Mabilis na nagmaneho si David papunta sa mansyon. Kinuha niya ang cellphone ng mag-ring ulit ito saka agad na sinagot ng hindi man lang tinitingnan ang tumatawag. Alam na niya kasi kung sino ito. Kanina pa ito paulit-ulit na tumatawag sa kanya. “Hello,” bati niya sa kabilang linya. “Anong hello?” galit nitong tanong. “Nasaan ka na?” “I’m coming,” nakangiti niyang sagot kahit alam niyang hindi naman nakikita ng kausap niya ang ngiti niya. “Coming, coming,” she mocked. “Kanina mo pa ‘yan sinasabi pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin!” “Just wait a minute. Gano’n mo na ba talaga ako ka-miss at hindi ka na makapaghintay na makita ako?” biro niya dahilan para mas mainis ito. “Sinong nami-miss ka? Hoy! Para sabihin ko sa ‘yo, Mr. Montefalco, hindi kita nami-miss. Mas nami-miss ko pa si

