Masaya si Angel sa mga nagdaang araw dahil hindi na masyadong masungit sa kanya si David, pero gaya noon ay hindi pa rin ito showy sa nararamdaman. Pero kahit gano’n ay ayos lang sa kanya. Naiintindihan din naman niya, hindi ito sanay. Sa kanilang dalawa sy siya na muna ang iintindi sa binata. "Angel, may bisita ka," may panunuksong sabi ni Krizza. "Sino naman?" Nagtataka siya dahil wala naman siyang inaasahan na bisita ngayon. "Hi, Angel." Kaway ni Mike ng makapasok. "Mike!" masaya niyang bati sa kaibigan. Sa sobrang saya ay agad siyang lumapit at niyakap ito. "Napadalaw ka? Ang tagal mo ding hindi dumalaw." "Oo nga eh. Pasensya na naging busy lang.” Napakamot ito sa batok. “Busy ka ba ngayon?" "Hindi naman. Bakit?" "Maniningil sana ako ng utang." Napangisi si Mike. Nanlaki ang m

