Kabanata 4

973 Words
Nagising ang dalaga saka bumangon pero agad na napahawak sa ulo ng nakaramdam ng kirot doon. Sumandal muna siya sa headboard ng kama saka pinikit ang mga mata at pinapakalma ang sarili para mawala ang kirot na nararamdaman niya sa ulo. Napadilat siya ng marinig na bumukas ang pinto, at bumungad sa kanya ang isang matanda. Sa pagkakaalala niya ay Manang Tessa ang pagpapakilala nito sa kanya nang magising siya. "Gising ka na pala, hija." Inilagay nito sa side table ang dala nitong tray na may lamang pagkain. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" "Maayos-ayos na po." Ngumiti siya dito. "Maraming salamat po sa pag-aalaga sa akin." "Wala iyon." Ngumiti ito pabalik sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero napakagaan ng pakiramdam niya dito. Siguro ay dahil ito ang tumulong at nag-alaga sa kanya habang wala siyang malay. "Wala ka bang naaalala na kahit ano?" Hindi niya maiwasan na malungkot sa naging tanong nito. Kanina kahit anong pilit niyang makaalaala ay wala talaga siyang maalala na kahit ano. Kahit pangalan man lang niya o kung saan man siya nakatira ay wala siyang maalala. Napahawak na naman siya sa ulo niya ng bumalik ang kirot. "Huwag mo munang pilitin na makaalala." Hinawakan nito ang kamay niya saka bahagyang pinisil ito. "Ang sabi ni Denver ay sasakit ang ulo mo kapag pinilit mong makaalala, kaya hayaan mo muna." Tumango siya bilang pagsang-ayon dito. "At habang hindi ka pa magaling ay dito ka na muna tumira." Nagulat siya sa sinabi nito. "Naku! Hindi na po," pagtanggi niya dito. "Nakakahiya na po sa inyo. Kayo na nga itong nag-alaga sa akin tapos titira pa ako dito," pahina nang pahina niyang sabi dahil sa hiya. "Ano ka bang bata ka." Tinapik nito ang kamay niya. "Saan ka naman pupunta kung aalis ka? Lalo na't wala ka pang naaalala, baka mapaano ka pa." "Nakakahiya naman po kasi sa inyo. Masyado na akong maraming utang sa inyo." "Huwag ka nang mahiya." Ngumiti ito sa kanya. "Pumayag naman si David na dito ka muna habang hindi ka pa tuluyang magaling." "David? Sino po si David?" nagtataka niyang tanong. Sa pagkakaalala niya kasi, ang nakilala niyang lalaki kanina ay Denver ang pangalan. "Siya ang may-ari ng mansyon na ito, at ako naman ang Mayordoma." Napatango naman siya. "Para naman hindi ka mahiya ay pwede ka din namang tumulong sa mga gawaing bahay." Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito, dahil hindi siya magiging pabigat dito. "Pero kapag magaling ka na." "Sige po, asahan niyong hindi ako magiging pabigat sa inyo, Manang." Hinaplos ni Manang Tessa ang buhok niya at ang sarap sa pakiramdam ng ginawa nito sa kanya. "Dahil wala ka pang-pangalan at mukha ka namang anghel." Hinaplos nito ang mukha niya. "Tatawagin muna kitang, Angel. Angel muna ang magiging pangalan mo habang hindi mo pa naaalala ang pangalan mo." "Angel," napangiti siya habang binanggit ang binigay nitong pangalan sa kanya. "Maganda po. Maraming salamat po, Manang Tessa." "Oh siya, kumain ka na muna. Ilang araw ka nang walang kain." Inilahad nito sa kanya ang tray na may lamang pagkain na agad naman niyang kinuha. "Salamat po, Manang. Napakabait niyo po talaga." Ngumiti ito sa kanya kaya naman may ngiti niyang kinain ang pagkain. NAGISING si Angel sa kalagitnaan ng gabi dahil sa uhaw. Kinuha niya ang baso na nasa bed side table saka iinumin na sana ito nang mapagtanto niya na wala na pala itong laman. Gusto na sana niyang bumalik sa pagtulog at hindi na pansinin ang uhaw, pero hindi niya magawa. Masyadong uhaw na uhaw ang lalamonan nya at kailangan na talaga nito ng tubig kaya napagdesisyonan na lang niya na bumaba para uminom ng tubig. Buti na lang hindi siya nahirapan na hanapin ang kusina. Sa laki ba naman kasi ng mansyon na ito ay baka maligaw pa siya. Nang makapasok sa kusina ay hindi na niya binuksan pa ang ilaw dahil maliwanag naman ang kusina dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan. Agad siyang kumuha ng baso saka nilagyan ng malamig na tubig na galing sa ref. "Ahh! Ang sarap." Sa wakas ay napawi na din ang uhaw nya. "Why didn't you switch the lights on?" "Ay multo!" Napasigaw siya dahil sa gulat ng may magsalita sa likod niya. Agad siyang napalingon saka napayuko. "Sorry po. Maliwanag kasi ang buwan kaya hindi ko na po binuksan ang ilaw. Saka uminom lang naman po ako ng tubig. Wala po akong kinuhang pagkain." agad niyang depensa dito. Baka kasi anong isipin nito at maisip pa nito na nagnanakaw siya ng pagkain nito. "Did I say that you are stealing food?" malamig nitong sabi dahilan para mapalunok siya. Napakamot siya sa ulo at napalabi ng ma-realize na wala naman pala itong sinabing ganoon. Napaka-defensive niya lang talaga. Napatingin siya sa lalaki ng binuksan nito ang ref saka kumuha ng tubig. Kalahati lang sa mukha nito ang nakikita niya dahil sa ilaw na nanggagaling sa ref, pero kahit kalahati lang ang nakikita niya ay masasabi niyang gwapo ito. Mas matangos tingnan ang ilong nito habang nakatagilid, iyong labi nito na namumula at namamasa pa dahil sa tubig na iniinom nito. Hindi niya maiwasan na mapalunok ng makita ang adams apple niyo na tumataas-baba dahil sa pag-inom nito ng tubig. "What are you looking at?" Bigla naman siyang napayuko ng bigla itong bumaling sa kanya. "Wala po." "Tsk!" Isinara na nito ang ref at narinig niyang inilagay nito ang basong ginamit sa sink saka umalis. Napatingin-tingin siya sa paligid at sa pinto saka nakahinga ng maluwag ng makitang wala na ang lalaki kanina. "Sungit naman no'n. Sino kaya iyon?" Napakibit-balikat na lang siya saka hinugasan ang ginamit niyang baso at nang lalaki kanina. Nang matapos sa paghugas ay dumiretso siya sa kwarto niya at bumalik sa pagkakahiga. Dahil sa nawala na ang uhaw niya ay makakabalik na ulit siya sa pagtulog niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD