Dalawang araw ng walang tulog si David sa kakahanap kay Angel. Tinawagan na din siya ni Denver at sinabi na wala si Angel sa lahat ng hospital sa lungsod. Para na siyang mababaliw sa kakahanap dito. Dalawang gabi na din siyang hindi natutulog at nagpapahinga. Nang makauwi siya sa mansyon ay para siyang zombie na walang kabuhay-buhay kung maglakad. Nang makita ni Manang Tessa ang binata ay hindi niya maiwasang mag-alala para dito. Napapabayaan na nito ang sarili at hindi na din pumapasok sa opisina dahil sa walang tigil na paghahanap nito kay Angel. Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari, sana hindi na lang si Angel ang inutusan niyang mamalengke, hindi pa sana mawawala ang dalaga. Pabagsak na naupo si David sa sofa, tulala sa kisame. "Anak, magpahinga ka kaya muna. Ilang araw ka n

