Magkayakap na nakahiga sina Anastasia at David sa kama. Wala silang kahit anong saplot na suot dahil katatapos lang nilang mag-make love. “Ano bang nangyari sa ‘yo kanina? Bakit bigla ka na lang nagkagano’n?” Ang tinutukoy niya ay ang bigla nitong pag-init. Nakikita niyang nahihirapan ito kanina at para bang uhaw na uhaw ito sa kama. Niyakap siya nito saka hinalikan sa buhok. “I don’t know either. Okay naman ako kanina habang papunta dito.” Napatingala siya dito. “May nakain ka ba o ininom bago ka pumunta dito?” “Hmm,” nag-isip ito. “Before I rush here, nanggaling ako sa condo ni Beatrice. She gave me juice before I left. Why?” Napaiwas siya ng tingin dito saka naging masama ang mukha. Sinasabi na nga ba niya. Walang magandang gagawin ang babaeng ‘yun. Binigyan na niya ito ng warnin

