"Pwede ba tayong mag-usap, David?" agad na tanong ni Angel kay David ng makita niya itong pababa galing sa taas. "Not now, Angel. I'm busy." "Pero---" "Maybe next time," sabi nito saka nagmamadaling maglakad. Wala na siyang nagawa ng mabilis itong umalis ng mansyon. Ilang araw na siyang hindi pinapansin ng binata. Ilang beses na niyang sinubukan na kausapin ito. Sa umaga palagi na lang nagmamadali itong umalis, sa gabi naman hinihintay niya sa pag-uwi, pero hindi pa rin niya ito nakakausap dahil sa pagod ito. Ayaw nitong makipag-usap sa umaga dahil nagmamadali, sa gabi naman ay pagod. Minsan naman ay hindi ito umuuwi kaya minsan nakakatulog na lang siya sa sofa sa kahihintay sa binata. Hindi niya tuloy maisip na baka iniiwasan siya ng binata para hindi na siya magtanong tungkol kay Tr

