"Anong nangyari sa kanya, Doc?" nag-aalalang tanong ni Christian ng makapasok ang Doctor. "Maayos naman siya. Nawalan lang siya ng malay dahil sa sakit ng ulo dahil bigla-bigla ay pumapasok sa isip niya ang mga alaala na nawala sa kanya." "Nawala?" Nalito siya. "What do you mean, Doc?" "Didn't you know?" "Know what?" "The patient has amnesia." "Amnesia?" Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Yes, 'yon ang nakita sa lab result niya." Napatingin siya kay Anastasia na mahimbing na natutulog. "Normal lang na sumakit ang ulo niya kapag may nakikita o naririnig siyang mga bagay o pangalan na familiar sa kanya." Ine-explain pa ng Doctor sa kanya ang ibang result ng mga laboratory ni Anastasia. Maayos naman ang lahat, maliban sa utak niya na nakalimutan ang lahat at isa na nga siya. Umupo

