Kabanata 101

1237 Words

Tumawag si Beatrice kay David habang umiiyak. Sinabi niyang sumugod si Anastasia sa condo niya at sinaktan siya. Ilang minuto lang ay may nag-doorbell sa pinto kaya naman agad-agad niya itong binuksan. Nang mabuksan niya ito ay agad niyang niyakap si David saka umiyak. “What happen?” tanong nito at hinawakan ang magkabila niyang braso para ilayo siya dito. Napatiim-bagang siya sa galit. Ayaw ba nito na mayakap niya ito. Hindi pwede! Kailangan maging successful ang plano niya ngayon para makuha niya ito. Hinding-hindi siya magpapatalo kay Anastasia at sisiguraduhin niyang hindi ito mananalo sa laro nila. “Hindi ko alam kung papaano niya nalaman kung saan ako nakatira.” Tumalikod siya saka umiyak. Naglakad silang dalawa sa sala saka naupo sa sofa. Mas umiyak pa siya para mas maawa ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD