Mabilis na pinatakbo ni David ang sasakyan para mabilis na makauwi sa mansyon. Gusto niyang kausapin ang dalaga para humingi ng tawad dito sa nagawa niya noong isang araw, sa mga masasakit na salitang sinabi niya dito. Gusto niyang pasalamatan ito sa lahat ng ginawa nito sa kanya at tratohin ito ng maayos.
Alam niyang mali siya sa inasta niya kaya gagawin niya ang lahat para mapatawad lang siya nito. Nang sinabi nito na gusto siya nito ay may tuwa siyang naramdaman sa puso niya. Gusto niyang kausapin ang dalaga tungkol sa sinabi nito, pero hindi niya alam kung papaano mag-uumpisa, kung anong gagawin. Alam niyang nasaktan niya ito sa sinabi niya. Hindi niya naman sinasadya na sabihin ang salitang ‘yun. Nadala lang siya ng galit at selos niya.
Nang makarating ay agad niya hinanap ang dalaga.
"Where is she?" agad niyang tanong ng makita si Daisy na nagpupunas ng bintana.
"Sino po?" nagtataka nitong tanong. Bahagya itong nagulat sa biglang pagkausap nito sa kanya.
Ilang beses na siya nitong pinagsilbihan, pero ni minsan ay hindi niya ito pinansin o kausapin man lang.
"Si Angel."
"Ahmm." Napaisip ito saka sumagot, "Umalis po eh."
"Where?"
"Nag-grocery kasama si Mike," agad na sagot nito na ikinanoot ng noo niya.
"Mike? Paanong magkasama sila nag-grocery?"
"Pumunta po kasi si Mike, dito tapos paalis din si Angel, kaya po sinamahan siya ni Mike."
Biglang nagdilim ang mukha niya ng marinig na magkasama ang dalawa. Agad niyang tinanong kung saang grocery store ito nagpunta saka mabilis na umalis.
"Umuwi ba si Sir?" Napatingin si Daisy sa babaeng kararating lang galing kusina. "Tawag ka ni Manang, Daisy."
Napangisi siya habang nakatingin dito. Nagtataka naman ang dalaga sa inasta nito pero hinayaan niya na lang.
Napakibit-balikat na lang si Angel sa inasta nito. Napatingin siya sa garahe, tiningnan kung nando’n ba ang sasakyan ng binata, pero wala naman doon. Para kasing may narinig siyang ingay ng sasakyan. Napakibit-balikat na lang siya ulit. Baka namali lang siya ng rinig.
Hinihingal si David ng halos malibot na niya ang buong grocery store, pero wala siyang Angel o Mike na nakita. Kinuha niya sa bulsa ang cellphone saka tumawag sa mansyon.
"Montelfalco mansyon, sino sila?" Si Manang Tessa ang nakasagot.
"Manang, nandyan na ba si Angel?"
"Nandito, bakit?"
"Kasama ba niya si Mike?" Nagmamadali siyang naglakad palabas ng grocery store.
"Si Mike? Wala naman dito si Mike." Napatingin si Manang Tessa sa telepono ng biglang maputol ang tawag.
Nagtaka siya kung bakit napatanong si David kung nandito na ba si Angel eh, hindi naman umalis ang dalaga. Ang ipinagtataka niya din ay bakit nito hinahanap ang dalaga, ito ang unang beses na hinanap nito ang dalaga. Ano kayang nangyari?
Pasakay na sana si David sa kotse niya ng may mahagilap ang mga mata niya. Pumunta siya dito saka napatingin-tingin.
"Yes, sir?" Lumapit sa kanya ang isang babae na naka-apron. "Ano pong bulaklak ang gusto niyo?"
Napatingin siya sa mga roses. Iba-iba ang mga kulay nito. "Which color that it mean, thank you?"
"Ito po, sir." Kinuha nito ang kulay pink na rose. "This pink rose means thank you or you appreciate that persons effort."
"Give me a dozen." Kumuha siya ng pera sa wallet saka binigay sa babae.
"Okay, sir." Pumasok sa loob ang babae saka inayos ang mga bulaklak para maging isang bouquet. "Here you go, sir. Thank you and buy again."
Tumango lang siya saka dumiretso sa kotse. Habang nagda-drive pauwi ay napapatingin siya sa bulaklak. Sigurado siyang magugustohan ito ng dalaga at alam niyang hindi din siya nito matitiis dahil ito na nga mismo ang nagsabi na gusto siya nito.
Nang makarating sa mansyon ay agad niyang hinanap ang dalaga. Nakita niya ang isa sa mga katulong kaya tinawag niya ito.
"Where is Angel?"
"Nasa garden po." Tinuro nito ang pasilyo patungo sa garden, pero hindi pa nga tapos na magsalita ang katulong ay umalis na agad siya. Nagkibit-balikat na lang ang katulong.
Malalaki ang mga hakbang ni David na pumunta ng garden. Excited siyang makita ang dalaga, pero nawala 'yon, at dumilim ang paningin ng makita si Angel at Mike na nag-uusap. Nakahawak ang kamay ni Mike sa kamay ni Angel na mas nakapagpainit ng dugo niya.
Binitawan niya ang dalang bulaklak saka malalaki ang mga hakbang na ginawa niya palapit sa dalawa.
"F*ck off!" Suntok agad ang binigay niya dito ng makalapit siya.
Nanlaki ang mga mata ni Angel sa ginawa nito. "Mike!" Agad siyang lumapit dito. "Ayos ka lang ba?" Napalingon siya kay David ng may galit. "Ano bang ginagawa mo? Bakit mo siya biglang sinuntok? Baliw ka ba?"
Sinamaan ni David ng tingin ang dalaga. Hindi ba nito nakikita kung bakit siya galit? Nagseselos siya, dahil hindi pa nga niya nahahawakan ang kamay nito, pero ang Mike na ito ay nahawakan na. No one can’t touch what his, especially, Angel.
"What is he doing here?!" galit niyang tanong sabay duro sa impakto na nakapasok sa mansyon niya.
"Dumadalaw lang siya. Ano bang problema?" sagot nito saka tinulungan ang binata na makatayo.
Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya kanina ay napasalampak ito sa sahig.
"Dalaw? Oras ng trabaho nagpapadalaw ka?" nanggagalaiti niyang tanong. Umiigti na ang panga niya sa galit. "No, let me replace that. Is he here because he's courting you?"
Nagulat si Angel. "Ano? Ano bang pinagsasabi mo? Syempre nandito lang siya para dalawin ako. Magkaibigan lang kami, ilang beses ko bang sasabihin 'yon sa ‘yo para maintindihan mo? Para pumasok diyan sa maliit mong kukute!"
"How dare you say that to me, woman!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata, pero parang wala lang dito dahil galit din ito sa kanya ngayon. Pareho silang galit ngayon.
"Dude, huwag mo naman siyang sigawan," awat ni Mike.
"Shut up!" Duro niya dito. "You should get out of my mansion."
"David!"
"What? You don't want him to leave?" Naglalabasan na ang mga ugat niya sa leeg dahil sa galit niya. "You get out or should I call the guard to throw you out?!"
Napatingin si Mike kay Angel. Nanghihingi ng despensang nakatingin si Angel kay Mike. "Sige na, Mike. Ako na ang bahala dito."
"Sigurado ka?" Nagdadalawang-isip itong umalis, lalo na sa nakikita nito kay David na galit na galit. "Baka mapano ka."
"Hindi siya mapapano kung aalis ka kaagad!"
"Sige na. Okay lang ako, kaya ko ang sarili ko."
"Sige, tawagan mo ako kapag may problema." Tumango si Angel. Napatingin naman si Mike kay David. "Huwag mo siyang sasaktan," may pagbabanta nitong sabi, pero sinamaan lang niya ito ng tingin.
Nang tuluyan ng makaalis si Mike ay hindi na mapigilan ni Angel ang ipakita dito ang inis. "Ano bang problema mo? Wala namang ginagawang masama 'yong tao, bigla mo na lang sinuntok."
"I already told you that in working hour, you should work. But what are you doing? Nakikipag---" Bigla siyang napatigil sa pagsasalita dahil sa muntik na naman niyang masabi ang mga salitang nakapagpaiyak sa dalaga noon.
"Ano? Nakikipag-ano?! Bakit hindi mo ituloy ang sinasabi mo?" galit na sabi ni Angel. "Bakit hindi mo sabihin na nakikipaglandian na naman ako kay Mike?"
Napatikom siya ng bibig saka napapikit para pakalmahin ang sarili. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nagalit ng ganito, na sa sobrang galit ay kung ano-anong masasakit na salita na lamang ang lumalabas sa bibig niya. Hindi niya mapigilan dahil nilalamon na siya ng galit at selos.
Napabuga siya ng hangin. "I'm sorry."
Kung kanina ay maiiyak na si Angel dahil sa sasabihin na naman sana ni David ang salitang malandi, pero hindi natuloy ng marinig niya ang sinabi nito. Parang biglang umurong ang kanyang mga luha na kanina ay muntik ng magsitulo.
"A-anong sabi mo?
"I said, I'm sorry." Biglang lumambot ang puso niya sa sinabi nito.
Kung noong isang araw ay galit siya dito, pero nang mag-sorry ito ay agad na nawala ang sakit na nararamdaman niya ilang araw na.
"Bakit parang galit ka?" nakanguso niyang sabi.
Napapikit na lang si David. Ito ang unang beses na mag-sorry siya tapos parang pinapaulit lang sa kanya ng dalaga. Hindi ba nito alam nito kung gaano kahirap para sa kanya ang mag-sorry. Sinamaan niya ito ng tingin kaya mas lalong napanguso ito. Napabuntong-hininga na lang siya.
"I said, I'm sorry," mahinahon nyang sabi. "I didn’t mean to say that hurtful word. I didn't mean to hurt you."
"Hoy, saan ka pupunta?" tanong ni Angel ng tumalikod ito saka naglakad. "Yon na yon?" tanong niya sa sarili.
Pagkatapos nitong mag-sorry ay aalis din agad? Anong klasing apologize ‘yun?
Napakunot-noo siya ng may damputin ito sa sahig saka nagulat ng makita kung ano 'yon. Lumapit ulit si David sa kanya. Kung kanina ay hindi natuloy ang pag-iyak niya, ngayon ay nagsisiunahan na sa pagtulo ang mga ito.
"Why are you crying?" Nataranta si David ng makitang umiiyak siya.
Imbis na sumagot ay nagtanong siya, "Para sa akin ba 'yan?" Turo niya sa hawak nitong mga bulaklak.
Napatingin si David dito saka binigay sa kanya. "A simple thank you for taking care of me that day." Biglang may humaplos sa puso niya. "And I wanted to say sorry for everything bad that I've done to you and thank you dahil hindi ka nagsawa sa akin."
Tinanggap niya ang bigay nitong bulaklak saka inamoy ito. Napatakip siya ng mukha gamit ang mga bulaklak dahil namumula na ang magkabila niyang pisngi dahil sa kilig.
"Hindi naman kasi ako magsasawa sa ‘yo kasi gusto kita."
"I like you, too."
Nanlaki ang mga mata niya at napatingin kay David. "A-anong sabi mo?"
"I said I like you, too."
Napatulala siya dito. Hindi makapaniwala sa sinabi. Teka! Pinikit niya ang mga mata at palihim niyang kinurot ang sarili para malaman niya kung panaginip lang ba ang nangyayari ngayon o totoo. Napakagat-labi siya ng makaramdam siya ng sakit at iminulat niya ang mga mata saka napatingin kay David na hanggang ngayon ay nasa harap niya. Akala kasi niya na sa pagmulat niya ay mawawala na ito sa harapan niya.
"Talaga?" Hindi pa rin siya makapaniwala.
Napailing si David saka pinisil ang pisngi niya. "Oo nga. Mahirap bang paniwalaan na gusto kita?"
Mas nasabi niya sa sarili niya na hindi nga ito panaginip dahil sa mainit na kamay ni David na dumampi sa pisngi niya.
"Oo naman." Napakunot-noo si David sa naging sagot niya. "Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit mo ako gusto?"
Napaisip naman si David sa naging tanong nito. Mukhang hindi niya napaghandaan ang tanong nito. Hindi kasi pumasok sa isip niya na magtatanong ang dalaga kung bakit niya ito nagustuhan. Bigla din siyang napaisip.
"Bakit nga ba? Siguro," inipit nito ang takas na buhok sa likod ng tenga nito. "dahil ikaw lang ang babaeng pinakamakulit na nakilala ko. Ang babaeng ang lakas ng loob para harapin ako. Ang babaeng makapal ang mukha." Sinamaan siya nito ng tingin, pero hindi niya 'yon pinansin. "Dahil kahit anong taboy ko sa ‘yo ay bumabalik ka pa rin."
Napanguso siya. "Puro negative naman lahat 'yang rason mo eh."
"Negative ba? Pero para sa akin nagustohan kita dahil do’n, dahil sa mga negative side na sinasabi mo. What more if I will see your positive side? Baka mabaliw na ako sa ‘yo."
Sa sobrang saya ni Angel ay niyakap niya si David. "I really like you, David."
"I like you too, Angel." Niyakap siya nito ng mahigpit na ikinatuwa naman niya.
"Teka!" Napahiwalay siya mula sa pagkakayakap. "So ibig sabihin nito, tayo na?"
"No," diretso nitong sagot.
"No? Gusto kita at gusto mo ako, pero hindi pa tayo? Bakit?"
Natawa ito. “Don’t be too rush. Let's just stay like this. Getting to know each other and slowly I'm going to court you."
Bigla siyang kinilig. "Sige." Niyakap niya ulit ito.
"YIEEEH!" Napapatalon si Krizza sa sobrang kilig pagkatapos magkwento ni Angel. "Ang swerte mo, besh. Sa ‘yo pa talaga nagkagusto si Sir David. Masaya ako para sa ‘yo."
Niyakap siya nito. "Salamat."
"Kapag naging Misis Montefalco ka na, dapat mataas na ang sweldo ko ha," biro nito.
"Baliw! Hindi pa nga kami eh. Nasa getting to know each other stage pa nga lang kami."
"Hindi ko talaga maintindihan ang stage na 'yan. Gusto mo siya tapos gusto ka din naman niya, bakit hindi na lang maging kayo? Doon din naman 'yan papunta."
"Alam ko, naisip ko din 'yan kanina pero nagpag-isip-isip ko din na tama din naman siya. Paano kung sa pagkilala namin sa mga dadaang araw ay na realize pala namin na hindi namin gano’n kagusto ang isa't-isa tapos pumasok agad kami sa relasyon, masasayang lang din. Mabuti na 'yong sigurado talaga kami sa nararamdaman namin."
Napatango-tango si Krizza. "May point ka din naman."
Nagtatawanan silang dalawa ng pumasok si Daisy. "Masaya ka?"
Si Krizza ang sumagot dito. "Oo naman, masaya talaga siya dahil sa kanya may gusto si Sir David at hindi sa ‘yo."
"Tumahimik ka nga. Hindi ikaw ang kausap ko!" naiinis na sabi ni Daisy.
"Hoy, Daisy!" Tumayo ito saka namewang. Agad din napatayo si Angel at lumapit kay Krizza dahil baka bigla na lang nitong sabunotan si Daisy. "Hindi mo ako madadala sa pagiging maldita mo. At baka akala mo hindi ko alam ang ginawa mo kanina."
"Anong ginawa niya?" nagtatakang tanong ni Angel.
"Yang babaeng 'yan lang naman." Turo nito kay Daisy. "Sinabi niya kanina kay Sir David na umalis ka kasama si Mike."
Nanlaki ang mga mata ni Angel at napabaling ng tingin kay Daisy. Kaya pala galit na galit si David kanina ng makita nitong magkasama sila ni Mike.
"Bakit mo 'yon ginawa, Daisy?"
"Hindi pa ba obvious?" Galit na din si Krizza. "Para magalit na naman sa ‘yo si Sir."
"Totoo ba 'yon?" Tiningnan niya sa mga mata si Daisy.
"Hmp! So what? Ano naman ngayon kung ginawa ko 'yon?" Hindi siya nakasagot. "Ito tatandaan mo, Angel. Hindi porque okay na kayo ay magiging masaya ka na habang buhay. Hindi pa tayo tapos." Lumabas na ito ng kwarto at malakas na isinara ang pinto.
"Malditang 'to. Ako talaga kapag hindi nakapagpigil, uupakan ko talaga ang babaeng 'yan!" nanggagalaiting sabi ni Krizza.
"Hayaan mo na." Napabuntong-hininga na lang siya.
"Tama, hahayaan ko talaga siya. Ayaw kong masayang ang beauty ko sa isang bitter na katulad," sabi nito sabay flip sa buhok nito.
Napailing na lang siya. Ayaw na din niyang patulan si Daisy dahil ngayong araw na 'to ang isa sa mga araw na masaya siya. Hinding-hindi niya hahayaan na masira lang ito ni Daisy. At isa pa, wala naman siguro itong masama na gagawin sa kanya.