Tatlong na araw ang nakakalipas simula ng magising si Anastasia at ito siya ngayon, nagwawalis sa harden ng masyon ng Montefalco. Ayaw pa sana ni Manang Tessa na payagan siyang tumulong sa mga gawaing bahay dahil hindi pa siya tuloyang magaling. Ang totoo niyan ay hindi pa talaga magaling ang sugat niya sa ulo pero mabuti naman na ang pakiramdam niya. Nabo-bored at nahihiya na din kasi siya sa mga tao sa mansyon dahil kain, at tulog lang ang ginawa niya nitong mga nakaraang araw.
D-in-ust-pan niya ang mga dahong laya saka inilagay ito sa basurahan. Napapunas siya sa pawis na nasa noo niya ng matapos siya sa paglilinis sa harden. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay ng may makitang bulto ng tao sa bintana na nasa second floor. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nasisinag siya sa araw. Nagtaka siya ng biglang mawala ang bulto ng tao saka napakibit-balikat na lang dahil baka namamalikmata lang siya sa nakita niya.
"Angel." Napalingon siya sa tumawag sa kanya at nakita si Krizza na papalapit sa kanya.
"Bakit?" tanong niya habang nagpupunas ng pawis niya gamit ang isa niyang kamay.
"Kakain na daw tayo sabi ni Manang Tessa."
Ngumiti siya dito saka sumagot, "Sige. Susunod na ako."
Umalis na si Krizza, kaya naman kinuha na niya ang dust pan at walis saka inilagay ito sa lalagyan. Nang makapasok sa kusina ay nakita niya ang mga kasama niya na nakaupo na sa hapagkainan. Magkaiba ang hapagkainan nila sa hapagkainan ng amo nila, na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikita.
"Maupo ka na dito, Angel, at kakain na tayo," sabi ni Manang Tessa ng makita siya.
"Opo, Manang," magalang niyang sagot dito saka naupo.
Sabay-sabay silang kumain lahat. Masaya siya dahil mababait ang lahat ng mga kasama niyang katulong sa kanya. Nagkwentohan ang mga kasama niya habang siya naman ay tahimik lang na nakikinig dahil wala naman siyang maikukwento sa mga ito dahil nga sa wala naman siyang naaalala.
"Hanggang ngayon ba, Angel ay wala ka pa ring naaalala?" Natahimik silang lahat sa naging tanong ni Daisy sa kanya.
Napangiti siya ng mapait. Tatlong araw na kasi ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naaalala kahit pangalan man lang niya. Hindi na din niya kasi pinipilit na makaalaala dahil kumikirot lang ang ulo niya.
"Wala pa eh." Napatingin silang lahat kay Manang Tessa nang bigla nilang marinig ang malakas na pagbagsak ng hawak nitong baso sa mesa.
"Hindi ba sinabi ko na sa inyo na huwag ninyong pilitin na makaalala si Angel, dahil sasakit lang ang ulo niya." Napayuko si Daisy dahil sa sinabi ni Manang Tessa.
"Pasensya na po, Manang." Bigla tuloy tumahimik ang paligid dahil sa naging awra ni Manang Tessa.
"Kumain na kayo at may mga trabaho pa tayong dapat gawin."
"Opo, Manang," sabay-sabay nilang sagot saka tahimik na nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos sila sa pagkain ay nagkanya-kanya na sila ng trabaho. Nasa kusina siya ngayon at tinutulongan si Krizza sa paghuhugas ng pinggan.
"Siya nga pala, Krizza. Parang hindi ko pa nakikita ang amo natin." Nagtaka siya ng tumigil ito sa paghugas saka napatingin-tingin sa paligid na animo'y sinisigurado na walang ibang tao maliban sa amin.
"Si Sir David, ba kamo?"
"Sir David?" Parang narinig na niya ang pangalan nito pero hindi niya lang maalala kung saan.
"Oo, si Sir David. David Montefalco, ang buo niyang pangalan." Nanlaki ang mga mata niya nang maalala na niya kung saan niya narinig ang pangalan nito.
"Tama, naalala ko na."
"May naaalala ka na?"
Medyo natawa siya sa sinabi ni Krizza. "Ano ka ba! Wala pa. Kanina kasi ng sinabi mo ang pangalan niya ay parang narinig ko na pero hindi ko lang maalala kung saan. Nang sinabi mo na siya pala ang amo natin ay naalala ko na, na iyon din ang pangalan na binanggit ni Manang Tessa sa akin nang magising ako." Napa-ahh ito sabay tango. "Iyon na nga, simula ng magising ako ay hindi ko pa siya nakikita."
"Mabuti nga iyon eh."
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Hindi niya maiwasan na magtaka sa sinabi nito.
Kinuha ni Krizza ang pamunas saka sinimulan na punasan ang mga natapos na nilang hugasin. Kinuha na din niya ang pamunas saka nagsimula ng punasan ang mga pinggan.
"Kasi masyadong masungit ni Sir David, mainitin ang ulo."
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo, kaunting mali mo lang ay sisisgawan ka na."
"Parang monster?" Napapikit siya ng mahinang kurutin ni Krizza ang pisngi niya.
"Ang cute mo talaga." Napanguso na lang siya. "Oo, parang monster at maswerte ka na lang kung napagalitan ka lang niya. Minsan kasi sa sobrang galit niya ay sinisisante niya ang isa sa mga katulong."
Hindi niya maiwasan na mapakunot-noo dahil hindi niya inaasahan na gano’n pala ang ugali ng amo nila. Akala niya kasi ay mabait ito dahil iyon ang sabi sa kanya ni Manang Tessa at akala niya mabait ito dahil pumayag itong tumira sa pamamahay nito kahit hindi naman siya nito kilala.
Mas nagtaka siya ng bigla itong ngumiti na parang kinikilig. "Pero kahit ganoon siya ay ang gwapo niya pa rin. Promise, para siyang prince charming sa mukha niya, hayys." Napangiti na lang siya habang nakatingin kay Krizza dahil sa mukha nito na nagda-day dream.
Pero mas napangiti siya nang maalala ang mukha ng lalaking nakita niya noong isang gabi. Gaya ng sinasabi ni Krizza ay para din itong prince charming.
"I-describe mo nga ang mukha niya."
"Ang mukha niya?" Kinikilig na naman ito na tila inaalala ang mukha nito. "Napakisig niya sa makakapal niyang kilay, tapos iyong mga mata niya na para kang hinihigop habang natingin sa kanya, tapos iyong matangos niyang ilong. Lalo na ang mga labi niya na parang nagsasabi na halikan mo siya."
Medyo natawa siya sa pag-describe ni Krizza sa binata pero isa lang ang masasabi niya, na ang amo niya at ang lalaking nakita niya sa kusina noong nakaraang gabi ay iisa lang. Kahit kalahati lang sa mukha nito ang nakita niya nang gabing iyon ay masasabi niyang gwapo talaga ito. Bigla tuloy siyang nakaramdam nang excitement na makita ang buo nitong mukha.
"Bakit parang hindi ko ata siya nakikita dito sa mansyon?"
"Busy kasi si Sir David. Maaga siyang umaalis saka gabi na kung umuwi. You know, masyadong workaholic ang amo natin." Napatango-tango siya sa sinabi nito.
Marami pa siyang nalaman tungkol kay David galing kay Krizza. Gaya na lang ng wala na pala itong mga magulang. Bata pa lang ito ng mamatay ang mga magulang nito sa isang car accident at si Manang Tessa na ang tuluyang nagpalaki sa binata., kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ito masungit. Nakaramdam siya ng awa para sa binata, hindi man niya alam ang pakiramdaman kung paano mawalan ng magulang ay sigurado naman siya na sobrang sakit nito para sa binata.
Natawa na lang siya sa naisip niya. Masakit nga ang mawalan ng alaala, mga magulang pa kaya?
"Siya nga pala, Krizza." Napatingin ito sa kanya.
Nagwawalis ulit sila sa harden. Tuwing umaga at hapon kasi dapat sila nagwawalis sa harden. Gusto ng binata na palaging malinis ang harden dahil importante ito sa binata. Ang namayapang ina ni David ang nag-aalaga noon sa mga halaman sa harden kaya naman dapat na manatili ito sa kung ano man ito nang mawala ang ina nito.
Nakaupo siya sa bench. "Kaninong kwarto iyon?" Turo niya sa bintana kung saan nakita niya ang bulto ng tao kanina.
"Iyon ba?" Tumango siya bilang sagot. "Kay Sir David iyon."
"Talaga?"
"Oo, bakit mo naman natanong?"
"Wala lang naman." Ibig sabihin si David pala ang nakita niya kanina.
"Siya nga pala, Angel." Tumabi ito sa kanya. "Ito ang tatandaan mo, huwag na huwag kang pumasok sa kwarto ni Sir David."
"Bakit naman?" Hindi niya maiwasan na ma-curious. Bakit kaya bawal pumasok sa kwarto ng binata? Ano kaya ang meron doon?
"Hindi ko din alam." Napangiwi siya sa naging sagot nito. "Basta. Pinagbabawalan lahat ng katulong na pumasok sa kwarto ni Sir David. Ang tanging nakakapasok lang doon ay si Manang Tessa at siya lang ang naglilinis doon at wala nang iba pa."
Napatango-tango na lang siya at napatingin sa bintana ng kwarto ng binata. Nakasara ang kurtina kaya hindi niya makita kung ano ang nasa loob.
"Palagi bang nakasara ang kurtina ng bintana niya?"
"Oo, simula ng makapasok ako dito ay hindi ko pa nakita na nakabukas ang kurtina ng kwarto niya." Tumayo na mula sa pagkakaupo si Krizza saka bumuntong-hininga. "Oh siya, taposin na natin ito para bumalik na tayo sa kusina."
Tumayo na din siya at tinulungan ito sa paglinis. Sila kasi ni Krizza ang nakatuka sa kusina ngayon.