ito. Naging mas masungit pa ito noon at palagi na lang mainit ang ulo. Sinisigawan nito ang mga katulong kahit na kaunti lang naman ang mali nito at mas nagiging madalas na lang ang pag-uwi nito. Napabuntong-hininga siya. “Il

