“Sorry about that,” sabi ni Anastasia kay Beatrice ng makabalik ito sa sala.”My friend called me.” May dala na siyang isang pinggan ng cookies. “Okay lang. Cookies?” tanong niya saka inilahad dito ang dala. “Thanks,” sagot nito saka kumuha ng isa saka ito kinagat. “Anyway, nagpunta lang ako para tanungin kung anong meron kayo ng asawa ko.” Ibinaba niya ang pinggan. As expected. Inaasahan na talaga niya na pupuntahan siya ni Anastasia dito, isang araw para komprontahin siya tungkol sa relasyon nila ni David. “Hindi ba’t nasabi na sa ‘yo ni David ang relasyon namin? Nakita mo na din kami na naghahalikan sa opisina niya noon.” Iniwasan niyang mapangisi. “I am his girlfriend now. The one that he loves.” Hindi naman talaga sila naghalikan noon ni David. Halos magkadikit lang ang labi niya

