Inilagay na ni Anastasia ang mga tupperware na may lamang pagkain na para kay David sa isang paper bag. Plano niyang dalhin ito sa opisina para may makain para sa tanghalian. “Ate?” Napatingin siya kay Amber nang tawagin siya nito. “Bakit?” tanong niya habang nagpapatuloy sa ginagawa. “Bakit hindi mo na lang hiwalayan si Kuya David?” Bigla siyang napatigil sa naging tanong nito. Napatawa siya pero halata namang pilit. “Bakit naman?” “Nasasaktan kasi ako para sa 'yo kapag sinasaktan ka niya.” “Hindi naman niya ako sinasaktan ah.” “Physically, oo, pero emotionally?” hindi siya nakasagot saka napayuko. “Hindi ka ba naaawa sa sarili mo, Ate? Sinasaktan ka niya. Nagiging manhid ka na dahil sa kanya.” Tumingin siya dito saka ngumiti dahilan para matigilan ito. “Mahal ko siya, Amber, at k

