Dahan-dahang iminulat ni Angel ang mga mata niya. Napahawak sa ulo ng pakiramdam niya ay parang mabigat ang ulo niya. Pinilit niyang inalala kung anong nangyari sa kanya saka napadilat ng maalala. Agad siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga saka mabilis pa sa alas-kuwatro na umalis sa kama. Abot-abot ang kaba niya ng makita ang kama. Agad siyang napatingin sa damit saka napahinga ng maluwag ng makitang suot pa rin niya ang damit niya. Napatingin siya sa paligid at nataranta ng hindi familiar sa kanya ang kwarto. Napahawak siya sa ulo saka napagulo sa sariling buhok. "Sh*t!" Napakagat siya sa sariling kuko at napaisip. "Bakit ako nandito? Kinidnap ba ako? Bakit? Bakit ako? Mahirap lang naman ako. Shete!" Napatakip siya sa bibig saka nanlaki ang mga mata sa naisip. "Baka mga sindikato ang

