Kabanata 32

2536 Words

Tulala sa kisame ng kwarto na nakatingin si Angel. Iniisip ang binata, gusto na talaga niyang makausap ito, pero paano? Ilang araw na ding hindi umuuwi ang binata. Napatayo siya saka agad na hinanap si Manang Tessa. "Bakit?" tanong nito ng tinawag niya ito. "Pwede po ba akong umalis?" Nagtaka si Manang Tessa. "Bakit? Saan ka ba pupunta?" "Pupuntahan ko si David, Manang. Gusto ko na siyang makausap para magkaayos na kami." Napangiti ito sa kanya saka bahagyang tumango. "Sana magkaayos na kayo." Ngumiti siya ng may paninigurado kay Manang Tessa. "Makakasiguro kayo, Manang, na sa pag-uwi ko ay okay na kami." "Ipapahatid na kita kay Delfin." Tatawagin na sana nito si Mang Delfin ng pigilan niya. "Huwag na, Manang. Magta-taxi na lang po ako." "Sigurado ka?" "Opo at saka baka magtagal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD