Pinunasan ni Manang Tessa ang braso ng dalaga. Umaga na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Napatingin siya sa may pintuan ng bumukas ito at pumasok si Denver.
"Magandang umaga, Manang." masayang bati sa kanya nito dahilan para mapangiti siya.
Magkaiba talaga sina Denver at David. Kung si David ay masungit, si Denver naman ay isang masayahin. Pero kahit magkaiba ang ugali ng dalawa ay matalik pa rin itong magkaibigan simula pa noon.
Nagpapasalamat din siya kay Denver dahil hindi nito iniwan si David sa mga panahon na nawala ang mga magulang nito.
"Magandang umaga din, hijo." Tumayo siya saka tumabi muna para matingnan ni Denver ang dalaga. "Bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising?" may bahid ng pag-alalang tanong niya.
Simula kasi nang isang araw ay hindi pa nagigising ang dalaga kaya hindi niya maiwasan na mag-alala.
"Masyadong naubos ang lakas niya kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Magigising din siya kapag nabawi na niya ang lakas niya at isa pa, maayos na din naman ang lagay niya kaya huwag ka nang mag-alala, Manang. Malayo na sa kapahamakan ang buhay niya kaya walang dapat ikabahala."
Habang tinitingnan ni Denver ang mga sugat ng dalaga ay biglang gumalaw ang kamay nito.
"Manang."
Napatingin si Manang Tessa sa dalaga ng unti-unti nitong binuksan ang mga mata nito. Agad siyang lumapit at umupo sa kama.
"Hija?"
Bumangon ito pero agad ding napa-aray at napahawak sa ulo nito ng makaramdam ng kirot doon. Agad na inalalayan ni Manang Tessa at Denver ang dalaga para sumandal sa headboard ng kama.
"A-anong nangyari?" nalilito nitong tanong. "Bakit masakit ang ulo ko?” Napatingin ito sa kanila ng may pagtataka. "Sino kayo? Nasaan ako?"
Napatingin ito sa paligid at nakikita nila sa mukha nito ang pagkalito at pagtataka.
"Nandito ka sa mansyon ng Montefalco. Ako si Manang Tessa, ang mayordoma ng mansyon, at siya naman si Doc Denver, ang gumamot sayo."
"Hi." Kumaway at ngumiti ito sa kanya.
"Ikaw, hija? Sino ka? Anong pangalan mo? Ano bang nangyari sa ‘yo? Bakit ang dami mong sugat sa katawan?"
Bigla itong napahawak sa ulo at napadaing ng makaramdam ito ng matinding kirot.
"Ahm, Manang, huwag na muna natin siguro siyang tanungin ng kung anu-ano, kagigising niya lang saka--" Napatigil si Denver sa pagsasalita ng biglang magsalita ang dalaga.
"Bakit gano’n?"
"Anong bakit gano’n?" balik tanong ni Denver dito ng may pagtataka. Tumingin ito sa kanila ng may pagtataka sa mukha, nalilito.
"B-bakit wala akong maalala?" Napatingin ito sa kanila at medyo nagpa-panic na. "Bakit hindi ko maalala kung sino ako? Kung saan ako nakatira? Kahit ano sa nakaraan ko. Bakit wala? Anong nangyayari?" Napatingin ito sa nanginginig nitong mga kamay.
"Don't panic, miss." Agad na lumapit si Denver dito saka ito pinapakalma. "Just lay down first and take a rest." Inalalayan niya itong mahiga. "Huwag mo munang isipin ang mga nangyari. Don't force yourself, it can cause your headache."
Kahit nagdadalawang-isip ito ay tumango ito saka ipinikit ang mga mata. Sumasakit na din kasi ang ulo nito, lalo na kapag pinipilit nitong makaalala. Nang makatulog na ang dalaga ay sabay na lumabas si Denver at Manang Tessa sa silid.
"Anong nangyayari sa kanya, Denver." may pag-aalalang tanong ni Manang Tessa ng maisara na ni Denver ang pinto ng guest room.
Pati siya ay kinabahan sa naging mga tanong nito kanina.
"Basi sa naging reaction niya kanina, Manang, wala siyang maalala. Maaaring may amnesia siya."
"Amnesia?"
"Opo. Wala siyang naaalala. Posibleng nawala ang mga alaala niya ay dahil sa malakas na pagkakabunggo sa kanya at dahil na rin sa malakas na pag-untog ng ulo niya dahilan para maalog ito at mawalan siya ng alaala."
"May pag-asa ba na bumalik pa ang alaala niya?"
"May chance naman, Manang, lalo na kung makakakita siya ng mga bagay na makapagpapaalala sa nakaraan niya." Napabugga na lang ng hangin si Manang Tessa sa sinabi nito.
"Kawawa naman ang batang ‘yon."
"Pero Manang, huwag na muna natin siyang pilitin na makaalaala ngayon kasi sasakit ng sobra ang ulo niya kapag pinilit niya, gaya na lang ng nangyari kanina. Maaari din na mawalan siya ng malay sa sobrang sakit. Masyado pang sariwa ang mga nangyari sa kanya," paalala ni Denver na ikinatango nito. "Hayaan na lang natin na kusang bumalik ang mga nawala niyang memories."
"Did your patient awake?" bungad ni David sa kanila ng makita sila nito sa hallway at seryosong nag-uusap.
Napalipat-lipat siya ng tingin ng magkatinginan ito sa isa't-isa tapos sabay na napatingin sa kanya ng seryoso dahilan para magsalubong ang dalawa niyang kilay. Mukhang masama ang kutob niya sa mga tingin nito sa kanya.
"WHAT?!" gulat na tanong ni David kay Manang Tessa. "Manang, naman. Pumayag na nga ako na dito ‘yan hanggang sa magising, pero bakit?" Napasapo na lang siya sa sariling noo.
Hindi na niya alam kung anong dapat na sabihin kay Manang Tessa. Nakiusap kasi ito sa kanya na dito muna manirahan ang dalaga sa pamamahay niya hanggang sa wala pa itong naaalala tungkol sa sarili.
This is too much. Hanggang sa makaalala? Hanggang kailan ‘yon? Ilang araw, buwan o taon? Walang nakakaalam kung kailan babalik ang memories nito. Baka nga taon pa ang abutin bago bumalik ang memories ng babaeng ‘yon. Ibig sabihin taon din itong titira sa pamamahay niya.
Hindi na niya alam kung anong gagawin dahil alam niya sa sarili niya na hindi siya makaka-hindi sa matanda. Ano mang oras ay papayag siya kapag nagpumilit pa ito.
"This is too much to ask, Manang."
"Sige na anak. Pumayag ka na. Kawawa naman kasi siya. Ano na lang ang gagawin niya kapag pinaalis natin siya? Hindi lang siya may sakit, kung di wala din siyang maalala. Saan na lang siya pupunta kung pati tirahan niya ay hindi niya maalala."
"But still, Manang, hindi natin siya kilala. Paano kung nagpapanggap lang siya? Paano kung masama pala siyang tao, eh, di napahamak pa tayong lahat dito."
"Nararamdaman ko na hindi siya gano’n. Malakas ang kutob ko na mabait siyang bata." Napabuntong-hininga at napapikit na lang siya. "Ako ng bahala sa kanya. Ako ang titingin sa kanya para mapanatag ka."
"Manang."
"Ako na bahala sa kanya, basta patirahin mo lang siya dito."
Napabuga na lang siya ng malakas na hangin ng makitang desidedo na talaga ito sa naging desisyon nito. Hindi niya matiis ito at hindi niya kayang sumama ang loob nito dahil lang sa hindi niya pinatira sa pamamahay niya ang babaeng ‘yun.
"Fine, fine, fine." Napangiti naman ng malaki si Manang Tessa dahil sa wakas ay napapayag na siya nito. "Basta ikaw na ang bahala sa babaeng ‘yan, Manang. Ayoko ng may gulong mangyayari sa mansyon ng dahil sa kanya."
Masayang napatayo mula sa pagkakaupo si Manang Tessa saka siya niyakap ng mahigpit. Napabuntong-hininga na niyakap niya din ito pabalik. Kahit kailan ay hindi niya ito matiis, lalo na't ito na lang ang natitira niyang tinuturing na pamilya.
"Salamat, anak. Maraming salamat at pumayag ka na tumira sya dito."
Niyakap niya ito ng mahigpit saka napapikit.
Thank you also, Manang, for staying with me. For not leaving me, and for loving me as your own son.