Kabanata 23

2572 Words
Kinabukasan ay maagang gumising si Angel para ipaghanda ng pagkain si David. Masaya siya ngayon dahil sa nangyari kahapon. Wala ng kalalagyan ng saya ang puso niya. Para bang walang makakasira sa mood niya ngayon. Hindi niya inaasahan na magbubunga ang ginagawa niya. Ito na ang simula ng pagtupad niya sa pangako niya kay Manang Tessa at sa pangarap niya na maging sila ng binata. Sa sobrang saya ni Angel ay hindi na niya namalayan ang pagpasok ni Manang Tessa na nakatingin sa kanya. Alam na nito ang nangyari kahapon, pero hindi pa nito nakakausap ang dalaga. Gusto niya kapag nag-usap sila ay tanging sila lang dalawa. "Hija," tawag ni Manang Tessa kay Angel dahilan para mapalingon ito sa kanya. "Manang." Masayang napangiti siya dito saka lumapit at niyakap ito. "Ang saya ko ngayon." Niyakap siya pabalik ni Manang Tessa. "Masaya din ako para sa ‘yo, hija." Humiwalay na sila sa isa't-isa. "Unti-unti ay natutupad na din ang plano natin." "Oo nga po, Manang. Hindi ko ho inaasahan na magagawa ko. Akala ko wala ng pag-asa dahil nga masyadong matigas ang puso ng alaga niyo." Hindi nila napansin na may isang tao pala ang nakikinig sa kanilang dalawa. Napangisi ito saka umalis ng hindi man lang tinatapos ang pinag-uusapan ng dalawa. "May tiwala talaga ako sa ‘yo na mapapalmbot mo ang matigas niyang puso. Ang bait mo kayang bata at maalagain pa." "Salamat talaga sa tiwala, Manang. Sana mapangiti ko siya ulit at makitang masaya." Mas sumaya ang mukha niya sa inisip. "Excited na akong makita ang mukha niyang 'yon at mas magiging masaya ako kapag ako ang dahilan." "Angel, bumaba na 'yong prince charming mo," anunsyo ni Krizza na kakapasok lang ng kusina. Nagulat ito ng makita si Manang Tessa saka napakamot ng batok. "Nandyan po pala kayo Manang." Tumawa ito ng awkward. Napailing na lang si Manang Tessa saka tumayo. "Sige na, pagsilbihan mo na ang kasintahan mo." "Manang," saway niya dito. "Hindi pa nga ho kami magkasintahan." "Doon din ang punta no’n." Hindi na siya nakaimik ng tuluyan na itong umalis. Hindi niya maiwasan na kiligin sa sinabi ni Manang Tessa. Magkasintahan. Napangiti siya. Dadating din sila do’n. Kinuha na niya ang tasa ng kape saka pumunta sa hapagkainan para ibigay sa binata. Inilagay niya ito ng tahimik sa tabi nito. Napatingin sa kanya si David at bahagyang napangiti. Balang-araw makikita niya din ang saya sa mga mata nito. Nakikita naman niya na masaya ito, pero hindi pa ito sapat para umabot ang ngiti nito sa mga mata. Kailangan pa niyang mag-effort para magawa 'yon. Kailangan pa niyang mapasaya ang binata at bibigyan niya ito ng mga rason para maging masaya, at isa na siya do’n. Napatingin si David sa tasa at napakunot-noo ng makitang walang sticky note na nakalagay. Hindi niya maiwasan na magtaka dahil 'yon na ang nakasanayan niya. Sanay na siya kung baga, kahit pa noong nakukulitan pa siya dito. "Where is the sticky note you always put in my cup?" Napangiti ng malapad si Angel. "Hinahanap mo ah." Panunukso nito dahilan para mapailing si David saka ininom ang kape. "Hindi na ako naglagay." "Why?" parang balewala nitong tanong. "Dahil sasabihin ko na ng harapan. Good morning, my handsome." Umangat ang gilid ng labi ni David saka napatikhim para pigilan ang pagngiti. "Not bad." "Not bad? Hindi ka man lang kinilig?" nakangusong tanong ni Angel. Ilang beses pa niyang pr-in-actise ang pagsasabi niya no’n para maging kaayaaya sa pandinig ng binata. Kinikilig pa siya habang nagpa-practise, pero parang balewala lang sa binata ang sinabi niya. "Why should I?" "Nakakatampo ka naman eh," nagdadabog niyang sabi. Napabuntong hininga ito. "Hindi ako isang babae na kikiligin kapag sinabihan mo ng mga corning pick up lines, Angel." "Teka, parang may mali eh." Tinitigan niya ng maigi ang binata. "And what is it?" "Iba ka ngayon sa kahapon. Kahapon ang sweet-sweet mo, tapos ngayon balik ka na naman sa pagiging cold mo. Anong nangyari? Na-expired na ba ang pagiging sweet mo kahapon?" "Look." Humarap ito sa kanya. "You should know by now I'm not good at showing my feelings. Not all the time I'm going to do sweet things to you." Napakunot noo siya. "Paano mo ako liligawan kung ganyan?" Hindi ito nakasagot kaya mas lalo siyang nagtaka. "Kung hindi ka mahilig na ipakita ang feelings mo, bakit kahapon nasabi mo ng harap-harapan?" "Because I was jealous that time. I'm too impulsive to tell you everything. I was jealous at Mike that's why I can't stop myself by telling you what I really feel about you." Napatawa ng mapakla si Angel. "Ibig ba nitong sabihin ay kailangan pa kitang paselosin ulit kay Mike, para lang makapagsabi ka sa akin ng totoo mong nararamdaman? So, kailangan ko pa palang makipagkita ulit kay Mike." Biglang dumilim ang ekspresyon ng mukha ni David. "Don't you dare!" "I dare too!" giit niyang sabi. Naiinis na siya. "Akala ko nagkakaintindihan na tayo, pero bakit gano’n? I expect you too be sweet." "Don't expect too much about me." Natameme siya saka mapaklang natawa na naman. "Siguro nga, nag-expect ako ng sobra sa ‘yo. Hindi ko naman kasi inaasahan na ganyan ka pala. Sorry ha?" mapakla niyang sabi saka umalis. "Angel," tawag nito sa kanya, pero hindi niya ito nilingon. "Angel'in mo mukha mo!"   Napahawak sa sariling ulo si David. Hindi niya aakalain na magiging ganito ang araw na ito. Akala niya ay okay lang na ganito siya. He used to it, hindi naman pwede na magbago agad siya sa loob lang ng isang araw. He expect that Angel will understand, pero tama nga ang sinasabi nila na walang babaeng gusto na malamig ang pakikitungo ng lalaki sa kanya.   Naiinis na pumasok sa kwarto si Angel saka malakas na isinara ang pinto. Akala niya ay magiging okay na ang lahat dahil sa nangyari kahapon, pero hindi niya inaasahan na sa unang araw ay mag-aaway sila. Inaasahan niya kasi na magiging sweet sa kanya ang binata gaya kahapon. Inaasahan niya na makakapag-usap na sila ng maayos, na hindi na malamig ang pakikitungo nito sa kanya, pero hindi pala. Maybe she expect too much. Siguro nga tama ang sinabi sa kanya ng binata, huwag siyang masyadong umasa.   Naalala niya tuloy ang sinabi niya noon kay Daisy na huwag masyadong umasa dahil kapag umasa ka at hindi mo nakita ang inaasahan mo ay masasaktan ka lang. Maybe she really expect to much from David. Narinig niya ang ingay ng sasakyan kaya hindi maiwasan ni Angel na malungkot. Masyado niyang dinibdib ang nangyari kanina kaya ito sila ngayon, ang aga-aga nag-aaway. Napabuntong-hininga na lang siya saka nagmukmok buong araw sa kwarto niya. Kinahaponan ay nakapagdesisyon siyang lumabas ng kwarto. Buti na lang at hindi siya hinanap ni Manang Tessa o ng kung sino man, kahit si David. Hindi niya maiwasan na mapabuntong-hininga na naman ng maalala ang nangyari kanina. That was too childish of her. Dumiretso siya sa kinalalagyan ng telepono ng mag-ring ito. Sa kusina sana ang pupuntahan niya dahil nagugutom siya. Sa inis niya kanina ay nakalimutan niyang hindi pa pala siya kumakain simula kaninang umaga. "Hello, Montefalco mansion. Sino po sila?" Napakunot-noo siya ng dumaan ang isang minuto ay hindi nagsalita ang nasa kabilang linya. "Hello?" Mas napakunot-noo siya ng hindi pa rin ito nagsalita. "Kung wala kang sasabihin, ibaba ko na 'to. Huwag kang istorbo sa mga taong busy." "Get ready, I'll pick you up at seven." "Ha?" Matagal bago nag-sink in sa utak niya ang sinabi nito. Matagal bago pumasok sa utak niya na si David ang kausap niya sa telepono at anong get ready ang pinagsasabi nito? Hindi niya maintindihan kung anong ibig nitong sabihin kaya binalewala na lang niya. Gusto sana niyang magtanong, pero hindi na niya nagawa dahil pagkatapos na pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang 'yon ay agad nitong binaba ang tawag. Hindi niya talaga maintindihan ang binata. Napailing siya, bahala na nga. Nang mag-alas sais ay nagsimula na siyang maghanda. Nag-t-shirt lang siya at nakapantalon. Inayos ang buhok saka naglagay ng kaunting pulbo at lipstick. Hindi pa nag-a-alas syete ng marinig niya ang ingay ng sasakyan kaya naman lumabas na siya. Napatigil si David sa pagpasok ng mansyon ng si Angel na mismo ang lumabas. She's really beautiful, he thought. Kahit simple lang ito manamit ay maganda pa rin. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Angel ng makalapit kay David. Hindi ito sumagot bagkus ay binuksan nito ang pinto ng sasakyan. Tiningnan niya ito bago pumasok. "Saan ba tayo pupunta?" tanong niya ulit ng makasakay si David sa driver seat. Nagsisimula na siyang mainis dahil hindi siya nito sinasagot. May kinuha ito sa back sit. She was shocked when David gave her a bunch of yellow flower. Kung kanina ay naiinis siya, ngayon naman ay kinikilig siya. Sa simpleng pabulaklak lang nito ay natutunaw na ang inis at tampo niya dito. Bakit ba ang dali niyang maging malambot pagdating sa binata? "I maybe not good at expressing my feelings, but I will gave you roses that will tell my feelings. Yellow roses for apologizing." Inamoy niya ang mga rosas saka napangiti. "Sige na nga, pinapatawad na kita. Pasalamat ka, gusto kita kung hindi baka kinutongan na kita." Bahagyang napangiti si David. Hindi ito nagsalita, pero binigyan siya nito ng isang pink rose which means thank you. Hindi na siya nagsalita pa dahil busy siya sa katitingin sa mga bulaklak. Ayaw na din naman niyang magtanong dito dahil baka hindi na naman siya nito sagutin at mayamot pa ito sa kanya. Hahayaan na lang niya ito kung saan man siya nito dadalhin.  Napatingin siya sa labas ng maramdaman na huminto ang sasakyan. Napatingin siya sa isang magandang restaurant. "Anong gagawin natin dito?" "To eat, of course, silly." Sinamaan niya ito ng tingin, pero nakababa na ito. Binuksan nito ang pinto sa side niya. "Come on." Inilahad nito ang isa nitong kamay sa kanya at kanya naman itong tinanggap. Inalalayan siya nito sa paglabas ng sasakyan.  "Thank you." Napangiti siya sa pagiging gentleman nito. Bigla siyang nakaramdam ng mga paruparo sa tyan ng kunin ni David ang kamay niya saka inilagay sa braso nito. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ng binata. Nakahawak siya sa braso ni David habang papasok sila sa restaurant. "Good evening, sir," bati sa kanila ng isang waitress. Tumango lang si David. "I have a reservation, Montefalco." "Oh yes, Mr. Montefalco. This way, Sir." Nauna itong maglakad saka sila sumunod papunta sa roof top. Bumulong siya kay David. "Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na kakain pala tayo sa mamahalin na restaurant, sana man lang nakapag-dress ako." "I already told you to get ready." "Get ready lang sinabi mo, hindi mo sinabi kung saan tayo pupunta. Malay ko ba na dito mo pala ako dadalhin," nakanguso niyang sabi. Bigla siyang nahiya sa suot niya. Nakikita niya kasi sa mga taong kumakain dito ay mukhang mayayaman at ang ganda ng mga suot. Samanatalang siya ay naka-t-shirt lang at pantalon. Hindi nababagay ang simple niyang suot sa lugar na ito. "Tss! When Mike invited you, you got dressed right away," may naiinis nitong sabi. Nginiwian niya ito. "Sinabi naman niya kasi na kakain kami sa labas, hindi katulad mo, hindi kompleto ang pagkakasabi tapos ibababa agad ang tawag." "Are you comparing me to him?" Tumawa siya ng mahina dahil nakikita na naman niya ang selos sa guwapo nitong mukha. "Hindi naman." Nakarating sila sa isang table for two na malapit sa railings ng roof top. Napabitaw si Angel sa pagkakahawak niya kay David na ikinagulat nito. Lumapit si Angel sa railings ng veranda saka napa-wow sa nakita. "Do you like the view?" tanong ni David ng makalapit sa kanya. "Oo, ang ganda." Nakikita niya kasi ang buong syudad. Para itong mga christmas light na nagkikislapan. Walang lugar na madilim, lahat ay may ilaw. Bigla siyang napahawak sa ulo ng may bigla na naman eksena na pumasok sa isip niya. 'I love you, Anastasia.' Napailing-iling na naman siya saka napapikit. Nagbabakasakaling makita ang nagsalita, pero talagang malabo. ‘You are the only woman that I’m gonna, Anatsasia. I promise you that.’ Napahawak siya sa railings dahil sa kirot na namumuo sa ulo niya. Hindi niya alam kung bakit naririnig na naman niya ang pangalang Anastasia. Hindi niya lubos maisip kung sino iyon at ang lalaking palagi na lang niyang naririnig sa isip niya. Bahagi ba ‘yun ng nakaraan niya, nang nawawala niyang alaala? "Are you okay?" may pag-aalalang tanong ni David sa kanya ng makita nito ang paghawak niya sa ulo. "Ha?" Umiling-iling siya. "Ayos lang ako." Ngumiti siya dito. Ayaw niyang mag-alala ito sa kanya. "Are you sure?" Nakita nito na pinagpapawisan siya kaya kinuha nito ang panyo saka pinunasan ang noo niya. "Oo naman. Ako na." Kukunin na sana niya ang panyo para siya na ang magpunas dahil nahihiya siya dito, pero iniiwas ito. "Let me do it for you." Napatitig siya sa guwapong mukha ni David. Napakaswerte niya dahil sa maliban na guwapo ang binata ay sweet pa kahit hindi halata. Napatitig siya sa matangos nitong ilong, sa mapupula nitong mga labi. Napakagat-labi siya at napalunok. "Restrain yourself." "Ha?" Nabalik sa mga mata nito ang tingin niya. "The way you look at my lips, you look like you want to kiss me." Napaiwas siya ng tingin dahil nakaramdam siya ng hiya. Talaga namang nakakahiya ang ginawa niyang pagtitig sa mga labi nito. "Hindi ah. Napaka-assuming mo." Nagulat siya ng marinig ang mahina nitong pagtawa, pero ng makatingin siya ulit sa binata ay hindi na ito tumawa kaya nakaramdam siya ng pagkadismaya. Ayaw din naman niyang ipilit na ngumiti o tumawa ito, gusto niyang magkusa. "What?" "Wala. Hindi pa ba tayo kakain? Gutom na ako eh." Mahina nitong pinisil ang ilong niya dahilan para manguso siya. "Are you really just thinking about food?" "Hindi naman. Simula pa kasi kaninang umaga ay hindi pa ako kumakain kaya nagugutom na ako." "What?" Galit siya nitong tinitigan. "Why? Why didn’t you eat?" "Nainis kasi ako sa ‘yo eh. Nakalimutan ko tuloy na hindi pa pala ako kumakain." Pinitik nito ang noo niya. "Aww, masakit ah," nakanguso niyang sabi habang hinihimas ang noo niya. "Silly. Don't let yourself starve again. What if you get sick? I'm not good at taking care of a sick person. Baka matapon kita sa bintana." "Ang harsh mo." Hinila na siya nito saka pinaupo. Hindi niya namalayan na may pagkain na pala sa mesa nila. "Ang sarap naman ng mga ito." Mas nakaramdam tuloy siya ng gutom dahil sa mga masasarap na pagkain na nasa harap niya. "You haven't even tasted it, but you already enjoying it." Napahagikhik siya. "Here, try this and this. This one is also delicious." Napatingin-tingin si Angel sa mga pagkain na nilagay ni David sa plato niya. Patuloy lang ito sa paglagay, hindi inaalintana na napupuno na ang kanyang plato.  "Sandali, sandali lang, David." Napatigil naman ito sa ginagawa. "Ang dami naman nitong pagkain. Hindi ko naman ata 'yan mauubos lahat 'to." Napakamot siya sa batok. Ano bang akala nito sa kanya? Baboy, na kayang ubusin lahat ng pagkain na binigay nito. "You have to. You didn't eat all day." Sinamaan siya nito ng tingin. "Next time don't starve yourself, understood?" "Yes, Sir." Napangiti siya dahil kahit masungit man ito ay may itinatago din itong ka-sweet-an sa katawan na kailangan pangpilit na ilabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD