Nang makarating sa mansyon ay magkahawak kamay silang pumasok. Hindi mapigilan ni Angel ang mas mapangiti. Noong isang araw lang ay magkaaway sila tapos ngayon ay magkabati na naman sila. Sana nga lang ay huwag na silang mag-away, pero dahil hindi niya mapipigilan ang bagay na 'yon ay siya na ang magpapakumbaba. Sa tuwing mainit ang ulo nito, siya na ang iintindi. Kapag masungit ito ay ngingitian niya lang ito. Kapag wala ito sa mood ay lalambingin niya ito. Lahat ay gagawin niya para hindi na sila mag-away. Ayaw na niya ang pakiramdam na may mabigat sa dibdib. Gusto niya ay masaya lang sila palagi. "Teka! Saan mo 'ko dadalhin?" Nagtaka sya ng hilahin siya nito, pero hindi para ihatid siya sa kwarto niya kung hindi papunta sa harden. "I want to show you something." Hindi na siya nagtan

